Chapter : 2

324 8 0
                                    

JEAN's POV

Naglalakad ako ngayon pauwi ng bahay namin. Bwiset na baklang ‘yon hindi ako hinantay, wala tuloy akong kasabay.

Oo nga pala, malapit na ‘yong birthday ko. Malapit na ako mag-18. Yay! May party na naman na magaganap sa bahay, excited na ako, haha.

Sa haba nang pag iisip ko, ‘di ko namalayan na nasa bahay na pala ako.

“Mom, Dad, Kuya I‘m here!” sigaw ko at umupo sa couch.

“Sweetie‚ Halika na rito sa kusina!” sigaw ni Dad‚ kaya nagpunta naman ako roon agad.

“Oh Jean‚ umupo ka na at kakain na tayo.” sabi ni Mom.

“Mom later, I‘ll changed my clothes po muna.” sabi ko tsaka umakyat na sa taas tsaka tumungo sa kwarto ko.

After kong magbihis, pabagsak kong inihiga ang katawan sa kama.

“Hayst, matagal ko nang gustong sabihin sa‘yo ‘to Drake na—.”

“JEAAAAAN!” sigaw ni Mom dahilan para maputol ang dapat sabihin.

“Pababa na po!” sigaw ko rin, then bumaba na ako at tumungo sa kusina.

“Bakit ang tagal mo magbihis?” reklamo ni Mom. “O‘siya maupo ka na at kumain.” dagdag niya. Naupo na ako at nagsandok ng pagkain.

“How‘s your school Klein? Jean?” tanong ni Dad sabay tingin sa aming dalawa ni Kuya.

“Okay naman po.” sabay na sagot namin.

“Uhm.. Dad, Mom, pwede po ba akong gumawa ng project ko with my bestfriend?” tanong ko tsaka nagpuppy eyes. Please please sana payagan ako.

“Sure sweetie, but hanggang 9:00 pm ka lang doon huh.” Dad said then I smiled and gave him a nod.

After kong kumain dumiretso na ako kila Drake. Pero h‘wag kayong maingay ah, baka kasi malaman nila Dad na pupunta ako sa kanila. Ayaw kasi nila na may kaibigan akong lalaki kahit bakla ayaw rin nila, kaya nililihim ko kila Dad na may friend akong bakla.

Nagdoorbell ako pagkarating ko sa harap ng gate nila. Malapit lang naman ang bahay nila sa amin, siguro mga apat na bahay tapos bahay na nila.

“Uy bes, pasok ka.” sabi ni Drake kaya pumasok na ako.

“Oh pa‘no? Umpisahan na natin gawin ‘yong project natin.” sabi ko sabay naupo sa couch.

“Okay, wait lang huh? Kukunin ko lang ‘yong mga gagamitin natin.” sabi niya sabay akyat sa taas.

After a few minutes nandito na rin siya.

“Oh bes, eto na ‘yong mga gagamitin natin.” sabi niya sabay bigay no'n sa akin.

Inumpisahan ko nang mag-drawing ng about sa ip-present namin. Kahit ano raw pwede basta related sa life. I mean, ‘yong makakarelate ba lahat. After an hour natapos ko na rin then kinulayan ko na. Bahala na si Drake na mag-explain niyan tomorrow.

Aalis na sana ako kaso napansin ko si Drake na tulog. Nilapitan ko siya tsaka tinitigan.

“Ang gwapo mo talaga, kaso nga lang bakla ka. Sayang.” nanghihinayang na sabi ko sa sarili ko tsaka ngumiti ng kaunti.  Sobrang gwapo niya habang natutulog, ang inosente ng mukha niya.

Isa-isa ko tinititigan bawat parte nang mukha niya. Ang perfect. Makapal na kilay, mahabang pilik mata, pointed nose and very kissa lips. I moved closer and closer into him until he opened his eyes. Nanlaki ang mga mata ko at agad lumayo sa kaniya.

“Anong ginagawa mo?” he asked.

“Uhm, g-gigisingin sana k-kita para sabihing tapos na ako sa pagd-drawing.” palusot ko, pota nautal pa ako. Bakit ba siya biglang dumilat? Hayst.

“Uh, Jean..” tawag niya nang patayo na ako mula sa pagkakaupo ko. Nilingon ko siya.

“Hmm?” I asked. Mukhang may sasabihin yata siya.

“Nevermind.” biglang sabi niya tsaka umiling. Pft.

“Uuwi na ako.” sabi ko. Tumayo na rin siya at hinatid ako hanggang labas ng gate nila.

“Ingat ka ah, baka may mangyari sa‘yong masama riyan sa daan.” sabi niya. Halatang nagw-worry siya kaya napangiti ako. Sweet naman ng baklang ‘to.

“Ayon lang naman ang bahay namin, malapit lang kaya wala kang dapat ipag-alala.” ngumiti ako sa kaniya.

“Sige na umuwi ka na, dito lang ako hanggang sa makapasok ka sa bahay niyo.” sabi niya. Awiee papanoorin niya akong maglalakad papalayo. Kinilig ako ng onti hahaha.

“Okay lang ako ano ba. Sige na pumasok ka na. Bye bye Drake.”

“Umuwi ka na nga. Dito lang ako.” sabay sumenyas na umalis na ako.

“Hmp, oh sige na nga.” pagkatalikod ko sa kaniya napangiti ako. Kinikilig kaya ako. Kung lalaki ka lang jinowa na kita noon pa.

Pagkarating sa gate namin tinanaw ko siya at ayon nandoon pa din siya nakatingin sa akin kaya mas lalong lumaki ngiti ko. Kinawayan ko siya at nagsign na pumasok na then tumango lang siya. Isinara na niya ‘yong gate nila kaya pumasok na ako sa bahay.

“Oh, nand'yan ka na pala, samahan mo kami manood dito.” aya ni kuya. Nice, family bonding hahaha.

“Uhm.. Kuya next time na lang po, may pasok pa po kasi bukas tsaka may aaralin pa ako.” sabi ko sabay akyat sa taas.

Nagbasa-basa muna ako saglit, hindi rin kasi ako makatulog lalo na kapag naaalala ko ‘yong nangyari kanina. Sobrang lapit ng mukha namin, tapos bigla siyang dumilat. Nakakahiya sobra!

Napag-isipan kong mag-online muna saglit.  Ang bekla niyo, online.

Drake Montenegro • Active now

Uy teka typing siya.

Matulog kana, maaga pa pasok bukas.

Hala, enebe. Concern ka ba na baka mapuyat ako at hindi makapasok?

Oo matutulog na, ikaw rin.

Teka teka, kinikilig ako.

Good night bal, see you tomorrow!

Huh? Bal? Ano raw?

Bal?

Haha, pinaikli ng kambal. Para na kasi tayong magkapatid, para tayong hindi mapaghiwalay lalo na sa school.

E?!

Ah haha, okay. Nighty, Drake!

Mag-aout na sana ako pero nakita ko siyang typing. Hinintay ko nalang muna ‘yong reply niya.

Call me Bal, I like it.

E? Teka, kinikilig naman na ako. Kahit sabihin mong kambal ‘yong meaning no‘n kinikilig pa rin ako. Gusto niyang tawagin ko siyang gano‘n. Oh my!

Parang nakakahiya naman. Pero sige, good night bal.

Nakangiti kong in-off ‘yong phone ko. Makatulog na nga, baka mapuyat ako nito at hindi makapasok dahil sa sobrang kilig.

My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now