My Highschool Crush(Part 1)

5.9K 80 2
                                    

Cha's POV

"Baboy!" Pagtutukso ng grupo ni Jia sakin.. Habang si Jia ay nakangisi lang tuwang tuwa sa ginagawa ng kanyang mga kaibigan..
"Hoy baboy.." Hindi ko na sila pinansin dahil sanay na sanay na ako sa mga pambubully nila sakin.. Masakit man pero wala akong magagawa dahil totoo naman..
"Ano ba tigilan niyo na nga si Cha" pagtatanggol ng bestfriend kong si Rafa..
"Raf..pabayaan mo na sila..tsaka sanay na naman ako eh" ayoko kasi ng gulo.. Kung jan sila masaya edi Go..wala na akong magagawa..masaya silang may nasasaktang ibang tao.. Akala mo naman mga perpekto.. Si Jia lang naman ang maganda at sexy sa kanila..
"Hoy bat ganyan ka makatingin kay Jia" sabi ni Mara isa sa mga kaibigan ni Jia..umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain..nandito kami ngayon sa cafeteria dahil lunch time..
Ng biglang may natapon na juice sa damit ko at nabasa ako..
"Oppssss Sorry!" Sabi Ni Jia wala akong naisagot tiningnan ko lang siya..
"Hoy tatanga tanga ka jan baboy!" Pagtataray niya..
"Ano ba Jia..tigilan niyo na si Cha wala namang ginagawang masama ang tao sa inyo" pagtatanggol ni Rafa..
"Shut up bitch! Nasusuka ako sa kababoyan ng kaibigan mo!" Ang sakit naman ng sinabi ni Jia.. Napaupo ako at napaluha nalang..
"Cha..let's go" hinigit ni Rafa ang kamay ko papuntang Cr.. Pinunasan niya ang basa kong uniform gamit ang panyo niya..
"Ba't ba kasi di mo maipagtanggol yang sarili mo kay Jia" iritado niyang sabi..
"Ayoko lang ng away Raf" mahinahon kong sabi
"Ayaw mo ng away o crush mo lang ang tao.. Diyos ko naman Cha sa lahat ba naman ng magugustuhan mo si Jia pa na sobrang sama ng ugali.. Ang daming babae jan.." Hindi na ako sumagot dahil anong magagawa ko kung gusto ko talaga si Jia..

"Maganda ka naman kahit mataba ka...marami pang mas deserving sa pagmamahal mo alam mo yun" ito na naman siya parang nanay kung maka asta haha pero salamat din sa bestfriend ko lagi siyang nanjan para ipagtanggol ako..

Oo mataba ako..matangkad pero mataba talaga..maputi pero mataba..chinita at matangos ang ilong pero mataba parin.. Anong magagawa ko eh mayaman kami sa pagkain tsaka yun talaga ang hilig ko.. Ang kumain..

"Raf.. May sasabihin nga pala ako.." Pagbalik naman sa room wala pa sila Jia mabuti naman at wala pang manggugulo sa pag uusap namin ni Rafa
"Ano yun?" Baling niya sa kin..
"Kasi lilipat kami ng bahay..tsaka lilipat din ako ng school" malungkot kong sabi.. Nalungkot din ang ekspresyon ng kanyang mukha..
"Pero Cha.. 1 year nalang at gagraduate na tayo ng Highschool.. Dba pwedeng tapusin mo nalang dito" sabi niya
"Yun na kasi ang desisyon nila mama at papa..lilipat kasi si papa ng companya dahil sa pagkapromote niya.." Paliwanag ko..
"Tsaka don't worry lagi tayong magkikita promise ikaw parin ang bestfriend ko" pagtaas ng kanang kamay parang promise sign..
"Mamiss kita.." Yumakap siya sakin..mamiss ko din naman si Rafa..
"Eeewwww!" Sabi nila Jia nung nakita nilang magkayakap kami ni Rafa..


Last day ng shool year..bali next year..fourthyear na ako..pero sa ibang school na.. Before ako umalis..napagisipan kong bigyan si Jia ng letter.

Dear Jia,
Hello..ahm mamimiss kita..wala kanang mabubully at di kana masusuka sa itsura ko..kasi di mo na ako makikita lilipat na kasi ako ng school.. By the way di naman ako galit sayo kahit lagi mo akong sinasabihang baboy tsaka totoo din naman eh heheh.. Nga pala.. Ang ganda ganda mo at ang sexy mo.. Tsaka gusto ko lang sabihin na crush na crush talaga kita una palang kitang nakita..alam ko namang mandidiri ka sa mababasa mo ngayon pero okay lang at least nasabi ko sayo tong nararamdaman ko..mag iingat ka palagi ha:-)

-Cha..

Habang pauwi na ako iniabot ko ito sa kanya at agad na tumakbo palayo hindi ko alam kung babasahin niya..
Nagtago ako sa isang puno at tinatanaw siya sa malayo. Nakita kong binuksan niya ang sulat at as expected nga naman nandiri siya sa mga nabasa niya..pagkatapos ay tinapon niya ito..


One shot stories (gxg)Where stories live. Discover now