Chapter 8: Dorm Mates 😍

321 10 0
                                    

Geo's Pov....

Ang ganda naman niya.. Tsk atin atin lang yun ahh, pero ang lakas ng tibok ng puso ko kanina.

"Prince Geo.. Are you with us?" sita sakin ng terror teacher namin haysss ano ba yan tulala na naman ako.

"yeah" ikling saad ko at humarap na sa kanya ng seryoso kaya napalunok naman siya ng laway. Tsk.

_______________________________

Shanaia's Pov.....

"maupo ka Miss Smith" yaya sakin ni Hm kaya naupo na ako. Nandito na pala kami sa office niya malaki to at may malaking lamesa sa kilid at may maraming upuan. Meeting table ata.

"so Iha ito ang dorm key mo at may ka dorm mates kana dun, dalawa room number 143.. Nandun na ang gamit mo at uniforms mo, don't worry kaklase mo ang mga yun nasa silver section kayo... Jan ka muna sapagkat sa susunod na linggo pa ang leveling para malaman kung saan ka talagang section, okay?.... "nakangiting saad niya kaya tumango naman ako ng may ngiti.

" salamat po hm at secretary M... Hehe alis na po ako" saad ko na tumango naman sila.

"ahm wait Miss Smith... Pinatawag ko na ang ka dorm mates mo para sunduin ka baka nawala ka pa hahaha marami pa namang estudyante dito na makukulit haha.." saad naman ni Secretary kaya tumango naman ako at naghintay.

"isa pa iha... Kung may tanong kaman pumunta ka lang dito at nandito naman kami ng asawa ko... At mag-iingat ka sapagkat meron talagang bully dito... Ako sayo umiwas ka nalang at magsumbong sakin para balaan sila... Ayoko namang sumugod si Goddess Hoa dito kasi pinabayaan kita hahaha just kidding.. Nakakapagtaka nga at bakit hindi ko nababasa ang isip mo... Sorry pala dun"mahabang saad niya kaya tumango naman ako.

"sorry po ahh.. Hehe ano kasi tinuruan na po ako n Goddess Hoa kung papano... Magsirado ng isip.." sabi ko naman kaya tumango lang siya.

Tokk... Tokk... Tokk..

"ako ng magbubukas...." pag representa ng secretary at binuksan ang pinto. Pumasok naman ang dalawang babae na may pink at itim ang buhok. Ang cute naman nila.

"a-ano po kailangan niyo hm" nakayukong saad nito. Nahihiya siguro sila, ikaw ba naman ipatawag baka kasi may nagawa kang kasalanan haha.

"ohh mga iha.. Andito kayo kasi para mahabilin sa inyo ang bago niyong ka dorm mate... Iha sumama kana sa kanila" saad naman ni hm kaya napatingin naman sila sakin kaya nginitian ko sila.

"tara.. Paaalam napo sa inyo" paaalam ko at lumabas na kami..

"arayyyyyy po huhu" sakit naman nun. Pinisil lang naman nilang dalawa ang pisngi ko tig isa pa talaga ah huhu.

"aysh sorry hehehe ang cute mo kasi---", "hindi no!!! Ang ganda kaya niya huhu how to be you po" sagot nilang dalawa kaya napakamot naman ako sa batok sa hiya. Enebe hehehe.

"aysh tara na nga kayo talaga, dun nalang tayo mag kwentuhan sa dorm natin" sita ko sa kanila kaya tumango naman sila at sinukbit mga kamay nila sa dalwang balikat ko.. Salamat naman at may friends na ako..

Lakad lang kami ng lakad papuntang isang building at sa girls dormitory siguro yun. Wala na palang mga estudyante kasi nagkaklase na siguro at hapon na, last subject na siguro.

Tahimik lang kaming pumasok sa elevator na may ngiti sa labi. Nasa 4th floor pala kami kasi yun ang pinindot ehh haysss.

"alam mo ang ganda mo talaga... At alam kong maraming maiinsecure sayo hahaha" tawang saad nung black ang buhok sakin kaya napatawa naman ako.

WINTEROUS KINGDOM : The Goddess of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now