Prologue

6.1K 216 101
                                    


I gave myself a slight stretch as I walk out of the ER. I just finished my 36 hours duty as a junior resident in Emergency Medicine here in Placio Andres Medical Hospital. Maraming pasyente ang dumating kanina lalo na dahil nagkaroon ng aksidente sa EDSA. I had a busy day because the ER were full of patients and honestly, that's almost my scenario every day. My days are, most of the time, toxic because of my chosen specialization, but it's fine. I like working my ass off.

Dumeretso na ako sa cafeteria ng hospital para bumili ng kape. Coffee takes away my exhaustion from work. Coffee makes everything better for me. Nilabas ko ang phone ko para itext si Xavierre— my best friend.

Coffee?

Not so long later, she replied. Done with duty? I rolled my eyes at her reply. Malamang.

No, tumakas ako kay Doc.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na din sa cafeteria si Xavi. Lumapit siya sa akin at bineso ako.

"How was duty?" I asked her.

"Less toxic than yours, of course. Pwede ba ikaw nalang mag-order para sa akin?"

Napairap ako sa bigla niyang pakiusap sa akin. Kakasabi niya lang na less toxic ang naging duty niya pero inutusan pa rin ako. Xavierre Miranda's been my best friend ever since medical school. She's also a junior resident in Psychiatry Department.

Tumayo ako at nag-order na para sa kanya. Hindi naman nagtagal ay tinawag na din ang pangalan ko tanda na tapos nang gawin ang order ko. Kinuha ko ang tray at babalik na sana sa table namin nang biglang napaubo si Xavi.  Mukha siyang tangang nakakita ng multo. Nakatingin siya sa entrance ng cafeteria na nasa likod ko lang kaya naman nilingon ko na din ang kinagulat niya.

Then, I saw him.

Again.

Naramdaman ko ang panlalamig at pamamanhid ng kamay kaya naibagsak ko ang tray na hawak ko. Because of the noise, I caught his attention.

Our eyes met,

again.

He wasn't even surprised. Alam ba niya na dito ako nagtake ng residency? His eyes went down on the floor then back to me.

Damn, those eyes.

Tumalikod ako agad sa kanya at naglakad papunta sa best friend kong nakatitig na sa akin ngayon. Pinag-aaralan ang ekspresyon ko. Nilabanan ko ang titig niya sa akin.

"Xavi, sa iba nalang tayo magkape."

"Vienne..."

"Please."

"He left." Nilingon ko ulit ang entrance ng cafeteria at nakita na wala na nga siya doon. I sighed.

The guy happens to be someone a bit hard to forget. He was my ex-boyfriend. My first love. My first in everything.

Including trauma.

"Nakabalik na pala siya," Xavi commented. "How lang has it been? Three? Four years?"

Four years.

Apat na taon na.

Nandito pa rin.

Hindi pa rin nawawala.

Masakit pa rin.





AUTHOR'S NOTE:
Hi, and welcome to  Medisina Uno. This series will contain a lot of flaws since I just started writing. I hope you'll give this series a chance to grow and I hope that through this series, you will see the beauty of medicine and fall for it along with my characters. Enjoy reading!

P.R.NWhere stories live. Discover now