Chapter : 4

262 6 0
                                    

JEAN's POV

Nag order na kami ng food namin at nag-umpisa nang kumain.

“Ang sarap ng pagkain ngayon dito ah.” sabi ni Drake habang ninanamnam ang pagkain. Sarap na sarap ‘yan? Anong meron sa kaniya?

Bakit kaya sarap na sarap ‘tong bakla na ‘to sa pagkain ngayon dito sa cafeteria? Hindi niya nga gusto ‘yong pagkain dito e, tapos bigla-bigla na lang siya kakain ng madami. Anong problema nito?

“Hinay-hinay lang sa pagkain, baka mabilaukan ka.”

COUGH * COUGH * COUGH

‘Yan na nga ba ang sinasabi ko e, nabilaukan nga ang gaga.

Inabutan ko agad siya ng tubig. “Sabi kasing hinay hinay lang e.” sabi ko habang tinatapik-tapik ‘yong likod niya.

“Salamat.” sabay ngumiti ito ng kaunti.

“Bakot nga ba ang lakas mo kumain ngayon? Hindi ka ba nag-agahan ha?”

“E kasi naman, nahihiya akong magsalita kaya eto kumain na lang ako nang kumain.” sabay tungo niya. Hahaha ang cute.

“Bakit ka naman nahihiya? sabay naman na tayong kumain kahit dati pa ah.”

“Wala kasi akong naitulong sa‘yo, sorry.” nakayukong sagot niya.

“Ano ka ba, h’wag mo na isipin ‘yon. Ang mahalaga may grades na tayo excempted pa tayo sa test, ‘di ba?” sabay ngiti ko para naman bumalik na siya sa dati.

“Anong tayo? Ikaw lang kaya.”

“Hahaha, sinamahan mo ako sa harap kanina ‘di ba? Edi parehas tayong nagpresent.” matapos kong sabihin ‘yon nanahimik na ulit kami.

Kumain na lang kami nang kumain. Mamaya-maya napatingin ako sa kaniya kasi parang nakatingin siya sa akin. Pagkaangat ko ng tingin, bongga mga pwends! Nakatingin nga siya!

Naglean ako para mapalapit sa kaniya tsaka dahan-dahan kong inangat ang kamay ko sabay punas sa gilid ng labi niya. May spaghetti sauce kasi e.

Naupo ulit ako tsaka nginitian siya. Halatang gulat siya dahil sa ginawa ko. Hahaha ang cute talaga, gusto ko siyang picture-ran.

Tumunog na ulit ‘yong bell, ibig sabihin tapos na ang lunch time at need na pumasok ulit.

Umupo na ako sa upuan ko at katabi ko si Drake, then pumasok na si Mr. Soliven. Teacher namin siya sa Filipino or should I say adviser namin, at may kasama pa siyang mga student, tatlo sila, pero ‘di ko kilala. Ano sila transferee? Maybe?

“Magandang hapon!” bati nito.

“Magandang hapon din Ginoong Soliven!” bati namin nang nakatayo.

“May bago nga pala kayong kaklase, galing silang Montreal High School.” - Mr. Soliven.

“Hello, I‘m Kent Hanzel Chua.” pagpapakilala no‘ng Kent. Kung id-describe ko siya, medyo singkit siya at maputi. Chinese kaya siya or Japanese? Halata naman kasing may lahi siya.

Ang gwapo niya, pero sorry siya, ‘di ko siya type kasi may gusto na akong iba. Malalaman niyo rin kung sino ‘yon sa tamang panahon.

“I‘m Jayson Garcia.” Pagpapakilala ng pinakamatangkad sa kanilang lahat. Grabe, pwedeng-pwede siyang maging NBA Super Star sa tangkad niya ah.

“Tyron Aquino.” walang buhay niyang sabi. For me, mukha siyang walang pakialam sa mundo, parang ano, gusto na lang matulog oras-oras gano‘n ba. Pero feel ko mabait siya haha, pwede ko siya maging ka-close kung sakali.

Napatingin ako sa kaliwa ko kasi parang may nakatingin nga sa akin. Pagkatingin ko sa kaniya, huy nakatingin nga siya.

Bakit kaya siya nakatingin? Iba ‘yong tingin niya na ‘yon, parang ano ba, parang hinihulaan niya kung anong iniisip ko.

“Pwede na kayong magsiupo.” sabi ni Mr. Soliven at nagdiscuss lang siya nang nagdiscuss. Hayst, kaboring talaga ‘pag Filipino Subject.

Makalipas ang isang oras next subject na namin

YESS! Natapos na rin ang Filipino Subject namin, and now ang subject namin ay Math, this is the one of my favorite subject.

“Good afternoon Class!” bati ni Mr. Sagurit.

“Good afternoon, Mr. Sagurit!" bati namin pabalik sa kaniya. Sumenyas lang siya na magsiupo na kami kaya agad namin siyang sinunod.

“For now, lecture muna tayo ngayon bago discussion.”

Nilabas namin ang notebook and ballpen namin, baka kasi magalit kung hindi kami magsusulat e.

Ilang minuto lang ay natapos na rin kami sa pagsusulat.

Hayst. Hindi ba siya magpapaquiz?

“Class, intindihin niyong mabuti ang lesson natin. After discussion may assignment kayo.”

Example #2: 2 (3xy + 2xy)

Teka.. Parang alam ko na ‘yan ah. Oo, tama! Kay Kuya. ‘Yong gumagawa siya nang assignment niya, nakita ko ‘yang ganiyang problem sa Math.

“Who wants to answer example #2? Anyone?” tanong niya pero ni-isa sa amin walang nagtaas ng kamay.

“Uhm, Miss. Lopez? Can you answer example #2?” tanong nito kaya tumayo ako at kumuha ng chalk.

Huminga muna ako ng malalim bago magsagot.

Example #2:

2 (3xy + 2xy) = 6xy + 4xy

“Very good Miss. Lopez.”

“Uhm Mr. Sagurit, can I go back to my seat now?” tanong ko at tango lang ang naisagot niya.

Mamaya-maya.. tuumog na ulit ang bell hudyat para magsiuwian na.

Mabuti na lang at naturuan ako ni Kuya kung paano i-solve ‘yong gano‘ng problem, edi kung hindi niya ako naturuan, wala akong nasagot kanina.

Naalala ko ‘yong titig sa akin ni Drake sa classroom. Matanong ko nga kubg bakit niya ako tinititigan kanina.

Napangiti ako ng malapad nang maalala ko ‘yoong mukha niya kanina sa Cafeteria. Ang cute niya talaga.

Paano kaya kung bigla ko siyang hinalikan kanina ‘no?

Ha? A-ano? H-HINALIKAN?!

Napanganga ako sa naisip ko. Bakit ko iisipin ang gano‘n? Wala naman akong gusto sa kaniya ah. Wala na akong gusto sa kaniya. Oo, WALA NA!

Simula no’ng ano, pigilan ko na ‘yong nararamdaman ko sa kaniya. Wala rin namang patutunguhan e. Kaya para saan pa at ipagpatuloy ang nararamdaman ko sa kaniya? Nonsense rin naman.

He‘s a gay and I can‘t change him.

My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now