LTSC||THIRTEENTH

105 9 27
                                    

“Hello, k*ngina sino ba ’to?”

I heard a laugh at the other line. [“Good morning din madamdamin! Funny mo, Kim. Si Shin ’to. Ang aga namang pagmumu--.”]

Inis kong pinatay ang tawag. Bwisit. Alas sais pa lang ng umaga nambubulabog na. Malakas akong bumuntong-hininga nang mag beep ang phone ko.

Shinarra Ynez Villanueva:
Nag-inuman kami kagabi rito, huy! Wala ka, e! Madaling araw na sila umuwi. Kayo lang dalawa ni Ben ang wala! Ilang araw na kayong walang paramdam sa gc, kayong dalawa ha wushu!

Ano naman gusto niyang iparating?!

Inis kong itinapon ang phone sa may bed at ginawa na ang morning routine kahit sumasakit pa ang ulo ko. Ang sakit ng ulo ko, hindi ko namalayan na nakatulog ako kagabi. Dahil na rin siguro sa pagod, nakipaglaro kasi sa akin ang mga bata sa orphan kahapon.

Napatingin ako sa screen ng phone ko nang tumunog ulit ’to. Galing ulit kay Shin, pero sa group chat siya nag chat.

OA X 1 NONCHALANT :P

Shinarra:
hui, cguraduhin ninyo lang na sunduin aq maya ha, special mention kay madam Kimv

Shinarra:
bawal magdala ng jowa baka mabadtrip lang aq

Munti akong napairap, dahil nagdagsaan na ang chats ng iba. Ba’t saan ba pupunta mga ’to?

Isabel:
Imposible ean, lods, performer kasi jowa ko, lods

Shinarra:
edi ikaw na huwag pumunta HAHA

Devin:
Hey. Don’t bully my baby

Shinarra:
OA mo naman, lods, bully pinagsasabi mo r’yan, mas bully eang jowa mo Hahahaha

Isabel:
Wushu, wala siyang jowa na nagtatanggol sa kanya

Shinarra:
ulo mo, isako kayong dalawa, e!

Isabel:
HAHAHAHAHAH

Nahihilo ako sa daming chats kaya ni-mute ko ang GC. Pinasok ko na ang phone ko sa bag at muling pinasadahan ang sarili sa salamin. I just wear a plain white shirt and fitted pants, partnered with white rubber shoes. Naglagay na rin akong perfume atsaka munting ngumiti.

Dumaan muna ako sa isang restaurant para mag-agahan dahil nakulo ang tyan ko, tinamad na ako magluto ng umagahan dahil tinamad ako, buti na lang walang masyadong tao kaya mabilis ang usad ng order. Nasa kalagitnaan ako nang pagkain nang mag vibrate ang phone ko. Napataas ang kilay ko nang mapansin na galing kay Ben.

Benedict Jotham Hara:
Thank you ’bout last monday, Kim. I’ll treat you later, may gig kami mamaya sa food and garden park. 8 pm.

I simply rolled my eyes. Itinago ko na ang phone ko sa bag at nagpatuloy sa pagkain. Hmp. Ba’t naman ako pupunta? Hindi naman siguro must ang pagpunta sa gig nila. Saka apat na araw na nakalilipas, naalala pa niya talaga.

“Good Morning, Sister Anna,” pagbati ko nang makarating ako sa orphanage.

“Good Morning, Hija.”

Ngumiti ito sa akin bago magpaalam na pupuntang kumbento. Mukhang hinintay lang niya ako makarating dito sa room.

Hindi naman masyadong malawak ang espasyo ng room, sakto lang sa benteng bilang ng mga bata na tuturuan ko. Nasa ibang room naman ang ibang bata.

Let The Song CryWhere stories live. Discover now