Chapter 10: Goddess Of LOVE??? 💓

317 11 0
                                    

Shanaia's Pov......

"okay ang ikikwento ko ngayun ay ang tungkol sa pangalawang digmaan, alam kong wala pa kayong alam masyado dito kaya ipapaalam ko lang..." panguna ng teacher namin at marami ang naging interesado at lalo na ako.

"okay... Bago ang digmaan, natakot ang lahat kasi hindi pa nila nahahanap ang nawawalang prinsesa ng WINTEROUS KINGDOM. Makalipas ang labing pitong taon nagkaroon ng bagong estudyante na pinakilalang anak ng matagal ring nawala na reyna ng ice kingdom na wala na ngayun kasi pinasanib na sa winterous kingdom.

Malakas siya at kilala bilang cold na tao. Hinahangaan sa taglay niyang ganda at kapangyarihan kasi hawak niya ang rare na kapangyarihan ang ice.

Naging handa ang lahat lalo ng nung may nagpanggap at nagiging traydor dito. Pero sa awa ng mga diyos at diyosa, inalagaan nila at tinuruan ng maayos sa lahat ang prinsesa na walang iba kundi si Princess Hoaxia.

Dahil siya ang nakatakdang tumapos sa kasamaan ay nagtagumpay ang lahat at napatay si Haring Luciper at naging malaya si Reynang Luciana na kilala bilang masama pero sa totoo pala ay linason lang ang isip at kinokontrol ng hari.

Naging matiwasay ang kabuhayan ng lahat sa loob ng sampong taon. At sa panahong yun sinumpa ng diyos ng kadiliman ang anak ni Reyna Xia o Goddess Xia na matutulog ito na parang patay. Simula nun naging malungkot ang lahat" putol ni Sir sa sinasabi. Naging mas interesado naman ako.

"kung nagtataka kayo kung bakit nandyan si Prinsepe Geo, at namumuhay bilang parang tao pero kaluluwa lang, ay dahil yun sa tulong ng mga diyos at diyosa" k-kaluluwa? Nakakaloka.

"ginawa nilang paghiwalayin ang kaluluwa nito at mamuhay na parang tao lang. Kaya nakaginhawa ng maluwag ang lahat... Pero sa nakaraang na dalawang linggo may nangyari na namang hindi inaasahan... Pumunta sa dorm ng Royalties ang diyos ng kadiliman at sinumpa na naman si Prince Geo. Na unti unting kakalat ang itim na spell na papatay sa kaluluwa niya habang hindi pa dadating ang tutulong sa kanya para mawala ito at mapabalik siya sa kanyang katawan" mataas na saad niya. Ang saklap naman nun. Nakakaawa siya.

"ano po ang lunas nun sir?" tanong nung isa kong classmate na nakaupo sa harap.

"good question.... Ang lunas ay tunay na pagmamahal... O true love... Kiss" pabitin bitin na sagot niya at naghiyawan ang iba. Hayssss nakakabingi ahhh.

"wahhhh ako yun hahaha

" ako ang nagdadala ng lunas hahaha joke lang

"swerte naman nung babae huhu

Kinikilig sila nun? Ako hindi ehh. Nakaka awa kaya siya. Bata palang sinumpa na. Sana naman makatulong ako sa paghanap ng taong yun. Sa ganun maibsan ang mission ko hehe.

Oo mission ko rin yun, ang tulungan ang Prinsepe Geo pero wala akong alam kung pano, haysss.

"hahaha listen guys... Ang totoo hindi gaya niyo ang karapatdapat magbibigay lunas sa kanya" natatawang sabi ni sir na ikinatigil namin. Ehh ano? Hayop?

"kundi... Isang mortal.... As in taong nasa mundo ng mga normal na tao" sagot ni sir na nabilaukan naman ako sa sarili kong laway.

Cough... Cough... Cough...

"okay ka lang Miss Smith?" nag aalalang tanong sakin ni sir kaya napatingin sakin lahat na may pag-aalala sa mukha. Diyos ko nakakahiya yun.

"w-wala po hehe" nahihiyang sagot ko kaya tumango naman siya.

"napano ka? Nabilaukan ka naman sa laway mo hahaha" tawang bulong ni Vheny sakin at hindi ko siya pinansin.

M-mortal?? As in pareha k-ko?? Ehhh??? Assuming naman siguro ako haysss, hindi ako no. Tutulong lang ako... Ayoko kayang isuko ang first kiss ko.

WINTEROUS KINGDOM : The Goddess of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now