Margie's Pov....
Nakakairita talaga sila! Kung magbubulungan man lang rinig naman namin. At alam niyo ba, bago pa lang yung Shayene na yun dito, pinamalakad na niya na masama si Shanaia at kung anong pinagdaanan DAW niya tsk.
Kaya yan, kumalat agad, naguluhan nga si Shanaia kasi bakit daw galit sa kanya ang lahat ehh bago pa naman daw siya dito. Naaawa na ako sa kanya.
"Marg, tara na? Sa cafeteria tayo gutom na ako ehh*puot*" hayss ang cute naman nitong inosenteng to. Andito pa pala kami sa room at kami nalang tao dito at si sir rin pala.
"Mga iha" tawag niya samin ng palabas na sana kami. Ehh?
"bakit po sir?" tanong ni Sha--Anya. Hayss.
"wala naman... Mag-iingat lang kayo, at wag magtiwala sa iba kundi kayo lang... At magpakatatag kayo sa mga malalaman at maririnig niyo okay? Yun lang makakaalis na kayo" saad niya at ngumiti kaya ngumiti rin si Anya at nahawa ako hayss.
"paalam na po sir, tara na Marg" saad ni Anya at umuna ng labas. Susunod na sana ako ng magsalita na naman si sir na ikinatango ko.
"Princess nandyan na sila... Ilayo mo siya sa kanila... At wag mo sanang layuan si Cikey kasi may alam na siya... Kayo nalang ang mapagkatiwawalaan niya"
"opo... Ginoo"
______________________________________
"alam mo Marg... Kanina pa sila nag bulungan na nandyan na daw ang ano daw Royalties? Sino sila" nagulat ako sa biglaang tanong ni Anya. Hayss bakit ba ang bait mo pa rin.
"Goddess Hoa.. Alam ko pong hindi maganda pero hihilingin ko po sanang maging kasing lamig ng mahika ni Anya ang ugali at puso niya" sana naman marinig ako---
"masusunod Princess Margie..
" aray.... Tsk" nagulat ako sa biglaang pag lamig ng paligid. Halos lahat napaayos ng upo at napatingin kay Anya na ang lamig ng mukha. Nasubraan naman ata.
"a-ahm A-Anya... Taguan mo muna ang aura mo... Natakot ang lahat haha" nag aalinlangan kong saad sa kanya. Umangat naman ang tingin niya sakin kaya para naman akong natuod, diyos ko nasubraan siya.
Lumingon siya ibang estudyante kaya merong nahulog sa kinakaupuan at ang tahimik. Mas lalo akong nanigas ng mag smirk siya bigla.
"sa susunod ako ang magiging topic niyo... Pasensyaan at mauunahan niyong makita si... Kamatayan" malamig na saad niya kaya namutla ang lahat. Hmm ganyan nga Shanaia, wag kanang maawa, sapagkat diyan ka magiging mahina at talunan. Ready kana talagang makaharap sila Anya...
__________________________________
Geo's Pov...
Nandito na kami sa harap ng pinto ni hm at agad ko naman itong binuksan. Kung noon nagugulat si hm pero ngayun hindi. Seryoso lang siyang nakatingin sa amin at tinuro ang upuan. Weird.
"Speak" malamig na saad niya. Kita ko naman ang takot sa mukha ng mga kasamahan ko pero si Cikey nag smirk. Naguguluhan ako.
"ahmm hm... Hindi po kami makapasok sa bahay nila noon ni Shayene dahil may balaan na pwersa na naka harang na tanging kadugo lang nila ang makakapasok" paliwanag ni Vheny. Na kita mo ang kaba.
"okay... So go back to your dorms.. Sama niyo na yang Shayene na yan" boring na sagot ni hm at patuloy sa ginagawa niya sa mga papeles.
"Hey!! I'm a princess!!" sigaw ni Shayene na nasa tabi ko pala. Tsk, nakakaasar din tong lintang to nakakainis.
YOU ARE READING
WINTEROUS KINGDOM : The Goddess of Love (COMPLETED)
Fantasy" An accident will happen, Prince will felll into deep sleep, Sleep like death... No one power in this world can hell, But only a Mortal. Would she help the prince? Or not?. She brings peace, She brings hope. She also the chosen one, Chose...