Chapter 01

464 17 1
                                    


"Oy, diyan yata nagtatrabaho ang kapatid ng asawa ni kuya Michael mo."


Napalingon naman ako kay Tiya Myrna nang sumulpot nalang ito bigla sa likod ko. 


Nagbabasa kasi ako ng diyaryo rito sa terrace nila at sakto nasa diyaryo ang kumpanyang pinagpasahan ko ng application form noong nakaraang araw. 'Yun yung kumpanya kung saan may biglang tumawa sa akin na 'Mommy'.


Cringe! Kapag naaalala ko 'yun 'di ko maiwasang maisip kung ganoon na ba talaga ako katanda tingnan para magmukhang nanay? Like, hello? Ang virgin virgin ko pa tapos may tatawag lang sa akin na nanay? Ni jowa nga wala rin ako. Tapos nanay na agad?


Sa gulat ko nga no'n sumakay nalang kaagad ako ng elevator eh. Nakakahiya, baka sabihin ng mga tao roon nagpapaiyak ako ng bata kahit minsan lang naman kapag may batang tingin nang tingin sa 'kin sa palengke.


"Erste Byte 'yan 'di ba?" Pang-uusyoso pa ni Tiya Myrna.


"Opo."


"Nasubukan mo na bang mag-apply diyan?" 


"Opo, noong nakaraang araw lang po. Ganoon din po, nag-aantay nalang ako na tawagan for interview raw." Sabi ko rito sabay buntong-hininga.


Mahirap din pala mamasukan dito sa Maynila kahit kaliwa-kanan na 'yung mga puwede mong pasukan na kumpanya. Nahihiya nga 'ko kapag may nakakasabay akong galing sa bigating school dito sa Maynila e. Ano bang magagawa ko? E bigatin school nila samantalang sa amin pati nga estudyante inuutusang pagbilangin ng panindang turon sa canteen.


"Kaya dapat talaga dala-dala mo 'yang cellphone kasi baka bigla kang tawagan." Paalala pa nito na kinatanguan ko naman.


Pagtapos ko ring magbasa-basa ng kung ano sa diyaryo ay pumasok na 'ko sa kwarto ko. Napilitan lang din naman akong magbasa dahil wala akong maggawa sa ngayon. Sunday kasi kaya binalak kong magpahinga na pinagsisihan ko rin naman kasi boring sa bahay. 


Namiss ko tuloy sila mama. Kumusta kaya sila roon? Naglakwatsa na naman kaya 'yung mukhang manok kong kapatid? Sino kaya binubwiset ni Kulot doon?


Kinuha ko na ang tuwalya ko at maliligo na sana nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagmadali ko naman itong inabot at sinagot ang tawag from an unknown number. 


"Hello?" Sagot ko sa tawag.


[Hello good afternoon. Is this Ms. Crisanta Noyesa Deldoc?] Saad ng lalaki sa kabilang linya.


"Yes, speaking po."


[We are happy to inform you that you are qualified for an interview herein KineTech Corp. It is next Monday, August 23, 8 pm will do. Kindly bring with you your lacking requirements if there are any as well as your medical tests. Wear appropriate clothes and good luck with your interview.] 


Halos tawagin ko na lahat ng santo sa sobrang tuwa dahil sa wakas ay may tumawag na sa akin. 


A Deal With A Billionaire | Billionaire Series 1Where stories live. Discover now