Chapter : 16

70 4 0
                                    

THIRD PERSON's POV

“Anong nangyari? Bakit hindi tuloy ‘yong party?”

Hindi na napigilan ni Drake ang magtanong. Basta nalang niya pinaandar ang sasakyan no‘ng sinabi ni Jean na umalis na sila.

“H-ha? Basta ayoko matuloy. Ayoko ma-engaged sa kung sino mang lalaking ‘yon.”

“Sinong lalaki?”

“Hindi ko kilala. Basta sabi ni Daddy, anak daw ng business partner nila.”

“Bakit ayaw mo ma-engage sa kaniya?” tanong nito kaya nilingon siya ni Jean.

“May iba akong gusto, kahit malabong mapa-sa akin siya.” then she smiled. A weak smile.

Malabong magustuhan mo ako kasi may gusto ka na pa lang iba.” bulong ni Drake sa sarili niya.

“Saan mo balak pumunta? Hindi pwedeng magmaneho na lang ako nang magmaneho rito.”

“‘Yon pa ang isang problema. Wala akong mapupuntahan.” agad na inihinto nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

“Bumalik na lang tayo sa resthouse.”

“H‘wag, ayoko.”

“Tss.” sabay paandar ulit ng kotse.

FAST FORWARD

Nakarating na sila ng Manila, si Jean tulog na tulog. Agad na inihinto ni Drake ang kotse sa tapat ng Luxent Hotel.

Napatingin siya kay Jean na mahimbing na natutulog. Napangiti siya na makita ang mala-anghel nitong mukha.

“Cute.” sabay hawi ng ilang hibla ng buhok nito na nakaharang sa mukha.

Bumaba na siya nang kotse at binuhat si Jean. Nagtungo na agad siya sa elevator at hindi na nagpuntang front desk para mag check-in. Pinindot niya ang 16th floor.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator agad niyang tinungo ‘yong dulong kwarto. Pagkabukas niya, tuloy-tuloy na siya sa pagpasok at doon naabutan niya na prenteng nakaupo si Josh sa mahabang sofa habang nanonood ng tv.

Dumiretso siya sa Master Bedroom at doon maingat na inilapag si Jean at kinumutan ito na hanggang balikat. Pinagmasdan niya muna ito saglit bago lumabas ng kwarto.

Tinanggal na rin niya ang soot niyang sapatos tsaka nagsoot ng tsinelas. Uminom siya ng tubig sabay punta sa sala para samahan ang kaibigan na manood.

“Bakit nandito si Jean? ‘Di ba bukas pa dapat uwi niyo galing Batangas?”

“Hindi tuloy ‘yong party.”

“Bakit?”

Napangisi siya tsaka nailing. “Dahil ayaw niyang ma-engaged sa lalaking ‘yon, kaya tinakbuhan niya ang sarili niyang party.”

“Pero ‘di ba ano?” nakuha naman niya ‘yong pinupunto nito kaya tumango na lang siya. “Gago tol HAHAHAHA, ako talaga gusto ni Jean.” - Josh.

“Tss, uso umuwi ‘no. ‘Pag ikaw hindi umuwi hahalikan kita.” baklang-bakla na sabi ni Drake. Natawa si Josh.

“Tang‘na mo, kadiri ka. Makauwi na nga baka rape-in mo pa ako rito.” sabay tumayo ito at naglakad papuntang pinto.

“Kiss lang naman Fafs!” sabay kumindat si Drake sa kaniya.

“Fck you!” sabay labas nito. Napatawa nalang ng mahina si Drake.

“Ang lokong ‘yon, napakapogi talaga kaya pati ako naf-fall e haha!” sabay iling niya.

My Gay BestfriendМесто, где живут истории. Откройте их для себя