Highschool Crush (Part 3)

1.6K 44 5
                                    

Cha's POV

Hindi ko na alam kung ano ba tong nangyayari, hanggang kama nalang ba ako para kay Jia? Kasi sa araw araw na laging may nangyayari sa amin, di ako nasisiyahan, lagi akong nasasaktan. Kasi alam ko naman na yun lang ako para sa kanya. Pero kasalanan ko din naman kasi pinasok ko to eh, ginusto ko din to.

"okay kalang?" tanong ni Bea. Si Bea na laging nanjan para pangitiin ako, na kahit may iba akong gusto di pa rin sya sumusuko.

"yes" ngiti ko sa kanya.

"Si Jia na naman ba?" tumabi sya sa kin at umupo.

"hindi ah, antok lang ako" palusot ko pa.

"alam mo Cha, kahit di mo sabihin eh alam ko naman..kitang kita sa mata mo," ngiti niya sa akin. Makakapagsinungaling pa ba ako?

Ngumiti ako ng malungkot.

"see, sabi ko na eh, ikaw naman kasi, wag ka nang umasa sa kanya..alam mo naman na straight yun ehh.." alam ko naman pero bakit pag sa kama, nararamdaman kong gusto nya ko, o dahil lang sa libog yun.

"dinner tayo mamaya, treat ko" kindat pa niya. Um-oo na din ako, wala naman ako magagawa at gusto ko munang iwasan si Jia ngayon, gusto kong makapag isip-isip ng mabuti. We need to stop this.

Umuwi na ako ng bahay at ng pahinga muna. Magkikita kami maya maya ni Bea. May pupuntahan daw kami at dun na din magdidinner.

"hey, aga mo ah?" narinig kong tanong ni Jia. Nakahiga lang ako at nakatingin sa ceiling

"yup, may lakad ako mamaya" sagot ko ng hindi tumutingin sa kanya.

"saan punta?" tanong niya ulit.

"date with Bea" cold kong sabi. Di na siya umimik at di na din ako nagsalita. Ayokong tumingin sa kanya kasi baka panghinaan naman ako ng loob.

Hanggang sa umalis ako ay wala parin kaming imikan, ang awkward lang. Di na din ako nagpaalam sa kanya. Busy naman din kasi siya sa katawag niya.

Dinala ako ni Bea sa isang park, ang daming tao, may mga nag di date, may mga batang naglalaro, maraming streetfoods, nakakatuwa naman at nakakatanggal ng stress pag ganito nakikita mo.

Umupo kami sa tabi ng puno, ang sarap ng hangin maraan akong pumikit at dinadama ang sariwang hangin. Pag mulat ng aking mata nakita kong nakatitig lang si Bea sa'kin, bigla tuloy aking nahiya

"what?" tanong ko sa kanya.

"wala lang, nakakatuwa kalang pag masdan" sabay abot ng pagkain sa'kin

"ako nagluto niyan" dugtong pa niya. Tinikman ko ang spaghetti na binigay niya.

."hmmm pwede ka nang mag-asawa" infairness masarap, talo ang jolly spaghetti

"kung papayag ka?" ngiti niya, umiwas naman agad ako ng tingin

I know Bea likes me, pero bilang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya at alam niya yun. Ayoko naman siyang paasahin na meron din akong nararamdaman sa kanya,unfair lang.

"Cha" magkatabi kaming nakaupo..nakatingin sa mga taong dumadaan.

"hmmm" unti unti na din nagsisiuwian ang mga tao. Mag aalas nuebe na pala.

"wala ba talaga akong chance jan sa puso mo?" napatingin ako sa kanya,

"Bea," nilingon niya ako at ngumiti.

"Si Jia ba talaga?" tumango ako, na may halong lungkot

"Fine let's have a deal" nagtaka akong tumingin sa kanya.

"let's have a contract, magiging mag jowa tayo for 2weeks, gagawin natin ito to make Jia jealous, and if ever umepekto, go kana. Tatanggapin ko ng friends nalang talaga tayo. But if di umepekto, i'll court you until you'll say yes" napatawa naman ako dun, pero napaisip ko, why not dba?

One shot stories (gxg)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt