My Half Fairy Girlfriend

3K 48 0
                                    

A/N: perstym ko pong gumawa ng ganitong storya kaya sinubukan ko lang naman, pasensya na din sa mga typos di ko  na na-edit. Sana maenjoy niyo.




Habang nakasakay na ng eroplano si Riaron ay di siya mapakali, waring may maling mangyayari pero winalang bahala niya lang ito dahil kailangan niyang mapuntahan ang isang importanteng business meeting sa California, LA.  Nararamdaman niyang may nakatingin sa kanya at agad naman niya itong hinanap at nakita niya ang dalawang pares ng mata na nakatingin sa kanya. "Those darkgreen eyes, wow just wow" sambit ng dalaga sa kanyang isip.

She knew na may kakaiba sa pagkatao niya, dahil matalas ang kanyang pakiramdam, mabilis siyang makaramdam kung may mga pangyayari na hindi maganda. Katulad ngayon di siya komportable pero nagdadasal siya na sana this time mali ang pakiramdam niya.

---
Nagising ang dalaga na pawis na pawis at kinakabahan, kakaiba ang nakita niya sa kanyang panaginip. Nakita niya na ang lahat nagpapanic, sumisigaw at nag-iiyakan. Agad naman siyang nagdasal na sana hindi mangyari ang nakita niya sa kanyang panaginip.

Maya't maya pa ay narinig nila ang malakas na pagsabog, Halos nagpanic ang lahat at pinakalma naman ito ng mga FA, habang siya ay taimtim na nagdadasal ng kaligtasan nila dahil alam na niya ang sunod na mangyayari.

--
Hindi na niya alam kung paano bumagsak ang sinasakyang eroplano dahil nawalan na din siya ng malay, lingid sa kaalaman niya hinila siya at inakap ng babaeng nakatingin sa kanya kanina,

Nagising siya sa dalampasigan, sobrang sakit ng katawan niya. Naghanap siya ng ibang kasama niya hanggang sa nakita niya ang isang babae na nakadapa at walang malay. Nilapitan niya ito kahit na hirap na hirap siya sa paglakad, may mga sugat at pasa din siya. Pero di niya ito ikina bahala dahil alam niyang madaling maghilom ang mga sugat niya, ilang beses na din niya itong napansin sa katawan lalo na pag nasusugatan siya.

Nakita niya ang mukha ng babae at naalala niya ito, ito yung babaeng may dark green na mata. Pinagmasdan niya itong mabuti.

"you're so beautiful" bulong niya.

Habang hinihintay na magising ang dalaga ay inilibot niya muna ang kanyang mata para tingnan ang nasabing lugar. Nasa isang island sila pero di niya alam kung may nakatira ba dito o wala. Napaka tahimik, tanging alon at ihip ng hangin lang ang iyong maririnig. Tinanaw naman niya ang dagat at masasabing malayo sila sa kabihasnan dahil wala siyang makitang lugar o island na kalapit, lahat dagat.

"ahh" napalingon siya sa babaeng nagising habang hawak ang ulo nito.

"thank God you're awake" sabi niya.

Inalalayan niya muna ito at dun sila pumwesto sa ilalim ng puno.

"by the way im Riaron" paglalahad niya sa kanyang kamay.

"Princess" tipid na sagot ng dalaga

"bagay sayo" ngiti niya. Pero di manlang siya nginitian ng babae

"you can call me PJ" tumayo si PJ at tiningnan ang karagatan, nagbabakasakali na may makitang tao, nagsimula naman itong maglakad para libutin ang nasabing isla.

"kaya mo ba? Magpahinga ka muna" sabi ni Ron na parang walang masakit sa katawan. Tiningnan niya ang mga sugat at pasa niya, nawala na ito at biglang naghilom. Tiningnan naman siya ni PJ mula ulo hanggang Paa.

"how come na wala kang sugat?" nagkibit balikat lang si Ron at ngumiti.

Si Ron ang type na palangiti at friendly while PJ is fierce at laging seryoso, cold hearted kumbaga.

"anong nangyari pala?" tanong ni Ron. Habang naglalakad sila palibot ng isla. Maliit na isla na walang ka tao tao.

"i don't know either, basta yung huling naalala ko,hinila kita at niyakap dahil nawalan kana ng malay" napalingon naman si Ron kay PJ.

One shot stories (gxg)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें