LTSC||TENTH

132 11 13
                                    

“Hindi sapat lang na mahal mo siya para siya’y manatili. Tama ba?”

Sumimsim ako sa kape habang nakatingin sa mini stage. Ilang minuto na nakakalipas pagkatapos kumanta ni Jav, ibang performer naman ang nandoon ngayon. Dahil nga ilang minuto kaming nasa mini stage kanina, hindi na mainit iyong kape, nawalan na rin akong gana namnamin. Papalitan sana ni Jav, but I insisted na pwede pa namang inumin.

“Nasubukan na ba ninyong mag stay sa isang relasyon na hindi naman dapat?” tanong ng guy na nasa mini stage, nagkaroon naman ng komosyon at munting hiyawan. “Sumubok lang naman kayong tumaya, pero narealize ninyo parehas na hindi talaga pinipilit ang pagmamahal.”

Inilapag ko ang cup ng coffee at marahang binalingan ng tingin si Jav. Napakuyom ang kamao ko nang mapansin ang pagbagsak ng balikat niya.

“Hindi pinipilit ang pagmamahal. Hindi ganoon ’yon.”

“Sa totoo lang!”

Napangiti akong mapakla.

Bakit parang alam ng mundo kung anong pinagdadaanan ko ngayon?

“Oras na siguro para palayain ninyo ang isa’t-isa.”

Parang kung may anong kumirot sa dibdib ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi para pigilan ang hikbing kumakawala. Nag-iwas akong tingin at tumayo.

“Labas lang akong saglit,” nagmamadali kong sambit, naabutan ko pa sa loob ng establishment ang pag strum ng gitara sa pamilyar na ritmo ng musika.

Hindi ko na hinintay na magsalita si Javin, nagmadali akong lumabas ng establishment. Paunti-unting lumalabo ang paningin ko habang tumatakbo paalis sa lugar na ’yon. Takbo’t singhot ang nangyari hanggang sa makarating ako sa may mini gazebo, sa kubo na nasa gitna ng pond.

The view is mesmerizing, but I can’t feel it. Not now. Parang ang lanta ng paligid ko. Natawa akong mapakla.

Napatingin ako sa kawalan at pasimpleng pinunasan ang basang likido sa pisngi ko. Buti na lang walang iba na gumagala ngayon sa parteng ’to, I can freely cry, I can freely express my pain.

Bigla ko na naman naalala iyong nangyari noong isang gabi, pagkauwi ko galing mag ice cream with Shin.

Mag-ti-text pa ba ako kay Jav na nakauwi na ako? O hindi na? Itinakip ko ang mukha sa unan at bahagyang nagpapadyak. Argh! Kainis!

Napatingin muli ako sa phone ko. Huwag na nga!

Bago ko pa man ilapag ang phone sa mini table, biglang nag vibrate 'yon. Napakunot ang noo ko nang mapansing unregistered number 'yon. Nag-aalangan man ay sinagot ko 'yon.

Katahimikan ang bumungad sa akin.

Hello? Sino ’to?” kuryosong tanong ko.

Nakarinig ako ng munting pagsinghot. Napakunot ang noo ko.

[“Are you Kim?”] garalgal ang tonong tanong nito. Her voice is kinda familiar, pero saan ko nga ba narinig?[“It’s Sielly.”]

Napaayos akong upo at napatikhim. Boses nga ni Sielly. Anong problema at napatawag siya sa akin? Mag alas dose na.

[“You love Javin, right?”] Natigilan ako sa tanong na ’yon. Bakit bigla niyang natanong 'yon? [“I’m sorry, I just saw his messages kasi. Javin is here,”] mahinang sambit nito, nakarinig ako ng munting kaluskos. [“He’s begging me to get back to him. Can you get him here?”]

Let The Song CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon