Chapter 24: Shayene??

216 9 0
                                    

Hoa's Pov...

"papuntahin mo sila sa Mortal world hm... May naghihintay na kapalaran doon" saad ko kay hm. Nandito ako ngayun sa office niya kasama ang asawa niya at kasama ko si gwapo esti light tsk.

"makakaasa ka Goddess Hoa... Yun na rin ang plano ni Geo... Kaya ga naghahanda na sila ngayun sa dorm nila para pumunta doon..." saad niya. Aysh ganun ba.

"cgeh yun lang... Aalis na kami, paparating narin sila... Paalalam sa inyo" paalam ko at nag teleport na sa God's Palace.

_____________________________________

Hm's Pov...

Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto at linuwa ang mga wala galang na bata*iling-iling*.

"anyare hm? Stress ka at---aray master" ngising saad ni ni Cikey na nabatukan ni Geo, kahit malamig to may respeto to sakin..

"wag mo ngang ganyanin ni tanda, tsk" sabi ko nga hindi hayss.

"buti at kompleto na kayo... Galing dito si Goddess Ho---", "WHATTTT!!!" Napapikit ako sa sigaw ni Midy. Haysss isa pa tong batang to magkapatid nga sila ni Cikey mga isip bata tak.

"nakakabingi ka Midy!!! Haysss... Tapusin niyo napo hm" sita sa kanya ni Zang. Mabuti pa tong batang to magalang talaga,

"o baka ibalibag kita tsk" haysss sabi ko nga hindi sila magalang na bata! Binabawi ko na! Hwuhhhhh.

"tama na mga bata baka umiyak pa tong baby ko.... Shhhhh" pati asawa ko ohh, san ang hustisya.

"hlahahahahahahahahahaha" tawa nilang lahat huhuhu.

"ehemm.... Yun na nga.... Punta daw kayo sa mortal world at may naghihintay sa inyong kapalaran niyo... Mag pakatatag kayo at sana wag magpapadala sa mga makikita... Kasi hindi lahat totoo, merong nagpapanggap. At handang kunin ang lahat, pati tiwala niyo sa isa't isa" seryoso kong saad kaya natahimik sila. Tiningnan ko naman si Shayene na naka smirk patago. Simula't sapol iwan pero wala akong tiwala sa kanya. Itaga ko pa sa bato, wala akong tiwala sa kanya.

Flashbacks....

"S-Shanaia??!!" patanong na sigaw ng heroes. Napa iling naman ako. Haysss sana makalampas kayo sa pagsubok mga bata.

"sorry, pero hindi ko kayo kilala ehh at ako nga pala si Shayene Aitana Brionne Smith, kakambal ni Shanaia Aitana Brianne Smith" pakilala niya na Nakatulala sa kanila. Tsk.

"maupo muna kayo heroes, kasi MAY sasabihin DAW siya, ehem... Come here Shayene take a sit" seryosong aya ko sa kanila at diniinan ang may at daw tsk.

"explain" malamig na sugo ni Margie. Parang nakahalata siya. Mahusay.

"a-ahm ano kasi... Pag panganak ni mama samin, inilayo na kami sa isa't isa.. Siya inilagaan nila mama, papa, at lola habang ako... Itinago at parang walang oras bigyan at alagaan. Kahit kunting pagmamahal, wala akong natanggap kasi busy sila kay Shanaia... Isang araw binisita ako ni Shanaia at masaya ako nun kasi akala ko dadalawin niya ako pero mali ako... Binugbog niya ako at pinatulog, pinasok sa isang maleta at tinapon sa bangin.... A-akala ko mamatay na ako nun, mabuti nalang at may sumagip sakin at inalagaan ako.. H-hindi ko alam bakit nabuhay pa ako kasi ayoko na talaga dahil sa lahat ng pasakit na natanggap ko.... Patawad pero yun ang totoo... Masama si Shanaia, masam---"," HINDI!!! Hindi totoo yan!! Kilala ko ang totoong siya, kaya naging kaibigan ko siya kasi nakita ko ang kabuoan niya... Alam niyo yan royalties, makikilala ko ang sinong PLASTIK at IMPOSTOR!! Kaya wag mo siyang gawan ng masasamang storya na KAHIT KAILAN HINDI KO NAKITA SA NAKARAAN NIYA!!! " natahimik ang lahat. Tama si Margie ay mag kakayahan siyang mangilatis ng tao at makita ang nakaraan nito. At mailap siya sa ibang tao, kaya kunti lang ang naging mga kaibigan niya.

