Chapter 22: Second Chance

235 10 0
                                    

Third Person's Pov.....

"hahahahahahahha... Nalalapit na tayong makawala dito!! At sisiguraduhin kong sa araw na makalaya ako dito!! Papatayin ko kayong lahat!!! Lahat ng light mages!!!!" galit na sigaw ng hari ng kadiliman. God Azura.

Nagtawanan naman ang lahat ng kanyang alagad. Klase klase ang mga ito, may mga higante, ahas na malaki, mga patay na binuhay uli, at marami pang iba na masasama.

May kakayahang bumuhay ng God of Destruction(God Azura) yun nga lang dapat itong sumunod sa lahat ng kanyang utos. Mas naging sakim siya at hindi lang Light mages ang kanyang pakay kundi...

"mapapasaakin karin Hoa... Akin ka lang... Hahahahahaha at papatayin ko ang iba pang Gods and Goddesses at ako ang magiging pinakapangyarihan sa lahat!!! Hahahhahaha" matagal niya ng mahal si Goddess Hoa ngunit masaklap man kasi hindi siya ang iniibig nito kundi si Light (God Light).

Hindi niya alam na may nasasaktan sa kanyang sinabi. Matagal na itong nagmamahal ng patago sa kanya ngunit manhid talaga si Azura at hindi niya na pansin ang babaeng hindi siya iniwan.

Siya si Ricaza. Ang isa pang kaibigan ng mga Gods and Goddesses noon na hindi pinagpalaan na maging Diyosa sa kanyang katangian na madaya at sakim.

Nagalit siya ng subra kasi hindi siya nakasali. Kaya naisipan niyang patayin si Aria na kanyang matalik na kaibigan. Pero naunahan siya ni Fire at siya ang napatay . Namatay siya ngunit nalaman iyon ni Azura.

Sa kasakiman niya at hindi marunong makuntinto, pinatapon siya sa underworld kung saan nandun ang mga masasamang nilalang at mga masasamang kaluluwa.

At dun niya nakita si Ricaza. At naisipan niyang gamitin ito kasi may tinataglay ring malakas na kapangyarihan ito. Ito ang Death Manipulator. Kaya niyang padaliin ang iyong kamatayan sa paghawak niya lang sayo ng kanang kamay.

Noon iniiwasan na siya ng lahat kaya ginawan siya ng mga kaibigan niya na si Fire ng gloves para wala siyang madisgrasya. Noon yun yung magkakaibigan pa sila at mga bata pa.

Alam ni Ricaza na ginagamit lang siya nito at binuhay. Pero nanaig ang pagmamahal niya dito at pagkamuhi kay Hoa na kanyang pinsan.

"kailan mo pa ba ako mapapansin Azura... Ang pagmamahal ko... Bakit siya parin?" tanong nito na pabulong lang. Wala namang nakakarinig kasi sa ingay ng paligid sa pagsasaya sapagkat malapit ng mabasag ang barrier na nakaharang sa underworld.

"Ricaza" nagulat siya ng may tumawag sa kanyang isipan. Kaya tiningnan niya ang paligid ngunit walang nakatingin sa kanya. Kahit si Azura na may kakanlong ng babae at nakipaghalikan.

"s-sino ka?" tanong niya sa isip.

Umiwas siya ng tingin dahil nasasaktan siya. Maraming babae ito pero wala siyang magagawa para paalisin ito kasi yun lang ang magpapasaya sa mahal niya.

"walang magagawa ang maling pagmamahal Ricaza... Marami pang silbi ang iyong pagkatao... Magbago kana Ricaza... At ika'y mapapatawad ng lahat..." saad naman sa kanyang isipan. Naguluhan man ay hindi siya nagpatinag sa takot.

"sagutin mo ako! Sino ka ba ha! At bakit naman ako magbabago? Gago ka ba? Wala ng paraan! Nasa impyerno na ako kaya hindi na ako makakalabas pa dito kahit akoy magbago" sagot niya na para bang gusto ng umiyak. Hindi na niya kaya pa, sa kanyang isipan wala ng silbi upang magbago pa siya kasi matagal na siyang nakakulong sa impyerno.

"nagsisi sila na napatay ka nila Ricaza lalo na si Fire, sapagkat parte ka na ng puso nila... At kung malaman nila na buhay ka, masasayahan sila at tatanggapin ka nila ng buo... Maniwala ka sakin iha... Maniwala ka sa may kapal" nagulat si Ricaza sa sagot nito at tila nanindig ang kanyang balahibo. At parang gumaan ang kanyang pakiramdam.

WINTEROUS KINGDOM : The Goddess of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now