Chapter 11: Cute

312 11 0
                                    

Geo's Pov.....

Weird. Ng banggitin iyon ni ina ay tela nabuhusan kami ng malamig na tubig, lalo na ako. Kasi ang akala namin, siya na. Akala ko makakalaya na ako sa sumpang to.. *sigh*

"be okay sweetie... Darating din siya okay" pagpapagaan ng loon ni Mom sakin.

"I hope so, mom" sagot ko sabay ngiti. Nagyakapan naman kami.

Nandito pala kami sa gymnasium palabas na at kanina pa natapos ang meeting. Kami nalang royalties at si mom at dad pati si hm.

"Tito.. Kaw muna bahala sa mga bata sapagkat pupunta kami ni Tai sa God's Palace... Dun muna kami para makapag plano... Alam niyo namang ang isang Goddess ay hindi basta bastang mangingialam... Kaya patawad at hindi ako makakatulong" saad ni Mom samin at kay hm. Nagulat naman sila pero ako hindi, kasi matagal ko ng alam yan, ang duties ng isang diyos at diyosa ay ang pag bigay ng warning at pag gabay samin. Kaya I understand.

"it's okay for me mom..kaya na namin to, at mag iingat kami at kayo rin... I'll miss you both,*kiss*" nakangiting saad ko sabay halik sa mga pisngi nila.

"that's my boy... Mom and dad will miss you too... Just call us if you needed, okay?" paalala naman ni dad sakin na tinanguan ko naman.

"okay xia and tai... Ako ng bahala dito... Paalam na" paalam ni hm at humiwalay naman silang dalawa at nawala na.

"okay lang yan bro... Makakaya natin to, na pano pa't natawag tayong royalties diba na malalakas at mga gwap---- aray naman babe totoo naman ahhh" saad ni Kion sabay tap sa balikat ko. Hambog kaya nabatukan ni Midy haysss.

Nagtawanan naman kami esti sila kasi nag smirk lang ako tsk. hanggang makabalik sa Dorm namin para makapaghinga.

_____________________________________

Shanaia's Pov.....

   6:00 am

Haysss umaga na kaya naligo na ako at nagbihis pagkatapos, excited ako ngayun kasi pupunta ang lahat sa battle arena para magpakitang gilas.

Hindi naman Leveling, kundi parang ensayo lang para sa leveling. Napagpasyahan nila hm na walang klase sa natitirang tatlong araw para makapaghanda sa lunes kung saan leveling.

Sana naman classmates parin kaming tatlo. Sila lang kasi ang friends ko. Mga plastik kasi ang iba at mga feller haha.

"oh andyan kana pala Shan... At good morning sa always beautiful dito hahaha" tawang saad ni Pinky sakin na nandito na pala ako paupo na sa hapagkainan.

Natawa nalang kami ni vheny sa kanya. Kumain nalang kami at pagkatapos nag ligpit at lumabas na. Deretso kami ngayum sa arena at ang napaka saklap pa ay, walang bubong ang arena ngayun, tinanggal ng hm para daw mas maensayo daw kami huhuhu ang init kaya nun.

"masisira kutis ko nito... Ang init pa naman" reklamo ni Pinky habang hinihimas ang balikat niya, haha.

"arte mo, ano kung sa totoong labanan papalag ka pa ba?" sita sa kanya ni vheny, sungit naman nito haha may dalaw siguro haha.

"alam mo Shanaia, bat hindi ko parin mabasa basa yang nasa isipan mo?" sita naman sakin ni vheny kaya napatawa naman ako haha.

"Hi!!!" nagulat kami ng may sumalubong samin na babae na ang cute niya. Kaedad lang siguro to namin ehhh. May kasama siya apat na lalaki at dalawa silang babae.

"hello?" patanong na sagot ko kaya napatawa naman sila. Anong nakakatawa nun? Huhu.

"hehehe pwede makipag kaibigan? Hehe mas masaya kasi kung marami ang magkakaibigan diba?" masayang saad nung isang babae kaya nagkatinginan naman kami at sabay tumango na may ngiti...

WINTEROUS KINGDOM : The Goddess of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now