Chapter : 20

34 1 0
                                    

JEAN's POV

“What brings you here, Ms. Lopez?”

Hindi muna ako nagsalita agad kasi hingal na hingal ako.

“Oh tubig.” sabay abot nito kaya kinuha ko iyon tsaka ininom. Umayos naman na pakiramdam ko.

“Paano ba ‘yan, talo ka Ma‘am. Nasaan na reward ko?” nae-excite ako sa pwedeng maging reward ko.

“Your reward? Hmm? Puntahan mo ako mamaya sa library, doon ko ibibigay reward mo.”

“Sabi mo 'yan ah. After class kikitain kita doon. Bye, Ma‘am.” tsaka lumabas sa Art museum nitong school.

Balik ako sa classroom namin, busy ang lahat gumawa ng kani-kaniyang projects. Nakakatuwa, ang sisipag nila.

Kung tinatanong niyo kung para saan ang reward na sinasabi ko kay Mrs. Hidalgo, may pustahan kasi kami.

Kapag kinausap ako ni Drake, may reward siyang ibibigay sa akin.

Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman ang nangyari sa amin, talagang kinwento niya ang buong alam niya. Hindi ba’t parang nakapagtataka naman iyon?

Hours Had Past..

Nandito ako sa library at inaabangan si Ma‘am. Mamaya-maya ay eto na siya, palapit sa akin.

Inilapag niya ‘yong isang maliit na box sa table na inuukupa ko.

“That‘s your reward.” then she smiled.

Pag-open ko ng box, necklace ‘yon. May maliit na heart pendant, so cute.

“Para sa akin po talaga ‘to? I didn‘t expect na necklace ang ibibigay mo sa akin.” sabi ko habang titig ang mga mata sa pendant ng kuwintas.

“Ibibigay ko dapat ‘yan no‘ng debut mo, kaso tinakasan mo nga ‘yong party mo.” gulat akong napatingin sa kaniya.

“I‘m Allysa M. Hidalgo.” she introduced.

“Alam ko po.”

“My middle initial stands for Montenegro. In short, ate ako ni Drake.” then here I am again, still shock.

“I want you for my lil bro, he changed when he met you. I know you‘re the right person for him.” she smiled. “Kapag ikinasal kayo, bigyan niyo agad ako ng pamangkin.” sabay iniwan niya akong tulala at nganga.

Kasal agad? Ni-hindi pa nga kami e.

Nailing ako sa isiping bibigyan namin agad ng pamangkin si Ma‘am. Haha masyado pa kaming bata para roon. Pero what if diba? What if, pagkatapos ng kasal bigla ko nalang ibigay sa kaniya si bataan? Argh, ano ba itong iniisip ko?

Boba Jean, h‘wag ka mag isip ng ganiyan.

Itinago ko na ‘yong box sa loob ng bag ko tsaka lumabas ng library.

“Ano ‘yong laman no‘ng box?” napatingin ako sa biglang sumulpot sa gilid ko.

“It‘s a necklace.” I smiled.

“‘Yon ba ‘yong may heart na pendant?” tanong niya kaya tumango ako. “Ako pumili no‘n. Nagpatulong kasi sa akin si Ate kung anong bagay raw sa‘yo.”

Hminto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. “Nga pala, bakit hindi mo sinabi sa akin na kapatid mo pala si Mrs. Hidalgo?” pagtatanong ko.

“Hindi ka naman nagtatanong kung may kapatid ba ako, kaya hindi ko na nasabi.”

“Kailangan ko pa bang magtanong para sabihin mo sa akin kung sino kapatid mo o mga naging kaibigan mo noon?”

“Hindi lang talaga ako mahilig magdaldal ng kung ano.”

Sa pag-uusap namin hindi na namin namalayan na nandito kami ngayon sa park. Naupo siya sa swing kaya gano‘n din ang ginawa ko.

“Tatlo lang ang naging kaibigan ko. Ikaw, Si Zavier at si Zeke.” kwento niya.

“Zav and Zeke, I met them when I was transferred in Ascham. Classmates kami since grade 3 to 2nd year high school. When Zavier decided to continue his studies here, nagdecide ako na sundan siya. Then I met you. Hindi ko alam ang nangyari no‘ng araw na ‘yon, basta ang alam ko nagkaroon ng slow motion.” he smiled. “Sounds corny, right?”

“Ang daming nakakakilala sa‘yo. I researched about you then I found out, you‘re one of the best Artist in this school. Nilalaban ka kung saan-saan, dahil doon nahiya ako sa‘yo, so, inaral ko ‘yong mga gestures ng isang bakla and kung paano sila magsalita. After a month, natutunan ko rin.” napatawa siya ng mahina. Ako nakikinig lang.

“Sobrang hirap Jean, hindi ko alam kung paano gagamitin ‘yong mga moves ko para masabi ko na gusto kita. Mataas standards mo alam ko ‘yan, kasi sa tagal natin na magkakilala, nalaman ko lahat. Sobrang haba ng pasensya mo and hindi mo natitiis na magalit nang matagal sa isang tao. You are humble too.” dinuyan niya kaunti ‘yong swing.

“Nabalitaan ko rin na balak kang i-arrange marriage kay Kent Villarreal, transfer student sa room natin.”

I didn‘t know that.

“So, I do my move. I talked my parents about you, and they understand me. A week after, umuwi sila Daddy. ‘Yon ‘yong time na nakita niya tayo sa hallway. Kung alam mo lang, sobrang hiya ko noon. Pagdating kasi sa bahay tinatawanan ako ni Dad. Bagay raw talaga sa akin ang maging bakla.”

“Your 18th birthday came, pagbaba ng sasakyan nakita kitang tumatakbo palapit sa amin. Then doon mo sinabi na ayaw mong ma-engaged kasi may gusto kang iba. I feel broken that time. No‘ng tumawag sa‘yo si Zeke and magkikita kayo, I don‘t know what to react. Habang kausap mo siya that time iba ‘yong ngiti mo, ang saya saya mo. Nagselos ako kasi bakit kaya ka niyang pangitiin ng ganoon.”

“Pagkaalis mo, siya namang pagdating ni Zav. Ayokong makipagkita ka that time, pero sino ba naman ako para pigilan ka ‘di ba?” tumawa siya ng mapakla. “I cried, first time kong umiyak sa babae.”

“D-drake..” I don‘t know what to say.

“Then the truth revealed. Galit na galit kang lumabas ng penthouse, I wanna throw everything what I touched pero hindi ko magawa kasi nando‘n ‘yong mga kaibigan ko. Ilang weeks mo akong hindi pinapansin, I even sent you a messages but you don‘t have any response.”

“Wait.. what? So, ikaw ‘yong anonymous na nangungulit sa akin via email?” he nodded.

“Wala akong mukhang maiharap sa ‘yo tuwing makakasalubong kita kaya hindi nalang kita pinapansin tapos kakamustahin kita through email pero hindi ka nagreresponse.”

“So naisip ko, dapat kitang kausapin nang personal.” he looked at me then smile sweetly. “Masaya ako na okay na tayo. Sobrang saya ko, Jean.”

Tumayo siya tsaka ako niyakap mula sa likod.

“Did you see those stars and that moon? They know how much I love you. How much I adore you.” I smiled.

I don't wanna lose this man.

“Drake, I love you.”

“I love you more.”

Itinayo niya ako tsaka kinuha ‘yong bag ko. “Ako na magdadala nito.” ngiti lang ang tugon ko.

Naglakad nalang kami papunta sa bahay. Malapit lapit lang naman iyon sa park.

“Matanong ko lang, bakit pala naging babaero ka?” napatingin siya sa akin. “Sinaktan ka ba ng babaeng mahal mo noon?”

Umiling siya. “Trip ko lang talaga mambabae noon haha.” tumawa siya ng mahina. “Red flag ba ako?”

Umiling ako. “Hindi mo naman ako paglalaruan ‘di ba?”

“Hinding hindi, bal.”

Nandito na kami ngayon sa harap ng bahay namin. Kinuha ko na ‘yong bag ko sa kaniya tsaka nagpaalam.

“May i-email ako sa ‘yo mamaya, basahin mo ah. Good night, Jean.”

My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now