LTSC||ELEVENTH

128 12 35
                                    

Pagkarating kong orphanage, sinalubong ako ni Draxe at iginaya ako sa room kung nasaan si Kianna.

“Hinahanap ka raw niya kanina kaya nawala siya. Buti na lang at nahuli siya ng guard,” pahayag ni Draxe, mukhang nag-aalala pa rin ’to.

Binalingan kong tingin si Kianna. Nakaupo ito at nakatulala sa kawalan, nasa gilid naman ng higaan si Sister Anna na nakatayo. Nang umupo ako sa higaan niya, mabilis siyang lumapit sa akin at marahan akong niyakap.

“Mama Kim!!”

Napangiti ako at marahang hinaplos ang buhok niya. Itong batang ’to nakasanayan na niyang tawagin akong mama simula iwanan siya rito ng tita niya last month, ako kasi unang nakausap niya no’n. Kaya tuwing may pasok ako rito sa orphanage, iyong niluto kong baon ang pinapakain ko sa kanya, nasanay na rin naman akong hatiran ako ni Draxe ng lunch since malapit lang ang mga raket niya rito.

“Kumain ka na ba, Kia?”

Umiling ito. “Ayoko po ulam! Gusto ko po luto ninyo.”

“Pero hindi maganda sa bata ang nagpapalipas ng gutom,” malambing kong sambit sa kanya. Nginitian ko siyang bahagya nang titigan niya ako na parang nagtataka sa sinabi ko. “Gusto mo ba magkasakit? Hindi maganda ’yon.”

“Pero po ayoko po ulam, gusto ko po ulam bigay mo po.”

“Ayaw mo talaga kumain?”

Sunod-sunod itong umiling.

“Gusto mo sa?” mahinahong bulong ko sa kilalang fast food, ibinulong ko dahil nandito si Sister Anna. Malilintikan pa ako kay Father Jose, e, hehe.

Bigla namang sumigla ang hitsura niya, sunod-sunod itong tumango.

Binalingan ko ng tingin si Draxe, agad naman niyang na gets. Nagpaalam muna siya kay Sister Anna at sinenyasan niya ako. Pagkaalis ni Draxe, sumunod namang nagpaalam si Sister Anna dahil pinapatawag siya ni Father Jose.

Marahan kong itinaas ang paningin ni Kianna. Nginitian ko siya at pinunasan ang basang pisngi niya.

“Namimiss mo na naman ba ang mama mo?” malumanay kong tanong. Actually kaya siya ito ipinunta rito dahil namatay mama niya, iyong papa niya nasa kulungan, hindi rin naman daw maasikaso ng tita niya.

Bahagya itong umiling. “Hindi po. Hanap po ikaw kita kanina,” inosenteng sambit niya. Napangiti ako. “Gusto ko po ikaw maging mama po.”

Natigilan ako dahil doon. God. “Bakit ako?” nangangatal kong tanong. Inilapit ko ang mukha sa kanya at inayos ang kanyang buhok. “Hindi rin ako papayagan nila Sister Anna at Father Jose. Wala akong asawa, Kianna,” sinserong sambit ko.

Napabusangot ito at nagsimula nang humikbi. Marahan ko siyang hinila sa bisig ko at marahang hinaplos ang likod para patahanin.

“Pero gusto ko ikaw mama ko.”

“Bawal kasi ’yon, Kianna.”

“Ih gusto po kita mama! Huhu!”

“Shhhh, subukan kong kausapin si Sister Anna muna, ha?” Napatahan naman siya sa sinambit ko.

Kumalas siya sa yakap at kinuha ang manika na nasa mini table at naglaro na parang wala lang. Diyos ko, aatakehin ata ako sa puso sa batang ’to.

“Nana! May mama na ako!” pagkausap niya sa manika.

Bahagya akong bumuga ng hangin. Paano ko naman kaya lulusutan ’tong napasok ko?

Napaayos akong upo nang tumunog ang phone ko. May message si Shin.

Shinarra Ynez Villanueva:
Gusto mo makarinig ng news, bud?!

Napataas ang kilay ko. Wala pang isang segundo nang may message na namang dumating galing sa kanya.

Let The Song CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon