Chapter : 1

473 12 0
                                    

JEAN‘s POV

Nandito kami ngayon sa garden ng school namin, nakatambay. Tahimik kasi tsaka payapa.

“Bes!” tawag ni Drake.

“Oh‚ bakit?” tanong ko.

“Sa tingin mo ba may possibility na magustuhan ako ni King Josh?” tanong niya na agad ikinailing ng ulo ko.

“Hmm... Ewan ko sa‘yo! BAKLA ka!” sabi ko tapos diniin ko pa ‘yong salitang bakla that‘s why he glared at me.

“Hoy, ‘wag ka ngang maingay riyan‚ mamaya may makarinig sa‘yo e‚ kantsawan pa ako nito ng bakla.” sabi niya sabay palo sa braso ko. Hindi naman soya gano‘n kalakas.

“Ouch!” daing ko. “Bakit kasi ‘di ka na lang magpakalalaki? Mahirap magpanggap Drake‚ alam kong alam mo ‘yan. May papanggap-panggap ka pang nalalaman‚ gano‘n ka pa rin naman‚ bakla pa rin!” sabi ko sa kaniya tsaka siya inirapan. “Tsaka totohanin mo na kasi ‘yang ginagawa mo, magpakalalaki ka na.” dagdag ko pa.

“Bes, alam mo naman ‘di ba na hindi ko kaya ‘yon. E‚ tumingin nga sa mga babae na nagpapasexy sa akin kinikilabutan na ako.” sabi niya at mahahalata mo sa expression niya na kinikilabutan talaga siya.

“Hay naku. Pumasok na nga tayo sa room. Tsaka walang possibility na magustuhan ka ni Josh kasi ayaw niya sa mga bakla.” sabi ko at nag umpisa nang maglakad. Alam kong nakasunod sa akin si Drake.

Sana nga Drake maging lalaki ka na.

After a few minutes nandito na kami sa classroom then umupo na ako sa upuan ko.

“Jean.” boses lalaki na sabi ni Drake.

Nagpapanggap siya na boy kasi raw kapag nalaman ng buong campus na bakla siya‚ baka raw bulihin siya. Tss.

“Bakit?” tanong ko.

“Yiee, si Drake tsaka si Jean ang sweet. Kayo na ba?” tanong ni Agatha na kinikilig. Anong nakakakilig sa pagtawag niya sa pangalan ko?

“H-hindi ah.” agad kong sabi. Grabe naman kasi sila, masyadong issue.

“We? Mahina ka pala Drake e. Bakla ka siguro ‘no?” sabi ni Manuel. Pft.

“Ako? Bakla? Haha. Sino kayang mas bakla sa atin?” sabay ngumisi si Drake. Wow ah! Ang hot niya sa part na ngumisi siya.

“Patunayan mo ngang hindi ka bakla, halikan mo si Jean.” utos ni Manuel na agad kong ikinalaki ng mata. Gago ba siya?

“Pft. Is that it? It‘s so easy‚ bro.” sabi ni Drake tsaka ngumiti ng nakakaloko.

Humarap sa akin si Drake at hinawakan ang dalawa kong pisngi then unti-unti niyang nilapit ang kaniyang mukha sa mukha ko, pero bago pa man niya ako mahalikan ay itinulak ko na siya agad.

“Stop it! Manuel‚ tigil-tigilan mo nga si Drake sa ka-aasar sa kaniya na bakla.” inis kong sabi. “Baka nga ikaw pa ang mas bakla kaysa sa kaniya e.” dagdag ko pa. Ayan, hindi ko na na-control ang lumalabas sa bibig ko. Hayst.

“Ako talaga? Jean, kilala mo ako, baka iyang si Drake ang bakla.” sabi ni Manuel.

“Accusing me for being a shìtty gay, Manuel? I don‘t even have to tell you how many girls I‘ve been dating, right? What about you? Ilan nang mga babae ang na-date mo?” cold na pagtatanong ni Drake. Aba, medyo nababadtrip na ‘tong bestfriend ko. Baka mamaya bigla nitong sabunutan si Manuel, yari na talaga siya! Haha, pero ang cool niya ah. Englisherist ang beki na ‘yan?

‘Wag naman sila mag-away dahil malamang sa malamang kawawa bestfriend ko kapag nagkataon.

“Oh ano? Can‘t even answer a simple question? That means, you‘re weak, tss.” dagdag ni Drake tsaka lumabas ng room kaya naman sinundan ko siya. Siraulong baklang ‘to!

DRAKE‘s POV

Sayang! Gwapo pa naman ni fafs Manuel pero ang sama nang ugali. Type ko pa naman sana siya.

Umupo ako sa bench malapit dito sa field. Pagkaupo ko may biglang tumabi sa akin. Napalingon ako sa kaniya.

“Oh Jean, ikaw pala.” sabi ko.

“Ikaw bakla ka magpakalalaki ka na kasi.” sabi niya then ngumuso siya habang nakapikit.

“Anong ginagawa mo?” takang tanong ko.

“Kiss me!” sabi niya.

ANO DAW KISS ME??!!!

KISS ME...

KISS ME...

KISS ME...

Nagpaulit-ulit sa isip ko ang salitang ‘yon.

“Ayoko nga‚ iw.” maarteng sabi ko. Hindi ba siya kinikilabutan sa ginagawa niya?

“Dali na‚ isa lang naman e.” pamimilit niya.

“Che‚ Basta ayoko! A.YO.KO! Bakit kasi hindi ka nalang nagpahalik sa akin kanina?”

Siraulo ‘tong babaeng ‘to. Kaninang hahalikan ko siya ayaw niya, tapos ngayon bigla niyang sasabihin na halikan ko siya. Nakaka-high blood siya!

“Hmm.. Damot!” sabi niya tapos lumayo siya sa akin tsaka nagpout.

“HAHAHA hindi bagay sa‘yo magpout.” sabi ko na natatawa tapos tumingin siya sa akin ng masama.

“Oy, easy lang!”

“Bakla ka talagaaaaa!” galit na sabi niya.

“Oy sorry na!” sabi ko nang nakapout tsaka nagpuppy eyes.

“‘Di tayo bati.” sabi niya nang pagalit.

Oo nga pala! Bakit nga ba siya nandito?

“Teka bes, bakit ka nga pala nandito?” tanong ko.

“Bakit‚ masama bang pumunta rito?” galit na sabi niya. Sabi ko nga hindi siya makakausap nang matino kapag galit siya.

Hayst. Bwiset na babaeng ‘to, sarap sabunutan. Kung hindi ko lang ‘to bestfriend e.

My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now