Chapter : 13

155 4 0
                                    

SOMEONE‘S POV

“Tol, tara rito sa tambayan.” bungad ko pagkasagot niya ng tawag.

“Anong meron?”

“Basta, masaya lang ako.” puta- seryoso nga, ngayon lang yata ako naging ganito kasaya.

“Para ka namang bakla niyan.” alam kong nakangisi ang nasa kabilang linya.

“Dalian mo na lang, ayokong naghihintay.” ibinaba ko na ang telepono at naghintay sa pagdating niya.

Nasa VIP Room ako, sinusubukan ko naman tawagan si Zeke. Mukhang busy pa siya dahil ayaw sagutin ang telepono.

Mamaya-maya ay bumukas ang pinto, “So, what‘s your chika today?” umakto ito na parang bakla.

Tang‘na, hindi bagay!

“Mukha kang timang.”

Natatawa naman siyang naglakad papasok sa loob at naupo sa kaharap kong upuan. Kinuha ang beer in can at agad itong ininom.

“So ano nga?”

“May nangyari lang na maganda kanina, hindi ko alam ang dahilan niya pero gusto ko na gano‘n lang kami.”

“Bugok, aagawin ko talaga siya sa‘yo.” sinamaan ko siya nang tingin.

“Nakikita mo ba itong kamao ko? Gusto mong tumama ito sa mukha mo?” pagbabanta ko habang pinapakita sa kaniya ang kamao.

“H‘wag ka lang magloko, para hindi ko siya agawin.”

“At sa tingin mo ba gagawin ko ‘yon?”

“Zairon, playboy ka kaya hindi mo maaalis sa akin ang isiping magloko ka.” sinamaan ko siya nang tingin.

“Think whatever you want.” sabay inom ulit ng beer.

“My treat, My Bro. Order ka lang ng kahit anong gusto mo.” dagdag ko.

“Naks, galante ka yata ngayon.” hindi na ako sumagot at pinanood nalang ang mga babaeng nagsasayaw sa dance floor.

Mula rito sa kinaroroonan ko kita ko ang lahat ng nasa baba.

JEAN'S POV

“Ate Pia!” patalon pa akong sumampa sa kama niya.

“Bakit?”

“Mukhang tagumpay ang suggestion mo, ‘yong friend ko kasing beki pinagpanggap kong boyfriend ko. Alam mo ba, sinabay siya ni Daddy kanina pauwi tapos okay lang sa kaniya na tawagin siyang Dad ni Drake.” masaya kong kwento.

“Sigurado ka bang hindi ka na mae-engage dahil doon? Paano kung nagpapakitang tao lang pala si Tito?” napanguso ako sa tanong niya.

“Hindi naman siguro Ate. Kilala mo si Daddy, kapag ayaw niya sa isang tao sasabihin niya agad.”

Napatawa siya nang mahina, “Oo na sige na, eto naman hindi mabiro.” patuloy pa rin siya sa pagtawa.

“Ate Pia naman, h‘wag kang tumawa.”

“Hahaha, oo na sige na, hindi na ako tatawa.” hindi na raw pero tawa pa rin siya nang tawa.

“Hayst, sige sumakit sana ang tiyan mo katatawa.”

Lumabas nalang ako ng kwarto niya at tumungo sa kusina.

Oo nga pala, tungkol sa debut ko, sa saturday na ‘yon.

“Jean, we won‘t change our mind regarding on celebrating your 18th birthday to your Tito‘s rest house.” tamad na lang akong tumango.

Kahit anong complain ko, wala naman akong laban sa desisyon nila.

My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now