Chapter 02

368 18 1
                                    


Naguguluhan ako dahil sa executive elevator kami pumasok. Tiningnan ko lang ang nagpakilalang assistant sa akin sa bahay na magpindot ng 29th floor. Ang layo! Kapag nasira elevator, dalawa lang choices mo either gugustuhin mo nalang mabulok kahihintay na maayos muna ang elevator or tumalon ka nalang mula sa tuktok dahil hindi mo kakayaning maghagdan.


Pero char lang, balita kasi may solar daw sila kaya may alternative. Ang yaman!


Nagtaka naman ako dahil pagdating namin sa 29th floor sobrang luwag pa ng space at may isang glass door doon na tinted naman kaya hindi ko pa nakikita kung sino ang nasa loob. 


Pinagbuksan naman ako ng assistant kuno saka lang tumambad sa mukha ko ang lalaking natatakpan ang mukha ng malaki niyang monitor. Nalaman kong lalaki siya dahil halata naman sa suot niyang black suit at itim na neck tie. 


"Sir, nandito na po si Miss Deldoc." 


Nilingon ko muna ang assistant at pumasok na nang senyasan niya na 'kong puwede na 'kong pumasok. Tumigil lang ako isang metro ang pagitan mula sa table niya kaya nakita ko na ang pagmumukha nito. 


Seryoso lang itong nakatingin sa monitor niya habang ang mga daliri niya ay mabilis na nagpipipindot sa keyboard. Halatang maraming ginagawa. Nakaayos ang buhok nito palikod. Ang mga panga niyang perpektong hinulma ng May-Likha ay halata dahil nakatagilid ito kaunti mula sa pwesto ko. Ang ilong nito'y puwede ng hasaan ng kutsilyo sa tangos. Ang kilay nito ay puwede ng bahayan ng kuto sa kapal at ang mga eyelashes nito ay puwede ng sabitan ng bag sa pagkakurba. 


"Done checking?" Sambit nito sa pinakabaritonong boses na alam ko.


Napahawak nalang ako sa dibdib ko habang gulat na napatingin sa kaniya nang tumigil ito sa pagpindot at nagtaas nang tingin sa akin. Nakatikom ang bibig nito habang tuwid lang na nakaupo sa gaming chair niya. Sosyal pala, gaming chair.


Mataman ko lang itong pinapanood na pagsiklupin ang mga kamay kasabay ng pagpatong nito sa taas ng lamesa niyang iregular ang shape at white. Napatitig naman ako sa game figure na nasa tabi ng lagayan niya ng mga pen. 


"Have a seat." 


Hindi naman siguro siya nanglalapa 'no?


Umupo na rin ako na para bang may isasampa akong kaso tapos siya 'yung lawyer na pagkukuwentuhan ko. Kuwento ko sa kaniya kung paano ko nabili 'yung panty ko.


"Bakit niyo po ako inimbetahan dito?" Tanong ko rito sa pinakamagalang na boses na alam ko. Hindi kasi kami close para biruin ko kaya magalang nalang muna ako ngayon.


"I want this quick.." Sumandal muna ito sa gaming chair niya at seryoso akong tiningnan. "I have a proposal."


May kinuha ito sa ilalim ng desk niya saka inabot sa akin. Inabot ko naman ito at binuksan ang puting folder. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakasulat sa form na binigay niya. Binasa ko muna kung ano ang nakalagay roon tulad ng mga condition.

A Deal With A Billionaire | Billionaire Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon