Chapter 18: Bugtong

240 9 0
                                    

Shanaia's Pov...

"ba't mo nagawa yun? Alam mong hindi yun pupwede iha..."

"patawad po at nadala lang kami sa tentasyon, patawad talaga..." nakayukong saad ko.

"wala na tayong magagawa... Linalagay mo lang sa alinlangan ang yung sarili...."

"patawad po talaga" tanging naisagot ko nalang.

"sige mag ensayo kana muli... Paparito lang ako sa harden" at umalis naman siya.

Napangiti naman akosa aking naalala.

Flashbacks...

"bibisitahin ko lang sila" saad ko bago umalis sa tinutuluyan ko.

Patungo ako sa Academy at sisilipin kung ano na ang ginagawa nila. Miss ko na rin sila kahit isang araw lang. Kasi magsisimula na ako sa mga plano ko.

*************************
Nandito ako ngayun sa puno nakatanaw sa kanila na nag eensayo. Patapos na sila at ilang sandali lang ay pinaalis na ang lahat at naiwan ang royalties. Napangiti naman ako kasi ang sasaya nila. Yun naman ang hiling ko sa kaniya na maging masaya parin ang lahat kahit wala ako.

Tumalikod na ako at pagkababa ko at isang hakbang ay nagulat ako ng may sumulpot sa aking harap at yinakap ako ng mahigpit kaya hindi kaagad ako nakaimik.

Dahil dun ay nagkahalikan kami at nung tanongin niya ako ay wala akong masagot.

"bakit ka umalis? Why you have to leave me?"
Natulala ako nun at hindi alam ang gagawin kaya walang alinlangan ko siyang hinalikan ng mapusok at hindi naman ako nabigo kasi natahimik siya at tumugon nalang.

Mas lalong wala akong nagawa ng dalhin na niya ako sa kwarto niya at nagawa ang isang sala.

****************************

Nagising ako ng may iniinda ang katawan. Naalala ko ang nangyari samin at nakita kong mahimbing siyang natutulog kaya agad akong nagbihis para maka alis.

Pero bago yun hinalikan ko muna siya sa noo bago maglaho at umuwi na.

End of flashback..

Patawad at iniwan na naman kita mahal ko. Kahit masakit ngunit ito ang plano ko. Kaya sana wag kang magalit, ginawa ko lang naman ang isang paraan na....

Makakasama pa kita sa susunod o mawawala na ako sa mundo ng, mahika at may maiiwan sakin na isang bagay na mahalaga pa sa buhay ko.....

Yun ang pinakamalaking sala na nagawa ko.... Kaya patawad..... Mahal ko.

_______________________________________

Goddess Hoa's Pov....

Hindi ko alam kung bakit kahit isa samin ay hindi namin nakikita kung nasaan na si Shanaia.

"nasaan na kaya siya Hoa, sana naman hindi siya nahuli ni Dark" saad ni malungkot na Aira. Haysss.

"wala siya dun... Kahit sa WINTEROUS KINGDOM wala siya.... Wala talaga..."saad ni Xia. Nandito kasi siya para sa pagpaplano sa nalalapit na digmaan. Hindi naman kasi pepwedeng nandun siya sa ibaba.

Tutulong naman kami pero hindi agad, dun na kung kinakailangan.

" tama siya Aira... Wala si Shanaia kay Dark"saad naman ni Wateria na lumiliwanag ang mata. Haysss salamat naman.

" kung nasan man siya, sana ligtas siya at ready na" saad naman ni Fire.

"bakit feeling ko, may nangyari... Iwan ko kung maganda ba o hindi, basta feeling ko lang... Teka lang ha" saad naman ni Arth at pinagmasdan ang paligid.

WINTEROUS KINGDOM : The Goddess of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now