Chapter : 19

34 2 0
                                    

JEAN's POV

Isang linggo akong umiwas sa kaniya. Geez, ano ba ‘yan, hanggang kailan kaya ako iiwas nito? Naiinis pa rin ako sa kaniya, nadagdagan pa nanng makita kong may kausap siyang babae sa field.

Ang sarap nilang pag untugin na dalawa. Napa-kuyom ‘yong kamao ko, nakakainis naman!

“Hey Jean! Oh, bakit gan‘yan itsura mo?” sabay pinitik nito ang noo ko.

“Tigil-tigilan mo ako Josh at baka masampal kita ngayon.” nilagpasan ko siya.

Sumunod naman siya sa akin. “Tsk, nakita kita kanina nakatitig kay Zai at Misha.” napatigil ako sa paglalakad tsaka siya hinarap.

“Nakatitig ka riyan. Bakit ko tititigan ‘yong dalawang ‘yon? Pakialam ko sa kanila, pag-untugin ko pa sila e.” nagpatuloy ulit ako sa paglalakad at eto, makakasalubong namin ang dalawa. Nakangiti pa ang loko sa kasama.

“Mag lock sana panga mo kangingiti sa babaeng ‘yan.” bulong ko. Hello, ako ang fiancé.

“Selos ka?”

Napatingn ako sa katabi ko, “Hindi.”

“Sus, narinig ko kaya ‘yong sinabi mo. Bubulong ka pa, rinig din naman.”

“Manahimik ka kung ayaw mong masampal sa harap ng mga taong nandito sa hallway.” naglakad na ulit ako at taas-noong nilagpasan ang dalawa.

Pabagsak kong ibinaba ang bag ko sa upuan.

Hours had past..

Wala akong naintindihan ni-isa sa mga discussions ng Teacher ko. Panggulo ka Drake sa isip ko, sarap mong saksakin ng paint brush.

“Miss Lopez, you‘re not focusing on your work. Look at your canvas.”

Napatingin ako roon and shit, ano ‘tong mga ito? Napatingin din ako sa hawak kong palette and paint brush. Ay boba mo Jean!

“Sorry, masama ho ang pakiramdam ko.”

“Mauna ka nang umuwi and take some rest. Napapansin ko rin tuwing napapadaan ako sa classroom niyo parang wala ka sa sarili.” then she tap my shoulder.

Niligpit ko na ang mga gamit ko tsaka lumabas ng art room. Sa bahay ko na lilinisin brushes ko.

Bagsak ang balikat ko habang naglalakad palabas ng gate. Katamad ngayong araw. Kausapin ko na kaya si Drake? Miss ko na e. Pero.. Nakakainis naman kasi nakakatampo e. Hindi man lang siya nanuyo sa akin, psh.

“JEAN!” napalingon ako sa gawi ng tumawag sa akin. Hingal na hingal siyang huminto sa harap ko.

“Bakit?” walang buhay kong tanong.

“Nabalitaan mo na ba? Si Misha at Drake mag-on na raw.”

“Ha?” wait, hindi yata nag sin-in sa utak ko ang sinabi niya.

“Sila na, kahapon pa raw. Kalat nga sa buong campus e.”

Sila na? Haha grabe, agad agad? Tama nga talaga siguro si Zeke, babaero nga ‘yong baklang ‘yon.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Mas nawawalan talaga ako ng gana. Bakit may girlfriend siya? Parang tanga naman ‘yon. Fiance niya pa rin naman ako ah. Kahit hindi natuloy ang engagement namin, fiance niya pa rin ako, our parents agree with that.

2 weeks had past..

Sa loob ng lumipas na linggo, walang Drake ang kumakausap sa akin. Nababalitaan ko rin na sa loob ng dalawang linggo na ‘yon.

Hindi ko lang lubusang maisip, bakit no‘ng magkasama kami hindi naman siya naghahanap ng mga babae? Ah, siguro kasi ayaw niyang mabuking ko siya?

