Kaibigan nga lang ba talaga?

25.4K 143 9
                                    

Ana's POV

Kanina ko pa hinihintay yung babaeng maganda na laging bumibili sa tindahan namin..lagi akong natutulala tuwing siya ang bumibili ang ganda niya matangos ang ilong..maiksing buhok..magaganda ang mata halos perpekto ang mukha niya..pero alam kong mas matanda siya sa akin.. Nasa 19 lang ako.. At siya ay 29 or 30 halos 10 taon ang agwat namin pero hindi ko na iniintindi yun basta ang alam ko gusto ko siya at masaya ako pag nakikita siya.. Hindi ko lang alam kung may boyfriend na ba sya o single ba siya..naiintriga ako sa kanya..

"Paload po" biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko..oo siya nga..

"Pakisulat ang number miss" sabi kong hindi nagpapahalatang kinakabahan..
Sinusulat niya ang number niya ng tinanong ko siya ano ang pangalan niya
"Erika" sagot niya..
"Taga jan kaba sa tapat?" Tanong ko muli dumadamoves..
"Ah oo sa tita ko yan nakikitira lang ako..mas malapit kasi work ko dito" sagot niya..
"Ah ganun ba..sige i load ko nalang po ito" sabi ko at nginitian siya..ngumiti din naman siya at umalis na rin..

Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba ang number niya at itetext..nagbabakasakali din naman akong baka may pag-asa kahit alam kong malabo..

Napagdesisyonan ko nalang na itext din sya

Hi..

Txt ko sa kanya..ilang minuto nagreply din siya

Hello.. Sino to? -siya

Ikaw ba si erica? Tanong ko sa kanya

Yes..sino to.. Reply niya

Si Ana to..yung nagbabantay ng tindahan kanina..sorry kinuha ko yung number mo hehe..gusto ko lang makipagkaibigan sana sayo..
-ako

Okay lang Ana..sure walang problema hehe..
-siya

Hehe thank you Erika..
-ako

Hindi na siya ng reply..awtss :-( pagkagising ko agad kong chineck ang cellphone ko

Erika
Sorry nakatulog ako..goodmorning ana :-)

Oh my Gosh yung ngiti kong abot tenga..hindi ko to inaasahan..nagreply ako at nag goodmorning na rin.. Wala akong pasok ngayon..dahil summer naman kaya walang problema tatambay ako sa tindahan baka sakaling bumili si Erika haha!

"Oh ang aga napakasaya mo ata" tanong ni mama..

Natapos ang maghapon na walang Erika akong nakikita..sana naman lumabas siya para makita ko manlang siya..

Nagvibrate ang cellphone ko tumatawag si Erika..kinakabahan ako nanginginig ang kamay kong sinagot ang tawag niya..

"Ahm hello Erika" sabi ko
"Hi Ana.. Ahm pwede mo ba akong samahan nabobored na kasi ako sa bahay eh..wala akong masyadong kakilala dito..kaya ikaw naisip ko sana pwede ka" naisip nya raw ako..ang lakas ng heartbeat ko haha

"Ahm ano ah sige.. Saan ba?" Tanong kung nauutal
"Sabi ni tita may Park daw jan malapit sa may labasan..dun nalang tayo tambay lang naman" sabi niya
"O-okay.. Ahm magpapalit lang ako" sagot ko..nag babye na rin siya..

Lumabas na ako ng bahay nakaabang na pala siya sa may tindahan..sabay kaming naglakad papuntang park tahimik lang kami hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sa kanya wala akong maisip na ikwento..

"Ana may boyfriend kana?" Tanong niya..
"Haha wala! Tsaka di ko gusto" sabi ko..kumunot ang noo niya at tinanong niya kung bakit..
"Iba kasi yung trip ko hehe!" Tawa ko..
"Wat do u mean" tanong niya
"Basta.. Eh ikaw ba may boyfriend kana?" Tanong ko naman sa kanya..
"Haha wala na! Wag na nating pag usapan" biglang lumungkot ang mukha niya..

Pagdating namin sa Park umupo kami sa swing..

"Ilang taon kana Ana?" Pagsisimula niya
"19" tipid kong sagot nahihiya ako hindi ako makatangin sa mata niya kinakabahan ako..
"What? 19 ka palang? You look like 23" sabi niyang gulat na gulat
"Haha sanay na ako jan. Eh ikaw ba?" Tanong ko sa kanya
"28 na ko" sabi niya
"Di halata haha" tawa ko..
"Bakit naman?" Tanong niya
"Ang ganda mo kasi" hindi ko napigilan ang sarili ko..sobrang ganda niya talaga..
"Haha ikaw rin naman ah.. Super pretty..sumasali ka sa mga pageant?" Tanong niya..umiling iling ako..
"Nah hindi ko yan bet"
Marami kaming pinagkwentuhan hanggang sa umabot sa ex niya kung bakit sila naghiwalay..hindi ko maiwasang hindi matulala sa kagandahan niya..
"Ana" tawag niya
"May dumi ba ko sa mukha?" Tanong niya..ngumiti ako at nagblush alam ko uminit ang mukha ko..
"Haha wala..sobrang ganda mo lang.." Sabi ko na nagblush din sya..

Untiunting pumapatak ang ulan..hanggang sa lumakas ito.. Agad kong hinawakan ang mga kamay niya at tumakbo kami..parang nagslowmotion ang lahat eh..parang may kuryente sa kamay ko nung hawakan ko ang kamay niya..ang sarap sa pakiramdam..tinitingnan ko ang pagtawa niya habang tumatakbo kami..

Nakarating kami sa isang sulok na may maliit na masisilungan..sa dami ng taong paparating din mas napapalapit ang mga katawan namin hanggang sa 3 inches nalang ang pagitan ng aming mga labi..nagkatinginan kami..parang walang ibang tao sa paligid kundi kami lang.. Tinitingnan ko ang mga labi niya papunta sa mga mata niya..hanggang sa umiwas siya alam kong awkward ang sitwasyon namin tsaka hindi ko rin alam kung magkakagusto din ba siya sa isang babae...nasa likuran kami kaya naiipit na kami sa dami ng tao.. Niyakap ko sya..

Tumila ang ulan at unti unting nawala ang mga tao sa harapan namin..pero nakayakap parin ako sa kanya medyo basa rin kami dahil sa ulan..

"Erika" sabi ko..hindi siya sumagot baka nabigla sa mga nangyayari.
"I like you.." Bulong ko sa kanya..
Humiwalay siya sa yakap..
"Ana" sabi niya..
"I like you simula palang nung nakita kita..lagi kitang inaabangan bumili sa tindahan..ewan ko basta gusto kita kahit alam kong mas matanda ka sakin..i'm sorry" sabi ko sa kanya..nakinig lang siya..
"It's okay..Ana" sabi niya..
"Masaya kang kasama..napakaganda mo..maraming magkakagusto sayo.." Sabi niya..ang sakit ma busted eh..
"At hindi yun ikaw?? Ok lang Erika hindi ko naman din ineexpect na magustuhan mo ako" hina kong tawa
"But i'm here to be your friend.." Ngiti niya..ok na din yun..
"Thank you" ngiti ko..
Siguro hindi pa sya ang para sakin.. Dumating lang siya para bigyan ako ng inspirasyon habang wala pa ang tamang babae na mamahalin ako..

Ilang buwan ang lumipas at naging mas close pa kami ni Erika halos parang ate ko na siya na bestfriend na mama din..na parang girlfriend din.
Hindi ko alam habang tumatagal napaka selosa na niya na ginusto ko naman..parang gusto na niya rin ako hindi niya lang masabi o ako lang talaga tong nag iisip ng kung ano ano..

"Bye.. I love you Ana" lagi niyang sinasabi paghinahatid ko siya sa kanila..marinig lamang ang mga salitang yan galing sa kanya ay sobrang saya ko na kuntento na ako..

Kaibagan lang ba talaga o ka-ibigan na?

Thank you! Please vote and comment..

One shot stories (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon