Chapter 7: Welcome To WINTEROUS Academy

330 11 0
                                    

Shanaia 's Pov....

Ito ready na ang lahat ng gamit ko. Ako nalang hindi. Kasi naman ehhh mamimiss ko dito lalo na si Lola. Pero siya parang wala lang tsk.

12:00

"apo kain na.. Halika na sila yaya nalang magdadala ng bagahi mo.. Hali na malalate kana niyan" tingnan mo naman ohh, excited pa nga siya ehh huhuhu.. Okay lang naman yun siguro sa kanya na yun para hindi ako mag-aalala.

"andyan na" tinatamad kong sagot at lumabas na.

"ito oh kain na at may ibibigay pa ako sayo" nakangiting aya ni lola kaya tumango na ako at kumain. Sarappppppp.. Adobo(humba) kasi ang ulam at yun ang paborito ko yepeyyy..

"hahaha dahan dahan pang apo" hindi ko na pinansin si lola ngumiti lang ako. Sarap kasi ng ulam ehhh hehehehe.

"oh tapos na ako, may kukunin lang ako" sabi ni lola at umalis ako naman tinatapos ng kumain kasi 12:30 na hayssss.

"ito apo... Ingatan mo yan, galing pa yan sa ina mo... Poprotektahan ka niyan... At mamimiss kita.. I love you apo" nakangiting saad niya at halik sa noo ko. Ganun din ginawa ko sa kanya. Hindi na ako umimik baka mapaiyak pa ako hehe.

Sinuot ko naman ang kwentas na binigay niya at ang ganda. Silver siya at ang pendant ay snowflakes at may nakapaligid na anim na bato kulay red, green, blue, gray, white, and black. Maliit lang siya parang 25centavo lang.

"ang ganda naman nito lola.." manghang saad ko at umupo sa sofa. Habang naghihintay sa sundo ko.

"oonga apo.. Regalo din yan sa matalik naming kaibigan sa mama mo... Kaya alagaan mo yan" nakangiting saad naman ni lola at tumango ako ng may ngiti sa labi.

Tiningnan ko naman ang likod nito at napawow naman ako hehe. Hugis puso kasi ang nasa likod at kulay pula na kumikinang. Ganda talaga.

"pano ba yan apo andito na ang mga bagahi mo tara na sa labas at 10 minutes nalang andito na ang sundo mo" gaya sakin ni lola kaya lumabas na kami. Ang butler namin ang nagdala ng mga bagahe ko habang kami ni lola nagkaakbayan.

"lola mag-iingat ka dito ha... I love you" sabi ko sa kanya sabay halik sa noo at sa pisngi niya kaya napatawa naman kami.

Peep.. Peep... Peep...
(sirbato ng sasakyan sa labas)

"hello po... Ako po si Mang Kanor ang susundo sa inyo papuntang Academy..." pakilala nung driver ata kaya ngumiti naman ako at nag bow.

"hello rin po, tayo lang po ba?" tanong ko.

"hi ako naman si Headmaster secretary Rose Morata." bati nung babae sa likod niya at pumunta sa harap. Hindi ko pala siya nakita huhu sorry.

"sorry po hindi ko kayo agad nakita hehe" pahingi kong tawad na ikinatawa nila pati si lola haysss.

"okay lang hahaha, so pano tara na?" saad niya at tumango naman ako at humarap kay lola na nakangiti.

"paalam lola ha ang bilin ko" saad ko at may tumulong luha sa mata ko kaya yinakap naman niya ako.

"haha ano ka ba oo sige na humayo na kayo at mag iingat ka.. Paalam sa ngayun" nakangiting saad niya kaya pumasok na ako sa kotse nila at sa huling pagkakataon kinawayan ko si lola.

Babalik ako lola.. Na malakas at buo na...

________________________________

"malayo po ba ang byahe natin Ma'am Sec?" tanong ko habang 30 minutes na kami sa byahe at parang sa kagubatan kami ehhh.

WINTEROUS KINGDOM : The Goddess of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now