Loving Patricia

1.3K 34 2
                                    

"kahit pala layuan at iwasan mo ang taong mahal mo, sa huli ikaw pa din ang talo dahil ang totoo lagi syang nasa puso at isip mo" -Monica

Monica's POV

Wala sa isip na naglalakad pauwi ng apartment ko dala na din siguro ng galit at inis ko sa manager ko, akala kasi niya siya ang taga pagmana ng kompanya kung maka asta kala mo kung sino.

Alas 5 na ng hapon ng nakarating ako ng apartment and as usual nakita ko na naman si Mrs. Santiago ang asawa ng may-ari nitong building. Lagi syang nasa Terrace pag ganitong oras, nagdidilig ng mga halaman at siguro ay nagpapahangin na din. Katapat ng apartment ko ang tinutuluyan niya at ng asawa niya. Nasa dulo kami ng building which is katabi ng terrace na kung saan pwede kang tumambay at magpahangin.

"magandang hapon po" bati ko sa kanya, ngumiti lang siya. Nasa 35-38 na ata siya pero balingkinitan pa din ang katawan dahil siguro wala pa din siyang anak. Maputi, maganda napaka simple. Pero never kaming nagkausap ng matagal parang napakahinhin niyang babae. Kaya siguro sya nagustuhan ni Mr. Santiago

Mag-isa akong nakatira sa apartment, at nagtatrabaho sa banko.. Strong independent woman kumbaga. Ganito lang lagi ang routine ko, stress ako sa manager ko hindi sa trabaho..

Pag bukas ng pinto ay inihagis ko sa sofa ang bag at humiga agad..puro buntong-hininga ang lumalabas sa bibig ko pinapakalma ang sarili para mawala ang inis. Buti na nga lang at linggo bukas, rest day ko na..

namumuhay ako mag-isa dahil wala na akong mga magulang, si ate at kuya naman may kanya kanyang ng pamilya..kaya ako heto mag-isa. Gusto nga ni ate na sa kanila na ako tumira kaso nahihiya ako, gusto ko din bumukod at tumayo sa  sarili kong mga paa.

--
"Minsan masarap talagang tumakas sa realidad" nakangiti nyang sabi,  nagulat naman ako sa biglang pagdating ni Mrs. Santiago nasa veranda kasi ako nakaupo at nakatanaw sa malaking syudad ng maynila habang iniinom ang kape ko..  Alas 9 na ng gabi at di ako makatulog wala namang pasok bukas kaya keri lang na mapuyat.

"nakakapagod din kasi minsan Ma'am" sabi ko pa sa kanya habang sya naman ay mahinhin na umupo sa tabi ko.

"di naman ako teacher para tawaging Ma'am" nakangiti nya ulit na sabi.  Ngayon ko lang natitigan ng malapitan ang kanyang mukha.  Maputi at napakakinis,  matangos na ilong at pepektong mga ngipin.  Napakaganda pala ni Mrs.  Santiago.

"call me Patricia or Pat for short" parehas kaming nakatanaw sa kalangitan at ninanam ang malamig na hangin.

"di ka rin po ba Makatulog? " tumango sya bilang sagot.

"may kasama kaba jan sa apartment mo? " tanong niya..

"Wala Pat ako lang mag-isa" oh diba feeling close agad ako..

Madami dami din kaming napagkwentuhan at napakagaan ng loob ko sa kanya para syang anghel na galing sa langit na di makabasag pinggan,  sobrang hinhin nya kumilos pang mayaman talaga..

"you wanna drink? " tanong niya..

"ah wala po ba si Mr.  Santiago? " pagtataka kong tanong.

"Nah my business trip sya kaya most of the time ako lang mag-isa" napatango ako. And boom nasa apartment na ako nila.

Sobrang mamahalin ang mga gamit, pati yung may-ari mamahalin charot lang.

"ba't wala kapang boyfriend? " tanong ni Patricia habang binibigay yung wine glass na siyempre may laman na wine, o diba social.. 

"not my priority" ngiti ko lang..  Oo nga nu ba't wala pakong jowa..  Di naman ako pangit masyado sakto lang naman.. 

"you're  too pretty for not having one" syeeet dudugo ata ilong ko dito

One shot stories (gxg)Där berättelser lever. Upptäck nu