Chapter : 15

79 4 0
                                    

Did he really bring me here? It was unexpected. It‘s been a couple of years the last time I visited this place. And, guess who invited me here? It was Drake.

I looked at him with so much joy, I really missed this place.

“Thankyou.”

Tamang-tama lang pala ‘yong soot ko, white pants and simple sage green V neck crop top. Exciting ‘to!

Nauna na ako maglakad para magbayad ng entrance. But as usual, lalaki ang sumasagot ng mga gastusin sa date kaya bago pa ako makapagbayad, nakapagbayad na siya.

Wait.. a date? I don‘t really think it is.

“Bal, let‘s go.”

Nagbago kaya siya? Madalang ko nalang maka-encounter ang beki side niya. Now, he was like a real men. You know, those guy na napapanood ko sa kdrama or nababasa sa wattpad, sobrang lakas ng dating tapos gentleman pa.

And speaking of being a gentleman, here he is, super alalay sa akin. Akala mo naman mapapano ako, haha.

“Hey, umayos ka nga. May hawakan naman oh, kaya hindi ako malalaglag.”

“Paano kung madulas ka?” napabuga ako ng hangin.

“Just enjoy this day, alright?” nauna na ulit akong maglakad.

We‘re in La Mesa Eco Park, we‘re taking the 100 steps to see the La Mesa Dam. Maraming pwede gawin dito, horse back riding, boating pavilions, bungee fun, water bike and many more.

Matapos naming maakyat ang tuktok, tanaw na tanaw namin ang buong La Mesa Dam. Sobrang refreshing dito at sobrang tahimik.

“Ang ganda!” nakangiti kong sabi.

“Oo, sobrang ganda.” napatingin ako sa kaniya at doon ko lang napagtantong sa akin pala siya nakatingin hindi sa paligid.

“Keep that smile, sobrang ganda mo.” then he look at the surroundings then smile a bit.

What the?! Why he‘s acting like that? Nakakapanibago, Drake!

Nagtagal lang kami rito ng almost an hour, we take some pictures together and kwentuhan.

“Mag horse back riding tayo?”

He looked at me, “No, not that one.”

“Bakit?”

“Baka malaglag ka, kaya hindi pwede.” hinila naman niya ako papunta sa boating pavilion. “Dito tayo.”

May magagawa pa ba ako?

This boating pavilion are good for couples, it was so romantic.

Eto na naman, ang awkward na naman. Dalawa lang kami rito sa boat, medyo nakakailang ang atmosphere kapag dalawa nalang talaga kami.

“After dito, may gusto ka pa bang puntahan?” nilingon niya ako.

“Oo nga pala, hanggang 3:00 pm lang tayo rito. Hmm, saan mo gustong pumunta?” napaisip tuloy ako. Saan nga ba may maganda pang pupuntahan?

“Uh, umuwi nalang pala tayo. Alam mo na, may mga aasikasuhin pa akong mga gamit. Next day kasi debut ko na, tapos aalis na kami bukas papuntang Batangas.” napatango-tango lang siya.

Nasa bungee fun naman kami ngayon, alam kong pangbata ‘to pero sobrang nakaka-excite pa rin talaga.

Habang nag-eenjoy ako rito sa bungee, kita ko naman si Drake na may kausap. Medyo nagseryoso pa ang mukha niya.

Sino kaya ‘yon?

So, nagpababa na ako at dahan-dahan siyang nilapitan.

“Yes, don‘t worry I‘ll meet you up later... I told you, not to call me today. Just wait me text you, mamaya ay maghinala itong kasama ko na kikitain kita. I don‘t want to ruin this day... Yeah, whatever. We‘ll continue it later. Nabitin din ako kahapon hindi lang ikaw.”

My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now