Love Affair

3K 34 10
                                    

Angela's POV

"congrats" yan lahat naririnig at nababasa ko na sinasabi ng mga kaibigan at kakilala ko.. Ngayon kasi lumabas ang result ng LET exam na tinake ko and salamat sa Diyos nakapasa ako at pang top 5 pa..wala nang mas sasaya pa sa balita na ito, finally isa na akong Guro. Di na din nagpapigil sina Mama at Papa mag celebrate, syempre may handaan at maraming tao na naman ang iimbitahan, haysss nakakapagod kayang ngumiti ng ngumiti at paulit ulit na papuri, kung ako lang eh ayoko na ng may handaan kahit kami nalang ng pamilya ko at ng kapatid ko pero mapilit kasi sila Mama kaya no choice na din ako.

After a month waiting pa din ako sa ranking before makapag apply sa public school. Pero yung kaibigan ni Mama ay may ni recommend na naghahanap ng tutor sa isang bata na anak din ng kaibigan niya. While waiting eh why not try para naman may income din ako..

"15k a month tapos 3hours lang sa isang araw" sabi ng kaibigan ni Mama. um-oo na din ako sayang naman din.. hiningi niya ang number ko at tatawagan daw ako ng kaibigan niya para makapag-usap kami..

Tinawagan naman agad ako ni Mrs. Fuentabella.. oh diba apelyido palang alam mo nang yayamanin.. napakamalumanay ng boses niya halos puro oo na nga lang yung nasasagot ko sa kanya.. bukas agad ako magsisimula at ipapasundo niya nalang daw ako sa bahay kasi di ko pa alam ang papunta sa kanila.

bago matulog ay naiisip ko pa din ang boses ni Mrs. Fuentabella sana ganun din ang boses ko kung makipag-usap para kasi akong barako kung magsalita haha!

----

"Angeeelaaaaaa" sigaw ni Mama

"nandito na sundo mo, dalian mo na jan" dali dali naman akong lumabas ng kwarto pagkatapos maglagay ng red lipstick, siyempre kailangan presentable tayo.

nagpaalam na ako kina Mama at agad lumabas, binati ko si kuya driver pero bat parang kinakabahan pa din ako.

"okay kalang po ba ma'am?" tanong ni kuya

"opo kuya mejo kinakabahan lang" ngiti ko pa sa kanya, ngumiti din naman siya

"mabait si Mrs. Fuentabella, mukha lang siyang masungit pero mabait talaga yun" tumango tango lang ako..

namangha ako sa laki ng bahay, mayaman nga talaga sila kwento ni Kuya driver eh business man si Mr. Fuentabella at lagi itong wala sa kanila minsan kasi nagtatravel ito at sa isang buwan isang linggo la itong nalalagi sa bahay, habang si Mrs. Fuentabella naman eh simpleng may bahay lang at naka focus sa kanyang anak yun daw kasi ang gusto ni Mr. Fuentabella.. napaka chismoso naman ni kuya driver hahah.

Habang hinihintay ko si Mrs. Fuentabella ay nakaupo ako sa sala at pinapalibot ang mata sa nag gagandahang paintings, pero isa lang ang nakakuha ng aking atensyon, isang magandang babae na nakangiti at may bulaklak sa tenga. Lumapit ako dito at mariin na pinagmasdan ang ganda niya, kung mailalarawan ang salitang perpekto siya na yun..

"sa palagay ko ay 30 edad ko nyan nung ginawa yan" pagsasalita ng babae sa aking likuran, napalingon naman ako at nakita ko ang isang babaeng matangkad, sexy parang wala pang anak, atsaka ang ganda niya, nakalugay ang curly blonde hair niya.

"Michelle Fuentabella" paglalahad ng kamay niya, para naman akong na pipi at di maka kibo.

"Ahm Angela Gutierrez" nakipag shake hands ako sa kanya, ang lambot ng kamay niya at ang bango bango niya. Kung may isang word ako ma dedescribe sa kanya yun ay ALLURING. Para akong nakakita ng artista, o diyosa..

"Angela?" pagtawag niya ng malumanay sa pangalan ko,

"ah yes ma'am?" inexplain niya sakin ang mga dapat gawin at pinasunod din niya ako sa isang room kung saan ako magtututor sa anak niya.. Habang nasa likod niya di ko maiwasan pagmasdan ang sexy niyang katawan. Mas sexy pa sya sakin kala mo di nanganak at dalaga pa din. Nakakahanga siya..

One shot stories (gxg)Where stories live. Discover now