LTSC||SIXTH

147 14 74
                                    

“Dito na ako, thanks for the safe drive.”

Napanguso ako. Napatingin ako sa paligid bago sa kanya. “Jav,” mahinang pagtawag ko sa kanya.

Napalingon siya sa akin, napataas pa ang kilay niya nang makita ang hitsura ko. “Why?”

Hmp. Ang sungit! Kanina pa ako hindi pinapansin magmula makaalis kami sa bahay.

“Sama ako,” sambit ko at marahang hinila ang laylayan ng kanyang damit na ikinatigil niya sa paghakbang pababa ng kotse.

He raised his left eyebrow. “Hmm?”

Hmm??

Anong hmm??

Napatikhim ’to. “Are you sure you are coming with me?”

Napatango ako na parang bata. “Wala naman akong gagawin ngayon, I’m just waiting for my application whether to be accepted or rejected, e,” sambit ko. “Atsaka Sister Anna offered me as a teacher sa may orphanage.” I leaned closer to him. Napanguso ako nang mapansin ang magkasalubong na kilay niya, ang sungit talaga! “Baka ma-miss kita masyado, e.”

Nag-iwas siyang tingin sa akin, hindi nakaiwas sa akin ang pasimpleng pagngiti niya.

Gosh, Kim, nakakahiya pinagsasabi mo!

“Hindi ako manggugulo, promise!” pagtaas ko pa ng kanang kamay na parang nanunumpa. “Alam naman ng fans mo na magkasama tayo sa work, right?”

Bahagya itong tumango bago bumuga ng hangin.

“You sure?”

Munti akong tumango. “Kapag sinugod ako, makikipagsabunutan din ako, ’no!” pag-arte ko pa na sumusugod.

Natawa naman itong bahagya. “Okay, okay. You win.”

Malawak akong ngumiti nang pisilin niya ang pisngi ko. Pero nagulat ako nang ilapit niya ang sarili sa akin atsaka ako marahang niyakap.

“E-eh?”

“Kapag may mang-away sa ’yo, just tell me so I can protect you,” mahinang sambit niya. I can clearly hear his heartbeat dahil sa pagsiksik ko ng aking mukha sa leeg niya. “Ang bango mo talaga, Love,” he whispered then kiss the top of my hair. “I’m sorry about my cold attitude earlier.”

“Nagseselos ka siguro sa dalawang sakristan?” I asked, giggling. Syempre pabiro lang, bakit naman siya magseselos?

“Hmm, they’re getting your attention.”

Hindi ko inasahan ang mabilis na pag-amin niya. Hindi ko alam kung ano uunahin kong maramdaman, matakot, kabahan ba, o kiligin, e.

“Second round?”

“What the??”

Natatawang inilayo niya ang sarili sa akin. Grabe naman mood swing ng isang ’to, dinaig pa ako. He even pinched my cheeks and get a quick kiss. “Let’s go, baka mahubaran kita rito sa loob ng sasakyan mo.”

“Bwisit ka.”

“Gusto mo naman,” He teased.

Napatikom bigla ang bibig ko. Bwisit!

Pagkarating namin sa set nila, lahat ng staff binabati siya, even me dahil namumukhaan nila ako. Of course I’ve work with them these past years, medyo familiar din sila sa akin. Hindi ko naman full work ang pag-mo-model, part time ko lang dahil broke ako that time noong pumayag ako kay Kuya Devin. Hanggang sa kinukuha na ako mag model ng ibang agency.

“Hi, Miss Kim!”

I just waved my hand and smile.

“Don’t worry, it’s safe here.”

Let The Song CryWhere stories live. Discover now