Chapter 16: Where Is She???

269 9 0
                                    


Hm's Pov....

"pano natin sasabihin sa lahat?" tanong ko kay Obama. Matalik ko siyang kaibigan na dunsa mundo ng mga tao nanirahan para hanapin ang nakatakda. At inutusan na bantayan ito.

"magpatawag ka ng meeting sa lahat.... At ipaalam ito, bago tayo pagalitan" sagot niya kaya napakamot naman kaming dalawa sa ulo. Oo nakakatakot yung batang yun.

"sige, tara na" saad ko at nag teleport sa office ko. Hindi ko na pinatagal pa at nag announced.

"Attention to all..... Please proceed to the gymnasium now for very important reasons, I repeat...

Attention to all...... Please proceed to the gymnasium now for very important reasons, thank you..."

"ako na tatawag sa royal family" saad niya at gumawa ng bilog na nagliliwanag. At binulong ang mga salita na gustong iparating sa royal family.

"This is Mr. Obama... One of the Council... We're going to important meeting right now... Please kindly blah blah blah" taas naman ata ng mensahe niya.

Pagkatapos ay pinalipad niya ito into seven pieces at lumipad na. Para yun sa kada kingdoms.

"tara na dun na tayo maghihintay sa iba..." saad ko at nag teleport na sa gymnasium... Nandito na ang lahat ng estudyante kasama na ang royalties na kakaupo palang sa upuan nila sa harap. At mga konseho rin.

Ilang sandali lang ay nandito na ang royal families. Nahuli pa si Tai, wala si Xia kasi nasa God Palace.

"simulan mo na" bulong sakin ni Obama na nasa gilid ko dito sa mic kaya tumikhim muna ako at natahimik ang lahat.

"ehem.... Good Morning everyone.... Salamat sa pagdalo ng lahat... Alam ng lahat na may nagyari kahapon at yun ang napawalang sumpa na ang ating Prinsepeng Geo dahil dumating na ang nakatakda... Si Miss Shanaia Aitana Brianne Smith.." pasiuna ko. Marami naman ang nagbubulungan na estudyante. Mabuti na yung malaman nila kasi alam kong may magagalit sa kanya kung walang makakaalam kung sino talaga siya.

" so siya ang Goddess of Love?? "biglang tanong nung isa sa konseho kaya napatingin ako kay Obama. Siya na ang sasagot niyan.

" Yes... Siya ang Goddess of Love, sapagkat ang bumabasbas sa kaniya ay ang Goddess of the Universe.... Right Prince Geo? "sagot nito at tinanong si Geo. Napatingin ang lahat sa lanya kaya agad siyang tumango. Marami na naman ang nagbulungan, haysss mga bebi nga naman ang dadaldal.

" at bilang Goddess of Love, may pinapasabi siya sa lahat na dapat gawin natin"saad naman ni Obama kaya lumapit na ako sa kanya. Nagtataka naman ang mukha ng lahat. At nakita ko ang kaibigan niya na hinahanap siya, kawawa naman sila.

" kanina sumakit ang kanyang puso, at nakita kong....","nasabi niyang nagpakita kahapon ang diyos ng kadiliman sa kanya at sinabing sa nalalapit na kanyang kaarawan, magaganap ang isang madugong digmaan" putol ko na dito kasi malapit niyang mabulgar.

"kala ko masasabi ko na bro, salamat na bantayan mo" saad niya sa aking isip. Tsk ang kumag hindi nag iingat ehh.

Marami naman ang nagulat kaya pinakalma sila ng mga teachers.

"kaya saad ng Goddess of Love na lahat ay maghanda at mag ensayo... Ang hindi pa handa ay magtago na.... Seryosuhin ang pag eensayo at dapat hindi matakot kasi siya na ang bahala.... Siya ang itinakda kaya magtiwala tayo sa kanya.... Mag handa lang tayo para sa back up kong hindi niya makayanan.... "saad ko. Naguluhan naman ang iba haysss.

