LTSC||FOURTH

188 15 73
                                    

“Ano ba ’yon, Kassandra?”

Napalingon ako sa may salas bago sumandal sa may counter. Naka-ilang missed call na siya bago ko nasagot dahil masyadong nangungulit.

[“Ate, pwede ka bang mag transfer ng pera sa akin ngayon? Pupunta kasi akong bar ngayon with my friends.”]

Napatingin ako sa may orasan, alas nwebe na.

[“Ate.”]

Napabuntong-hininga ako. “Kabibigay ko lang last week ng pera sa ’yo, Kass,” pigil inis na sambit ko. “Dise-otso ka pa lang nasa bar ka na naman, at anong oras na. Alam ba niyan ni Papa?”

[“Wala namang pakialam iyon sa akin,”] malakas na tinig niyang sambit. Mukhang nagdadabog, dahil dinig ang lakas ng padyak niya. [“Ano bibigyan mo ba ako? Babayaran ko rin naman sa ’yo kapag bibigyan ako ni Papa.”]

“Wala--”

[“Napakadamot mo naman! Para pera lang!”]

“Hindi pinupulot ang pera, Kassandra,” mariing sambit ko at malakas na bumuga ng hangin. “Bakit hindi ka sa isang kapatid mo humingi ng pera?”

[“Ewan sa ’yo! Napakadamot mo!”]

Bago pa man ako makapagsalita, namatay ang linya. Having no choice, I’ve transferred 5k under her name. Iyon na lang ang natitirang pera na pwede kong ipahiram sa kanya, iyong ipon ko na iba ayokong galawin may pinaglalaanan ako. Ugh, magtitipid na naman ako ng ilang araw nito.

Napangiti akong mapakla after a minute that I didn’t receive any message coming from her, kahit confirmation lang sana kung nakuha na niya kaso wala, e.

Okay na siguro ’yon that she called me. At least ’di ba, she’s still addressing me as her sister.

“Milk?”

Gulat akong napalingon sa bandang gilid nang may magsalita na familiar na boses. Mariin itong nakatingin sa akin habang nilalapag sa harap ko ang baso na may lamang gatas.

“Thanks,” sambit ko pagkatapos ko abutin ’yon. “Ayaw mo na uminom with them?”

He just shrugged. “Kapatid mo?”

Napayuko ako.

Ba’t ko ba nakalimutan na nagpaalam pala siya na pupunta siya rito sa kitchen to get some milk? Ugh.

“You don’t need to say it. But if you need help, you can come to me.”

Dahan-dahan kong itinaas ang paningin sa kanya, hindi makapaniwala. Sinsero ang hitsura nitong nakatingin sa akin, habang ang kamay ay nakapatong sa may sandalan ng upuan.

Bakit ba kapag iba nagsasabi ng katagang ’yon, pakiramdam ko niloloko lang ako, pero bakit kapag siya... Pakiramdam ko, ngayon ko lang naramdam iyong totoong assurance. It’s like he’s enchanting me to trust him.

Bahagya akong napatikhim dahil sa munting katahimikan na ’yon. Pahakbang na sana ako paatras para bumalik sa sala, pero mabilis siyang humakbang palapit sa akin at marahang hinablot ang palapulsuhan ko.

Malakas na kumalabog ang dibdib ko nang magtama ang paningin namin.

“I’m accepting your offer.”

Parang kung may ano na bumara sa lalamunan ko, wala akong mailabas na salita. Napatikom ang bibig ko kasabay nang malakas na pagkalabog ng aking dibdib. Pakiramdam ko any minute babagsak na ang tuhod ko sa panghihina.

“H-ha?”

“That night you begged me,” direktang sambit niya habang nakikipaglaban sa kalikutan ng mga mata ko.

Let The Song CryWhere stories live. Discover now