LTSC||TWELFTH

124 11 26
                                    

After photoshoots, Draxe and I went to one of the famous fast food establishment. He's at the counter, crowded. Bumuga akong hangin. Muntik ko na makalbo isang 'yan, akalain mo naman isang pagkain ang i-promote pala, iyong pinaka-hate ko pa na food. Wala tuloy akong magawa kundi gandahan ang pose para matapos lang nang mabilis, e.

Hindi naman ako nahirapan dahil magaan katrabaho ang kliyente ni Draxe. Todo papuri iyong kliyente niya sa akin kanina. Malaki ang pauna na ibinigay sa akin, dibale pa raw makukuha after ng promotion, kung papatok ba. Kaya all goods.

After 10 minutes bumalik si Draxe na may dalang tray, malawak pa ang ngiti na animo'y nang-aasar. "Ito na ang pagkain, madam," nang-aasar niyang sambit. Inilapag niya ang order sa mesa atsaka isinantabi ang tray sa bakanteng mesa at naupo sa harap ko.

Sinamaan ko siyang tingin. Natawa naman siyang bahagya.

Napatingin ako sa tray. Naalala ko si Jav, kung siya 'yan ibabalik niya 'yan doon. Haist! Ugh. Ano ba namang iniisip mo, Kim!

"Puring-puri sa akin iyong client ko, e! Gustong-gusto ka, ang ganda mo raw mag pose sa camera!" Draxe said out of nowhere. Proud pa siya na nauto ako.

Psh.

"Maganda, e," puno nang kayabang sambit ko, natatawang tumango naman siya.

"Gusto nga nyang--"

"Ayoko," pagputol ko sa sasabihin niya kaya natawa na lang siya.

"Grabe, wala pa iyong sasabihin ko umayaw ka kaagad?!" pagtawa niya.

"Kaya siguro ayaw mo sabihin sa akin ang product kasi aayawan ko, 'no?"

Nagpipigil naman siyang tawa na tumango. "Oo, sayang raket, e."

"Wow, thank you, ha," sarkastikong sambit ko.

"You're welcome," natatawang sambit niya. Pisti. "Pero seryoso, thank you, Kim," nakangiting sambit niya. "Kahit umamin ako sa 'yo, hindi ka pa rin nagdalawang isip na tulungan ako." Napaiwas pa siyang tingin.

"Wala iyon. Mas marami kang naitulong sa akin, Draxe," sambit ko. Ginawaran ko siyang ngiti nang umayos siyang upo. "Win-win din, in return, kumikita akong pera."

Napapatango naman siya. "Hindi mo ba alam na dapat si Javin ang kasama mo kanina?"

Natigilan ako.

"Kasi siya partner ni Sielly sa promotion, hindi ko naman alam na nag back out din siya dahil kay Miss Sielly."

Why is he telling me this?!

Tumahimik lang ako, mukhang randam din niyang ayokong pag-usapan si Jav kaya natahimik na lang din siya.

After kumain naghiwalay na rin kaming landas ni Draxe dahil tinatawag daw siya ng mommy niya. Dumaan muna akong store para mag grocery.

"Hoy, nabalitaan ninyo ba kanina muntik mawalan ng anak iyong Sielly Vasquez?"

"Oh bakit daw?!"

"Nagwala raw sa set. E, ayaw nya raw kasi i-endorse iyong product kasi mabaho raw! Nag model pa siya!"

"Aba gago ba siya? Fave product ko iyon, e! Arte-arte!"

Napatingin ako sa kabilang shelve dahil rinig na rinig ko rito ang malalakas na boses nila. Tatlong babae iyon, mukhang mga college students dahil sa ID lace nila.

"Siya ba iyong najuntis ni Javin?!?"

"Oo, siya nga!"

"Sa kaartehan baka mawalan pang anak si Javin, e! Kaya never ko nagustuhan iyong Sielly para kay Javin! May attitude raw talaga sa set iyon!"

Let The Song CryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant