LTSC||SECOND

271 19 80
                                    

I scan myself on the full length mirror in front of me. Wearing a plain white halter dress partnered with white doll shoes, i-binuhaghag ko na lang ang buhok ko tutal natural naman ang pagka-curly nito.

Napangiti ako. “Perfect as always!”

I stopped admiring myself nang mapatingin ako sa tabi ng vanity mirror ko. Nakapaskil ang graduation picture naming magbabarkada. Napadako ang paningin ko sa mukha ni Javin, katabi ko siya, nakadantay ang kamay niya sa balikat ko na naka peace sign. Napapailing ako.

“Ang unfair, gwapo pa rin kahit nakabusangot,” natatawang sambit ko.

Munti akong ngumiti bago ibaling ang paningin sa mirror.

Some says I have an enchanting smile and sparkling eyes. As I examine myself at the mirror, I realize that they’re not wrong about it.

“Ang ganda mo talaga, Kim.”

Lagi nilang sinasabi sa akin ang kataga na ’yan, na halos walang kulang sa akin. Despite that, I still struggles with the belief that I am not capable of capturing the heart of a man, his heart.

Hmm. You’re the prettiest at this moment, Kimverleigh.”

That’s the sweetest compliment I’ve received. Does he mean it? Does he likes me too? Haist, here I am again imagining things! Napangiti akong mapakla. I sighed.

Pagkasarado kong gate, my eyes caught a person I didn’t expect to see. I raised my left eyebrow. Psh. Buhay pa pala ang kumag na ’to.

“Kim!”

Papasok na sana ako sa kotse nang marinig ko ang pangalan ko. I turned my gaze to him. I smiled at him awkwardly as he approached me.

“Long time no see.”

“Hey,” sambit ko na lang, nakapaskil sa mukha ko ang pekeng ngiti.

“Mas gumanda ka,” pagpansin niya, malawak pa itong ngumiti. Pansin ko ang pagsuksok niya ng phone sa bulsa ng pantalon niyang butas-butas.

“Syempre wala na tayo, hindi na ako mukhang stress,” gusto ko sanang isagot sa kanya ’to. “I know right,” natatawang sambit ko na lang, nag-aalinlangan.

Natawa naman itong bahagya. “Hindi ka pa rin nagbago. You’re still the Kim I knew.”

“Why would I?” I asked back but he just laugh. Tsk. “S-sige mauuna na ako dahil may kailangan pa akong asikasuhin.” I lied. Because that he was good at, lying.

Hindi nakaiwas sa akin ang pagbusangot niya. “Oks, take care,” he said, kumaway pa ito bago tumalikod sa akin atsaka muling binunot ang phone sa bulsa niya. Psh.

Kalahating oras bago ako makarating ng mall. Napatingin ako sa wristwatch ko nang mapansin na maraming pila papasok ng entrance, saktong 10 pala ako nakarating.

Isa siya sa member ng 0X1, ’di ba?

Napalingon ako sa katabi ko nang marinig ang kanyang sinabi, tinaasan pa niya akong kilay.

Gf niya kasama niya?

Saktong kukunin ko na sana ang phone ko para sana i-check kung nagala na naman ang limang ’yon dito nang mag vibrate ’to.

From: labs q Laley
Uy sino ka meet up mo, labs? Ano ’yan secret dating? hahaha

Iniilibot ko ang paningin sa lugar. Then I saw Laley’s laughing at the corner near at the entrance, kasama niya si Ben na hindi maipinta ang mukha. I roam my eyes again, hoping Javin is with them, pero wala, haist.

Let The Song CryDär berättelser lever. Upptäck nu