Chapter : 5

250 8 0
                                    

JEAN's POV

Walang pasok ngayon kasi sabado, ang boring dito sa bahay. Ayain ko kaya si Drake na mag mall? Tama! Naligo na ako at nagbihis ng panlakad. Ang outfit ko lang naman ay naka miniskirt, white long sleeve shirt and color brown na sandals. Two inches high heels. Look gorgeous on my simple outfit.

Bumaba na ako. Pagkababa ko ay tanong agad ang bungad sa akin ng panget kong Kuya. Joke, gwapo ‘yang Kuya ko ‘no. Pinaka gwapo sa lahat ng panget hihi.

“Saan ka pupunta?” tanong niya sa akin.

“E bakit mo ba tinatanong?” pabalik na tanong ko sa kaniya. “Sasama ka ba?” dagdag ko pa.

“Masama bang tanungin?” tanong niya rin. Ano ba naman itong kuya ko, argh!

“Ewan ko sa‘yo.” sabi ko sabay labas ng bahay at tumungo sa bahay nila Drake.

Nandito na ako sa harap ng bahay nila Drake. Nag-doorbell na ako at ilang minuto lang ay bumukas ang gate. Bumungad ‘yong mukha niyang tulala. Wow, ganito ba ako kaganda para matulala siya? Enebe.

Mamaya maya bumalik na rin siya sa huwisyo.

“Oh, bakit ka nandito? Halika pasok ka muna.” sabi niya kaya pumasok na kami sa bahay nila tsaka naupo sa couch.

Tinabihan niya ako pero may space na onti. Hindi ‘yong dikit na dikit talaga.

“Punta tayo mall.” sabi ko. Nilingon niya ako.

“Ayoko.” sabay balik ng tingin sa harap ng tv kahit nakapatay naman ito.

Anong problema nito? Kapag inaaya ko naman siyang pumunta nang mall agad naman siyang sumasama e.

“Sige na punta tayo mall. Sobrang bored na bored na ako sa bahay e. Tsaka ‘di kami magkasundo ni Kuya, naiinis lang ako sa kaniya.” sabi ko. Bumuntong hininga siya.

“Ayoko.” walang ekspresyon ang kaniyang mukha. May problema kaya siya.

“Bakit ayaw mo? May problema ka ba? Masama pakiramdam mo?” agad naman siyang umiling. “E bakit nga ayaw mo?” dagdag ko.

“Tinatamad lang ako gumala.” halata ngang tinatamad siya dahil sa tono palang ng pananalita niya.

“Bal, please, samahan mo na ako.” tsaka ako nagpuppy eyes.

Saglit siyang natigilan. “Okay, wait me here.” sabay tayo niya at akyat papuntang ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto niya.

E? Bilis magbago ng isip ah. Pero teka, tinawag ko siyang ‘bal’ haha my gosh kinikilig ako. Eto ang unang beses na tatawagin ko siyang bal, tho, hindi niya ako tinatawag ng gano‘n kapag magkasama kami pero sa chat, palaging ‘yon ang tawag sa akin.

Nakakahiya, ako ang unang tumawag ng bal sa aming dalawa.

After how many minutes bumaba na siya. Infareness ang gwapo talaga niya. Ang suot niya lang naman ay pants na black at white shirt. Nagsoot din siya ng leather jacket na black, may dala pa pala siyang shades. Hindi mo mahahalata na beki talaga siya.

“Let's go?”

ay taray! Panlalaki boses niya. Kinilig ako medyo hahaha! Tumayo na ako sa kinauupuan ko tsaka lumabas ng bahay nila.

“Ako na magmamaneho. Sakay na, bal.” sabay pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Hindi ako makapaniwala na tinawag na niya akong bal, ang sarap sa pandinig.

Iba pa rin ang boses niya ah, tsaka sobrang  napaka-gentleman niya ngayon.

Sumakay na siya sa driver seat, alangan namang sa likod, ‘di ba?

My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now