" t-totoo yun... B-baka b-binura nila, diba?? Ako ang kawawa dito at wala kang alam!!" sigaw ni Shayene kaya nagulat naman kami. Kakaiba ka talaga bata. Artistang artista na. Nakita kong naguluhan ang lahat pwera kay Margie na seryoso ang mukha.

"tama na Margie.. Nagiging bitch kana naman... Hindi ka ba naaawa sa kanya?" Sita ni Midy kat Margie. Hayss nagsisimula na nga.

"cgeh, maniwala kayo sa kanya... Ako ang mali, parati... Si Shanaia lang naman ang nakakakilala ng lubusan sakin, maski ROYALTIES na nakasama ko simula pagkabata, hindi ako kilala... Yan, magsaya ka Shayene!!! Magsama kayo!!" sigaw naman ni Margie na sasampalin na sana ni Zang ng biglang dumating si Goddess Hoa kaya nagulat naman sila.

" tiwala... Pinagsamahan... Pagmamahalan... Pagkakaibigan.... Masisira.... Wag kayong magsisi sa inyong pinila mga bata... Salubungin niyo ang inyong problema ng kayo lang, kasi MAS mabuti kayo jan, sa paghuhusga!!" matigas na saad nito. Natahimik sila lalo na nga dumating si God Light.

" tara na Hoa, at Margie.. Naghihintay na sila sa inyo... Alis na kami hm.... Sanay tama ang kinampihan niyo... " saad nito kaya tumango naman ako.

Pagkawala nila ay kasama si Margie kaya napatulala naman sila.

"alis" matigas na saad ko kasi nanggigigil ako sa kanila. Mga manhid. Tsk, kakainis ehh.

"hm--", "alis na... Kayong bahala sa mission niyo, bukas tsk" putol ko kay Midy. Kaya nakayuko silang lumakad. Naiwan pa sana si Shayene pero hinabol niya ito at tumabi kay geo tsk higad.

"bahala na sila love, naway magsisi sila at may matutunan" napangiti ako sa saad ng aking asawa. Sana nga.

End of Flashbacks...

"alis na kayo... Paalam mag iingat kayo..... Mga bata" malamig na saad ko kaya natauhan naman sila. Umupo na ako at lumabas naman sila na parang nag aalinlangan.

Nakita ko pang ang saya ni Shayene na nakasakbit ang kamay sa balikat ni Geo. Tsk linta.

_____________________________________

Margie's Pov...

Ang sakit.. Yung hindi ka kilala ng mga kaibigan mo at ikaw ang may mali. Tsk, ganoon na ba sila ka manhid at naniwala sila sa Impostor na yun? Wala namang katotohanan lahat ng yun, kambal? Kailan pa?.

"tama ka Margie... Sa ngayun samahan mo ang totoo mong kaibigan, Margie" nakangiting saad ni Goddess Hoa. Ay oonga pala kasama pala ako sa kanila at ang nakakataka lang nandito kami ngayun sa gubat parang may hinihintay?.

"tama ka rin iha, may hinihintay tayo dito..." nakangiting saad naman ni God Light. K-kaibigan? Naguguluhan ako.

"n-nasaan ako?" nagulat ako sa nagsalita sa harap ko. At napatingin ako dun sa liwanag na parang portal at may nakatayo dun na dalawang babae. Isang babae na kaedad ko siguro at may hawak na batang nasa tatlong gulang. Hindi ko makita ang mukha kasi nakatalikod siya pero prang familiar?

"S-Shanaia?" tanong ko kaya humarap naman siya samin... Nangunot ang kanyang noo na ikinataka ko pati sila God ang Goddess.. Doon naman ako natulala sa sagot niya... H-hindi..

"Shanaia? Sino siya? At sino kayo?.. Ako nga pala si Anya at ito naman ang anak ko si Georgina Tanaya Trevor... Maari niyo ba kaming tulungan?"

_________________________________

Author's note:

Wahhh kayo ng bahala hahaha joke... May ibang bida o kontrabida kaya walang bibitiw wehehehehe.

Love lotsssss 💓

Xia_Lire_24 ❤️

WINTEROUS KINGDOM : The Goddess of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now