Chapter 25: Amnesia

223 10 0
                                    

Hoa's Pov...

Hindi ko alam at ito pala ang ibig sabihin ni God of the Universe. Wala siyang naaalala. At mas lalo siyang lumakas pati ang kasama niya ang anak niya, ang lakas ng presensiya.

"hehe okay lang po kayo?" natauhan naman kaming tatlo sa maliit na tinig ng bata. Si Georgina, ang cute mana sa ina.

"o-okay lang... Tara sumama kayo sakin at ihahatid ko kaya sa headmaster" saad ni light na alam kong naguguluhan. Kami palang tatlo, gulong gulo.

_____________________________

"Sha----Anya, nasa harap natin ang eskwelahan dito, ang WINTEROUS Academy... Dito ka mag-aaral at kami na ang bahala sa iyong anak, wag kang mag-alala bibisita kami dito parati... Nandito naman si Princess Margie, sasamahan ka at dadamayan" nakangiting saad ko sa kanya. Nakita ko naman na parang naguguluhan siya.

"weird... Pero feeling ko familiar ang lahat, kayo... At bakit ang laki ng tiwala ko kaagad sa inyo... Sige ipagkakatiwala ko sa inyo ang anak ko... Anak magpakabait ka dun ha at bisitahin mo ako araw araw okay?" nakangiting saad niya at hinarap ang anak at yinakap ng mahigpit at hinalikan sa noo.

" wag mo siyang pabayaan Margie... Tawagin niyo lang kami kung may problema... At sana wag na kayong magtiwala sa iba, pati sa kaibigan niyo noon" saad ko dito at binulong ang huli. Tumango naman siya ng may ngiti.

"tara na Anya, hinihintay na tayo ng kama para makapagpahinga hahaha" tawang saad ni Margie kaya napatawa naman kami. Hayss sana lang malampasan niyo ito, lalo na siya.

"cgeh, paalam sa inyo... Babye honey I love you!" huling paalam nila at pumasok. Pumunta na naman kami sa God's Palace.. Sigurado akong matutuwa si Xia nito.

____________________________________

Hm's Pov...

Nandito ako ngayon sa office nakatanaw sa labas ng bintana haysss. Kailan pa ba matatapos to?.

"love may paparating" saad ni Rose at tinuro ang gate na may pumasok na dalawang babae. Malayo pa lang ay malakas na ang enerhiya ng isa. Pamilyar siya. Bigla silang nagwala at nagulat ako ng may kumatok. Tumango naman ang asawa ko at bubuksan ang pinto. Dali dali naman akong umupo ng ayos. Kinakabahan ako.

"Ohh Margie iha.... S-Shanaia??" rinig kong saad ng asawa ko kaya nagtaka naman ako.

"pasok po muna tayo tita, naiinis pa ako sa mga mata at bulungan ng mga pisting estudyante sa labas.. Ang tatalas, nakakairita" galit na saad ni Margie kaya pinapasok naman sila ng asawa ko at pinaupo. Humarap naman ako kaya nagulat naman ako.

"hello po headmaster ako nga pala si Anya.. Sorry po pero wala po akong naaalalang iba yun lang po" yumukong pakilala niya kaya napatingin ako kay Margie na tumango.

"wala siyang naaalala hm... At si God of the Universe lang ang may alam sa dahilan... Kailangan niyang mag-aral dito pinasabi ni  Goddess Hoa... At mas mabuti rin daw na wala siyang maaalala" saad pa niya sa isip ko kaya tumango rin ako.

"okay Miss Anya... Welcome to WINTEROUS Academy... And Princess Margie will be your guide... At pareho narin kayo ng dorm... Mag-iingat kayo at good luck..." nakangiting saad ko kaya ngumiti rin siya. Kawawang bata.

"at hm pwd sa Silver Section kami?" tanong bigla ni Margie kaya tumango rin ako. Mabuti narin yun para makaiwas sila sa kanila.

"sure... At bukas na ang pasok niyong dalawa... At magpahinga na kayo" saad ko kaya napangiti sila at lumabas na.

WINTEROUS KINGDOM : The Goddess of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now