LTSC||THIRD

204 18 83
                                    

“Are you okay? Namumutla ka.”

Hindi mapakali ang matang naiiwas ko kay Draxe. Marahan kong pinaglaruan ang kamay ko. “Uhm, mauna na ako,” sa wakas nasambit ko at muling ibinaling ang paningin sa kanya. “May emergency lang.”

Natawa siyang bahagya. “You’re weird,” sambit nito then he just shrugged.

Mabilis kong inabot ang bag sa upuan at patalikod na kumaway. “Bye, Draxe! See you around!”

Uncertainty creeps up on my lips while thinking about Javin coming to my house. Is this a betrayal on Draxe's part? He will understand my delusion naman, nasanay na rin siya, pfft.

“Ingat, Kim! Chat me if you’re home!”

“Hmm!”

Bahagya akong bumuntong-hininga nang makarating akong sasakyan. Marahan kong tinuktukan ang sarili dahil nakalimutan ko magpaalam sa mga bata at kila Sister Anna.

“Ganoon mo na ba talaga ka sabik makita ang isang ’yon, Kim?”

Muli kong tinuktukan ang sarili at ini-start na ang engine. Malakas akong bumuga ng hangin habang napapalingon sa paligid, mahirap na baka may makasunod sa bahay ni Lola, it’s my private space.

Pagkarating ko sa harap ng bahay, nakita ko ang sasakyan ni Javin na nakaparada malapit, doon sa may abandonadong parke. Pagkaparke ko ng sasakyan sa loob ng bakuran, binuksan ko ang phone ko to send text messages, asking where’s Jav.

Bumaba na akong sasakyan holding two plastic na may lamang chichirya na binili ko kanina sa may store for midnight snacks later, at iyong paper bag na may laman na mga libro.

Ilang minuto pa nang may dumating na message sa akin.

From: Jav
Outside

Bahagya akong bumuntong-hininga at binaba muna ang mga pinili ko sa gilid ng pintuan. Pagbukas kong gate, agad napataas ang kilay ko dahil bumungad sa akin ang balot na balot, naka-cap, naka-shades, at naka-longsleeves na Javin.

“For safety purposes,” ani nito na para bang nababasa ang nasa isip ko.

I just shrugged at naiiwas ang paningin. Sinenyasan ko siyang sumunod sa akin, pagkarating namin sa harap ng pintuan, kukunin ko na sana ang pinamili ko nang marahan niyang sinagi ang kamay ko.

“Ako na.”

Naiiwas ko ang paningin at munting napakagat sa labi para pigilan ang ngiti na kumakawala sa labi ko. Magmula noong celebration na ’yon, he’s acting differently na. Does it mean, he’s falling for--.

Napatampal ako sa labi nang biglang may tumikhim.

“What are you waiting for?” matigas na boses niyang sambit.

Gosh, Kim, you’re spacing out again.

Napabuga akong hangin nang mabuksan ko ang pinto, iginiya ko naman siya sa may sala. Pagkaupo niya sa mahabang sofa, inilapag niya ang mga pinamili ko sa may mesa atsaka ito nagtanggal ng shades at cap. Bahagya itong bumuga ng hangin, halatang iritado ’to dahil magkasalubong ang kilay niya.

“Those fans are too much.”

Pati ba naman kapag galit siya, ang gwapo pa rin niya sa paningin ko. Geez, Kim!

“Sorry, nadamay ka pa.” He cleared his throat. Napaiwas akong tingin dahil tinaasan niya ako ng kilay na para ba akong hinuhusgahan sa pagtingin sa kanya.

“I said I’m sorry kasi nadamay ka.”

Ah. “Okay lang, you don’t need to say sorry,” medyo utal kong sambit.

Let The Song CryWhere stories live. Discover now