Lapit na graduation, college life is coming. Haha napaka-stressful this week. Sabay sabay mga pinapagawa at pinapatapos sa amin. Ang dami ko pa ring mga ipapass na projects. Parang ang sarap nalang talagang humimlay.

“Good morning, sa friday and deadline ng lahat ng projects and activities niyo. Mayroon pa kayong 3 days para mai-pass sa lahat ng teacher niyo ang mga kulang niyo. Class dismissed.”

Puro ganiyan sinasabi ng teachers namin. Papaalalahanan kami then aalis din sila agad para magawa namin ang mga dapat naming gawin.

“Jean..” that voice.

Agad ko siyang nilingon, he smiled lightly then mouthed the word sorry.

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Namiss ko siya ng sobra sobra.

I missed you, Drake.”

he hugged me back, “I missed you so bad.” then he kissed me forehead.

“Ehem ehem, kaya pala nambababae ang loko kasi warlalu sila ni Jean.” sabi ni Jahz, classmate namin na bakla.

Napatingin lang kami sa kaniya.

“Okay na tayo? Mababaliw ako kapag hindi ka kausap, hindi ka kasama.”

“Hinihintay lang naman kitang kausapin mo ako. Hindi mo pa ako sinusuyo after ng mga nalaman ko noon.”

“Sorry, I didn‘t mean to hid everything from you. I‘m just afraid that you won‘t talk to me again. Will you forgive me?”

“Marupok naman ako, kaya sige okay na tayo.” sabay tawa ko ng mahina. Oo na, marupok na.

“Sobrang OA ng mga sinabi, wala naman silang label, engks.” sabi ni Josh na kapapasok lang ng room.

Agad na dinampot ni Drake ‘yong notebook niya tsaka ibinato sa kaibigan.

“Manahimik ka nalang, wala ka kasing lovelife.”

“Maaagaw ko pa naman sa ‘yo si Jean, Tol.”

Ha? Maaagaw? May gusto ba sa akin si Josh?

“Oo Jean, may gusto ‘yan sa ‘yo dati pa. Lagi ka n‘yan inaabangan kapag uwian na.” - Drake.

“Tapos si Zai naman, torpe kaya nagpaka-bakla para maging close kayo.” natawa ako sa sinabing iyon ni Josh.

“Tarantado, forget it, it‘s just part of my past.” tsaka nag fuck you sign si Drake, tinawanan lang siya ni Josh.

“Ay teka Jean, alam mo na ba na─” I cut him off.

“Na siya ‘yong lalaking magiging fiancé ko? Oo Josh alam ko na, sinabi sa akin nila Mom pagkauwi ko ng bahay no‘ng araw na nalaman ko lahat about sa pagkatao ng kaibigan mo.”

“Para saan pa at nalaman mo, e ‘di ba may iba kang gusto?” binatukan ko nga.

“Ang bobo mo. Ikaw ‘yong gusto ko, tanga.”

Napuno ng tukso ang buong classroom namin. Si Drake naman ‘di mapigilan ngumiti, medyo nakakahiya pero haha ang cute niya.

“So ano, pwede na ba kitang maging girlfriend?” tanong niya.

“Court her first, Dude.” - Zeke, nakaakbay siya ngayon kay Josh.

“Masyado kang speed.” napatingin kami sa pinto. Si Kuya na nakasandal sa pinto.

“Yeah, I will court her, don’t worry.” - Drake.

Like a fairytale hahaha, may hibdi pagkakaunawaan pero maaayos din. Pero, kailangan nga ba munang mangbabae siya bago niya ako kausapin?

“Usap tayo mamaya. Pupunta lang akong art room, may itatanong ako kay Mrs. Hidalgo.” tumango lang siya.

Tumakbo na ako palabas ng room, lagot ka sa akin ngayon Ma‘am.

My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now