Chapter 30: Bloody Moon/ Bloody War

281 10 0
                                    

Geo's Pov...

Nandito kaming lahat sa harap ng academy, naghahanda. Kasi ngayun na ang bloody moon. Sa pagpatak ng alas dose ng gabi.

Mas magiging malakas ang mga kalaban kaya dun na sila lulusob kasi nga makapangyarihan na sila kasi napatay nila si Shanaia.

Alas syete pa ng gabi ngunut nag reready na ang lahat. Iwan ko pero parang gumaan ang pakiramdam ko, bumalik siguro ang epekto nung pinainom samin ni Shanaia noon yung gold na tubig sa fountain yun.

At iniwan ko sa mga taong hindi kayang lumaban ang anak ko kasi ayokong mapahamak siya. Alam kong kaya na niya ngunit ayokong masaktan siya.

"Apo, okay lang yan... Kaya natin lahat to" pag papagaan loob ni hm slash tito ng mom ko. Tumango naman ako na may ngiti.

Kinakabahan parin kasi ako, iwan ko lang pero ang kabang yun ay parang walang ensaktong dahilan kung bakit. Basta iwan.

Nagdaan ang ilang oras at alas onse na at ang laki ng buwan at may naririnig na akong alolong ng mga mababangis na hayop sa malayo.

"paparito na sila... Naglalakbay... Maghanda ang lahat sapagkat mababasag ang barrier sa mag oras alas dose..." aigaw na paalala ko sa lahat. Oo mababasag nalang yang barrier ng academy sa pag sapit ng bloody moon.

Wala na kasing makakapigil sa bloody war. Yun na talaga ang nakatakda kaya naghanda ang lahat. Binasbasan na pala kami kahapon ng mga gods and Goddesses. Wag daw kaming mag-alala sapagkat mangyayari talaga ang dapat mangyari, nalito nga kami ehh.

****

Alas onse quarenta na kaya naghanda na ang lahat sapagkat may makikita ng kulay dugo sa buwan. At naging mas maingay s alabas ng barrier sapagkat handa na sila. Handa na silang maging malakas.

"walang malalagos ahh, magbabakasyon pa tayo guys, heroes" nakangiting saad ni Midy kaya napatango naman kami. Sana nga sapagkat kinakabahan talaga ako.

"wahahahahahaha..... Ready na ba kayo mga light mages? Ready na kayong mapatay ng God Of Darkness? Hahahahaha" nanindig ang balahibo ko sa pagsigaw ni Azura. Oo si God Azura. May malaki siyang ngiti habang naka tanaw sa malaking buwan.

Nakaitim silang lahat, itim na damit at kapa. Mga masasama nga talaga. Habang kami ay nakaputi lahat. Na mga armor na gawa sa metal, pinagawa ni Shanaia.

"tumahimik ka Azura!" sigaw ko sa kanya. Kaya napatingin naman siya sakin.

"ohh long time no see Prince Geo... Kumusta ang buhay, patay na ang asawa?" sumiklab naman ang galit sa aking puso.

Hindi na ako umimik pa kaya napatawa naman siya ng malakas.

"andiyan na wahahahaha mga kasamahan ko, nandito na ang pinakahihintay natin... Ang bloody moon.. Wahahahahahaha... Arghhhhh" sigaw niya sa mga kasamahan.

Naging bloody na ang kulay ng buwan at nagsiilaw ang mga kalaban. Isang palatandaan na nagiging mas malakas sila kaya umabante na ang mga archers at pinana ang mga kalaban. Hindi pa sila lulusob kasi busy pa sila.

Mali man tumira patalikod kaso ito ang daan namin para manalo.

__________________

Third Person's Pov...

Nagsimula ng magbago ang anyo ng mga taga underworld. Mas naging nakakatakot ang mga mukha nila at ang lakas tignan.

Nakita ko namang sumugod na ang mga archers. At handa ang lahat ng lalaban na Light mages. Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at tinawag na ang ibang kasapi ko.

WINTEROUS KINGDOM : The Goddess of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now