" anong back up? "tanong ni reyna sa Airo Kingdom.

" siya ang nakatakda na tatapos diba? Mag hihintay lang tayo kung saan niya tayo kailangan sapagkat gumawa siya napakalakas ngayun sa buong academy ng barrier " saad naman ni Obama at tinuro ang ginawa niyang parang bolang crystal sa kamay at ang ginawa ni Shanaia ngayun sa himpapawid. Nag invisible siya kaya hindi siya makikita tanging liwanag lang na kulay gold ang pumalibot dito.

Bigla naman humangin ng sandali at feeling ko safe kami. Napatingin ang lahat sa bilog ng makita dun si Shanaia na nag iba ang kaanyuan.

Naka gown siya ng mahaba na kulay pula. (yung nasa cover po hehe) at may korona sa ulo na may dyamanteng pula. Lumiwanag din ang kanyang mata into red tsaka nawala. Wala na talaga siya, nagtatago na.

"Where is She??? " tanong ni Geo na ngayun ay nakatayo na. Nagkatinginan naman kami ni Obama dahil tutok ang lahat sa sagot namin.

"ako na sasagot" saad ni Obama kaya tumango na ako. " May sinugo pa siya na ang lalabag ay siya mismo ang magpaparusa.... Walang ni isa... Ang hahanap sa kanya, at lalapit kung makita siya... Sapagkat gusto niyang mapag isa muna at mag ensayo... Ganun din ang lahat mag ensayo at.... Kalimutan ng lahat siya... Yun ang sugo niya at pati kami walang alam nasan siya... Basta daw nasa paligid lang siya"mahabang saad nito kaya nagulat kami ng ibalibag ni Geo ang inuupuan at nawala bigla. Hayssss...

"yun lang muna... At meron pa pala, sabi ni Shanaia, na pumunta ang lahat sa fountain at uminom ng isang baso ng tubig dito sapagkat may linagay siya dun na makakatulong sa ating kalooban." saad ko kaya tumango ang lahat at nagsimula ng lumabas. Sinabi niya yun sa isip namin kanina ng mawala siya. Linagyan daw niya ng mahika yun para sa kagaanan ng loob ng lahat.

" tayo na" saad ko kaya nagtungo na ang lahat dun.

_______________________________________

"napakalakas niya talaga, at nagawa niyang gumawa ng ganitong barrier sa rami ba naman natin..." saad ng isa sa mga konseho.

Oo nga pala naka inom na ang lahat pati si Geo na dinala ng Ama para makainom kaya kaming lahat ngayun magaan ang kalooban at parang mas naging malakas. At ang nakapalibot sa academy at ibang kingdom ay may pinakatibay na barriers para waang makakapasok na masasama.

Nabuhayan naman ang lahat at may ngiti sa labi. Lalo na si Geo, hindi na siya cold pero tulala lang. Hayss nag aalala lang siguro siya. Lahat naman. Pati mga kaibigan niya ngayun nagtatawanan kasama ang royalties, kasi yun daw ang hiling ni Shanaia kaya susundin nila, ayaw daw kasi nilang bugbugin ng isang Gangster Queen, haysss..

"mauuna na kami, magpapadala nalang kami dito bukas ng mga kakailangan para sa pag eensayo ng lahat... At mag hahanda narin ang lahat ng kaharian" saad ni King Tai kaya tumango naman ako at bigla silang naglaho.

"alis narin kami hm, obama... Babalik nalang kami bukas" paalam nung mga kasamahan ni Obama sa konseho at naglaho na rin.

"maiiwan ako dito, yun naman gusto nung bata haha" saad niya. Oo yun ang sugo ni Shanaia. Kami daw ang inaatasan niyang mag bantay at mag alaga sa lahat. Kaya hindi namin siya bibiguin.

_________________________________

     👇

     🔶

Xia_Lire_24 ❤️

WINTEROUS KINGDOM : The Goddess of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now