Miss Dream Girl(part2)

3.4K 69 6
                                    

Candace's POV

Sobrang saya ko nang malaman na parehas kami ng nararamdaman ni Sammie. Inaamin ko naman nung una, asar talaga ako sa babaeng yun..grabe kung makapang bully at makapanglait, kala mo sobrang perfect. But She's beautiful and sexy pero nung mas lalo kaming napapalapit sa isa't-isa di ko mawari bakit ako nahulog sa kanya. Hindi pa kasi ako nagka gusto sa babae, i'm straight pero pagdating kay Sammie,nababaliko ata ako.

Pag nandyan siya ang saya ko, isang ngiti niya lang natutunaw na ako. Oh gosh, di ko 'to na feel sa mga ex bf ko.

Isang buwan na rin ang lumipas simula nung nag-aminan kami sa kwarto niya, sa isang buwan wala kaming label pero alam namin sa sarili namin na mahal namin ang isat-isa. Alam namin na masaya kami pag magkasama. Pero kami lang ang nakakaalam kung anong meron samin. Kahit sa friends namin tinatago namin ito. Hindi pa siguro siya ready harapin ang consequences pag umamin kami.

"see you later sa dinner date natin" bulong ko sa kanya.

"sorry i can't Cands, dumating kasi yung kababata kong si Drew from US,may dinner kami with our parents" malungkot niyang sabi, hinawakan ko ang kamay nya sa ilalim ng table at  pinisil ito.

"it's okay" then i smiled.

Nalungkot man ako dahil hindi niya sinabi kaagad,pero di ko na nagawang magtampo bagkus inintindi ko nalang siya.

She's so sweet pag kami lang dalawa, di ko akalin na clingy pala siya at sobrang lambing. Mas lalo akong napamahal nung nakita ko ang side na yun ni Sammie.

"hey goodmorning Sam, how's the dinner" tumabi ako sa kanya sa canteen habang nakaupo siyang mag-isa, while yung friends namin ay bumibili pa ng pagkain, kaya may pagkakataon akong kausapin siya.

Hinawakan ko ang kamay niya pero iniwas din naman niya ito.

"ah ok lang naman Cands" sagot niya pero di siya tumingin sa'kin.

Binalewala ko nalang baka wala siya sa mood,

"how about dinner later?" napatingin siya sa'kin pero agad naman iniwas ito.

"ahm, ano kasi..may pupuntahan kami nila mommy Cands" tumango lang ako

"ahh sige, ahm una nako ha" siguro masama lang ang gising, kaya umalis na ako may klase pa din ako, mamaya ko nalang siya lalambingin pauwi. Lagi niya kasi ako hinahatid,kahit malapit lang yung boarding house ko.

"ah Cands, di kita mahahatid kasi kailangan kong magmadali hinihintay na kasi ako nila mommy" tumango lang ako pero sa kaloob-looban ko nalulungkot ako.

"ok lang ingat ka Sammie" ngiti ko sa kanya.

everything changes after that dinner nila ng kababata niya, di na kami masyadong magkasama. At kung magkausap kami parang iniiwasan niya ako. Hindi ko alam anong problema, dapat ba akong mabahala or may karapatan ba akong isumbat sa kanya kasi ang sakit, ang sakit na. Nagbago ba agad ang nararamdaman niya kasi kung OO sana sabihin niya o makipag-usap siya, di yung bigla nalang ganito. Pero di ko siya masisi kasi di naman din Kami. Walang siya at ako, hindi siya akin para matawag na Kami.

Habang yung ex bf ko ay kinukulit na naman ako. Kesyo,nagsisi daw siya at ako talaga ang mahal niya. Ang gago niya para gawin akong tanga.. Kung ako pala ang mahal niya bakit naghanap pa siya ng iba,diba?. Kasi kung kuntento kana wala kanang hahanapin pa.

Nakita ko siyang naghihintay sa labas ng boarding house ko, "Candace,please"

"Dexter naman, ilang beses ko na bang sasabihin sayo na tapos na tayo, at hinding hindi na ako babalik sayo." nakita ko ang lungkot sa kanyang mata.

One shot stories (gxg)Where stories live. Discover now