LTSC||NINTH

139 14 36
                                    

Napalingon ako sa kitchen when I heard Javin’s humming a familiar song. Gusto niya raw magluto for our breakfast kaya hinayaan ko na lang. Parehas kaming pagod kagabi that’s why maaga kaming nakatulog, pagkagising ko, wala siya sa tabi ko, turns out he’s busy making our breakfast.

Inabala ko na lang ang sarili na manood ng T.V, wala namang magandang panood kaya pinatay ko na lang din. Naka-charge ang phone ko para mamaya, because we planned na libutin ang resort mamaya, kaya wala akong mapagkaabalahan ngayon.

Tumayo ako at nagdesisyon na magtungo sa may mini kitchen. Nakatalikod si Jav sa pwesto ko habang naghahalo ng niluluto niya, sumandal lang ako sa may pader at pinagmasdan siya. He’s still humming a song while gently swaying his body.

I smiled. This feeling seems surreal, never sumagi sa isip ko na magkakaroon kami ng interaction ni Javin like this. Nasanay ako na hindi kami masyadong nagpapansinan kahit nasa iisang circle kami. For now, I don’t want to end this feeling.

He’s busy cutting vegetables kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Marahan kong ipinalibot ang kamay sa kanya. Natawa akong bahagya nang mapaigtad siya. Pumaharap siya sa akin na masungit ang tingin.

“What? Need anything?”

Natawa akong bahagya habang inilalagay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya, cornering him. Mas inilapit ko ang mukha ko sa kanya para mas mapagmasdan ko ang kabuuan ng kaniyang mukha at kanyang reaksyon. Hindi nakaiwas sa akin ang munting paglunok niya.

Nawala ang ngisi sa labi ko nang malawak siyang ngumiti, mabilis niyang binaliktad ang pwesto namin kaya mas lumawak ang ngisi sa kanyang labi. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

“You also want ‘that’ idea? I’m just giving you the favor now.” He teased. Mas inilapit niya ang mukha sa tenga ko. “You want quickie?” he whispered.

Nanlalaki ang mata kong marahan siyang itinulak. “Ano? Dito sa kusina? Nahihibang ka na ba, Javin?” Nangangatal kong sambit.

He can’t help himself to hold his laugh. Natatawang niyakap niya ako at isinubsob ang mukha sa leeg ko. “Stop being funny, love. Please. God, you’re too innocent.”

Marahan ko siyang itinulak ulit kaso mas hinigpitan niya ang yakap sa akin. He planted a small kisses to my neck. Halos manghina ang tuhod ko dahil sa kiliting nararamdaman ko.

“Ang bango mo ano? Iuwi na kaya kita?”

“J-jav. Nasa kitchen tayo,” suway ko, pero malakas itong natawa. Tinaasan ko siyang kilay. “Anong nakakatawa?”

“Sorry, I just can’t help myself to laugh to your innocence. What are you thinking? Gonna fvck you here at the kitchen?” nagpipigil na tawang tanong niya. Napabusangot ako. “You’re giving me an idea, Kim. Pfft.”

Marahan ko siyang kinurot sa tagiliran, pero mas natawa lang siya.

“Iyang bunganga mo! Napakabastos talaga kahit kailan!” I said out of frustration.

“Sa ’yo lang naman,” mapaglarong sambit niya. He planted small kisses to my neck again bago kumawala sa yakap. “Sa ’yo lang naman ako nagkakaganto, Kim. Kaya matuwa ka.”

Mas natawa siya nang makitang napabusangot ako. He pinched my cheeks and kissed my lips.

“Ang cute mo, kaya sa ’yo ako, e.”

Namumula ang mukha kong iniwas ang tingin sa kanya.

“Alis ka na muna rito sa kitchen para makapagconcentrate ako sa pagluluto,” masungit na sambit niya at humarap sa niluluto niya.

My eyebrows raised. Wow, parang kanina lang hinaharot pa ako, ngayon pinapaalis na ako. Nice, Javin, nice.

Ibinaling niya ang paningin sa akin, atsaka ako tinaasan ng kilay. Hindi ako umalis, nanatili lang ako sa may pwesto ko atsaka siya ginawaran ng tingin, pataas, pababa.

Let The Song CryWhere stories live. Discover now