Chapter : 11

162 5 0
                                    

PIA‘S POV

Hey there, Pia Abello is my name. Bakasyon na ngayon kaya naisipan ko munang dalawin si Jean.

Malapit na rin ang birthday niya. Well, okay lang naman kila Tita na nandoon ako sa bahay nila. I want to surprise her.

From Ayala to Novaliches, isipin niyo kung gaano kalayo haha, mahaba-habang biyahe talaga.

Nakalagpas na ako ng MOA, ‘di ko akalain na medyo ma-traffic ngayon, mukhang may aksidente yatang nangyari.

So, habang mabagal ang paandar ay nagsoundtrip nalang muna ako. Maraming tao sa gilid ng daan, mula sa kinap-pwestuhan ko ay tanaw ko ang nangyari.

Paika-ika pang naglalakad ‘yong naaksidente. Nabunggo kaya siya o ano?

Habang palapit nang palapit ang sasakyan ko sa harap ng pinangyarihan ng insidente, kita ko ang pamilyar na mukha.

T-teka, anong ginagawa niya rito?

Dali-dali kong iginilid ang sasakyan at mabilis na bumaba para puntahan siya. Hindi naman siguro siya nagpunta rito para maki-chismis lang ‘di ba?

Hinawakan ko siya sa kamay at hinila palayo sa mga tao, nagulat pa siya nang makita ako.

“Anong ginagawa mo rito ha? Sinong kasama mo?”

“W-wala.”

“Anong wala? Mag-isa mong bumyahe papunta rito? Naka-school uniform ka pa.” sermon ko.

“Ate Pia, ayoko umuwi sa bahay. Naiinis lang ako sa kanila.” nakangusong sabi niya.

“Sa tingin mo ba tama ang umalis na lang bigla? Paano kung mapahamak ka rito? Kababae mo pa namang tao, sa ganda mong ‘yan maraming magkakainteres sa‘yo. Paano kung hatakin ka bigla?”

Hay jusko, maha-highblood yata ako sa batang ito.

“Ate Pia naman, magpapalipas lang naman ako nang sama ng loob e. Uuwi rin naman ako.”

“At saan mo balak matulog? Sa daan?” Hindi naman siya sumagot.

“Tutal papunta na rin naman ako sa inyo, sumabay ka na sa akin.” hinila ko siya papasok ng sasakyan at pwersahang pinasok sa passenger seat.

Wala naman akong narinig na kahit anong reklamo galing sa kaniya, nakanguso lang siya.

“Kumain ka na ba?” tumango siya bilang tugon.

Hindi na ako nagtanong sa kaniya, hinayaan ko nalang muna siyang manahimik hanggang sa makatulog siya.

Malayo pa kami at sobrang traffic, baka gabihin na kami nito. Pagkamalas-malas naman ngayong araw, bakit parang ang daming naaaksidente ngayon?

Tinawagan ko si Klein para ipaalam na kasama ko si Jean.

“Hey Kuya Klein.” masayang bungad ko.

“Hindi ngayon ang oras para mangulit ka sa akin Piyang.”

“I just want to let you know na kasama ko ngayon ang kapatid mo.”

“Si Jean? Bakit kasama mo? Pinuntahan ka riyan sa Ayala?” mababakas ang pag-aalala sa mukha niya.

“Hindi, nadaanan ko siya sa Pasay. Mabuti na nga lang at nakita ko siya, kasi kung hindi, pupunta lang pala ako sa inyo na walang saysay dahil nawawala ang pinsan ko.” napabuntong hininga siya.

“Mag-ingat kayo sa daan, sasabihan ko sila Mom na kasama mo siya. Sobra na silang nag-aalala no‘ng isang araw pa.”

What the? Ibig sabihin pangatlong araw na ni Jean na nawawala?

My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now