LTSC||SEVENTEENTH

115 9 8
                                    

Naalimpungatan ako sa ingay. Napatingin ako sa orasan. Alas dos pa lang ng madaling araw. Napatingin ako sa tabi ko, pero wala ito sa pwesto niya. Napakunot ang noo ko nang ibaling ko ang paningin sa may mini veranda, Shin’s there, talking to someone over the phone.

“Ano naman?!... Kargado ba namin ’yan?! Iuwi mo na ’yan, tulog si Kim!... *Sighed* Pwede ba Kairro? Hindi kargado ni Kim ang tropa ninyong lasing?! *Sighed* Edi ikaw umakyat dito at gisingin mo!.. Iuwi mo na si Javin!! Bukas na lang kayo bumalik...Nakakaintindi ka ba?... Bungol ka pala, e! Ayoko nga gisingin!”

Ba’t ba nasigaw lagi isang ’to?

At anong iuwi si Javin?

“Hindi ko gigisingin! Manigas ka sa lamig dyan sa labas!... Ah talaga!... Pake mo?”

Gulat ang hitsura ni Shin nang mapadako ang paningin niya sa akin. “Kanina ka pa gising?” gulat nitong tanong.

I nod my head.

“Narinig mo?”

I nod again. “Pagbuksan mo sila, malamig sa labas. Hilamos lang ako,” pag-iwas ko ng tingin sa kanya.

“Kim, seryo--”

“Oo. Buksan mo na. We’ll just talk.”

Parang aangal pa hitsura nito. “Pero... Fine, pinilit mo ako ayokong makita iyong Kairro na ’yon! Pinilit mo lang akong pagbuksan sila!”

Praning.

Hindi naman si Kairro ang usapan dito. Eksena rin talaga.

Wala na rin siyang nagawa kundi lumabas ng kwarto ko. Nang makaalis siya’y dumiretso akong banyo para maghilamos. Munti akong napatulala habang unti-unting tumutulo ang tubig sa mukha ko.

Napangiti akong mapakla sa harap ng salamin.

Ano ba ginagawa mo rito, Javin? Bakit ngayon mo lang ako guguluhin? Ano bang gusto mo?

Pagkababa kong salas, nagbabangayan si Kairro at Shin. Tumigil ako sa pinakadulong hagdan para panoorin sila. Nakapamewang si Shin, habang si Kairro ay inaalalayan si Javin umupo sa sofa.

“Bakit kita ipagtitimpla ng kape? Jowa ba kita?!” pasigaw na sambit ni Shin.

“You’re too loud, lower your voice, it’s already two in the morning.”

“Alam mo naman pa lang alas dos na nang madaling araw nagpunta pa kayo rito! Mga istorbo sa tulog!”

“Nagpumilit nga isang ’to,” pagturo ni Kairro kay Javin. “Do you even understand that, Miss Villanueva?!”

“Oo, naiintindihan ko! Huwag mo ako ma-ingles-ingles!”

“You’re too loud! Doon ka nga,” pagturo ni Kairro sa kusina. “Lagyan mo ng pagkain bunganga mo para manahimik.”

Pfft, loko.

“Sus! Pwede mo namang iuwi sa condo niya!” singhal ni Shin. “Dami mong reason, palibhasa ikaw na ’yan, e! Lahat na lang ng rason pwede!”

“What? Are you even serious right now?” kunot-noong tanong ni Kairro.

“Oo, mukha ba akong joker sa harap mo?!”

“Yeah, it’s that what you want.”

Marahang dinuro ni Shin si Kairro. “Ayan! D’yan ka magaling!”

“Tapos na ba kayo magbangayan? Pwede na ako umeksena?”

Gulat silang dalawa na tumingin sa akin, natahimik naman sila parehas nang gawaran ko silang masamang tingin. Naglakad ako palapit sakanila at tahimik na naupo sa dulo ng sofa.

Let The Song CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon