LTSC||FOURTEENTH

106 9 16
                                    

[“Hello, nasaan ka, Kim? Wala ka rito sa bahay mo, I’m worried! Magdidilin na!”]

Shin.

Malakas akong bumuntong hininga.
“At cemetery.”

[“Anong ginagawa mo r’yan?!?”]

Munti akong napairap. “Baka inilibing kita tapos umiiyak ako rito dahil wala ka na?” sarkastikong sambit ko, napasinghal naman siya sa kabilang linya. “Huhuhuhu, Shin, bakit mo ako iniwan? Masyado ka pang bata para mawala huhuhu!”

[“Loko, walang ganyanan, huy!”] malakas nitong sambit. Natawa akong bahagya. [“Pero seryoso na, sana sinama mo sana ako para dalawin nating sabay, ako ama n’yan ha.”] Pahina nang pahina ang boses niya.

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinambit niya. Sa totoo, siya ang nagsilbing sandalan ko, noong nakunan ako, ni minsan hindi niya ako pinaramdam na mag-isa ako sa bahay, sa akin siya umuuwi kapag may work siya, sa umaga si Draxe ang nagbabantay sa akin kapag wala akong work. Dalawa lang sila ni Draxe ang may alam sa nangyari sa akin.

[“Sa susunod sabihan mo ako para may kasama ka, Kim, huwag mong solohin.”]

I heave a deep sigh again. “I’m with Draxe.”

Napatingin ako sa hindi kalayuan, nandoon si Draxe, nakasandal siya sa kotse ko. Nagpumilit kasi siyang sumama sa akin kanina noong nalaman niyang dito sa cemetery ang punta ko, napadaan kasi siya sa orphanage kanina. Ayaw pa niyang magpaiwan sa sasakyan, in-assure ko siya na magiging okay ako kaya wala siyang nagawa.

[“Hayyyyy, siguro kung si Draxe lang minahal mo, hindi ka nagkakaganyan ngayon,”] mahinang sambit niya.

Pero hindi naman ako naging masaya kung hindi si Javin...

[“Pupunta ka ba sa gig nila mamaya?”] Pag-iba niyang topic pagkatapos kong hindi siya imikin.

“Hindi ko alam,” sagot ko na lang kahit wala akong balak pumunta, kasi ano pa bang dahilan ko para pumunta? Oo, barkada ko sila, pero maiintindihan din naman siguro nila na masakit para sa akin na makita si Javin ngayon.

[“Okay. Subukan mo lang kung gusto mo, may sasabihin ako sa ’yo na dapat mong malaman.”]

Napaayos akong upo.

Anong dapat ko na malaman?

Tinatakot niya ba ako para pumunta ako? Tsk.

[“Maybe you’re thinking that I’m just threatening you. This is for your own good, Kim, baka sakaling mabawasan ang galit mo sa kanya.”]

Baka sakaling mabawasan ang galit mo sa kanya.”

Nagpabalik-balik iyon sa pandinig ko hanggang makabalik ako sa harap ng kotse ko. Malakas akong bumuga ng hangin.

Anong ibig mong sabihin, Shin? Ano ba dapat kong malaman?

“Feeling better?”

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Draxe.

“Just fine, maybe.” Sighed.

His left eyebrows raised.

“Problem?”

Umiling lang ako kay Draxe, napailing naman ito.

“Liar,” rinig kong bulong niya. Tsk. “So, saan next na punta mo?”

“Bahay,” sagot ko. Pumasok na rin ako sa kotse, sumunod naman siya. Siya rin naman nag-insist mag drive kanina kaya sa passenger’s seat na ako naupo.

“Really?” nanunuyang tanong niya bago paandarin ang sasakyan.

Doon, naibaling ko ang paningin sa kanya. I raised my left eyebrow. “Bakit parang kontra ka pa na umuwi akong bahay ah?”

Let The Song CryWhere stories live. Discover now