My Ex-boyfriend's Bestfriend (part 2)

4.5K 63 3
                                    

My girlfriend requested for this..so yeah may part 2 siya!

Claire's POV

Niligawan ko si Mimi.. Araw araw ko siyang hatid sundo tsaka dadalhan din ng foods yung usual na ginagawa pag nanliligaw..Magkaiba kami ng school pero d naman kalayuan kaya nahahatid ko pa rin siya..

"Mi.. Sunduin kita mamaya ha" sabi ko bago umalis..
"Ahm wag na.. Magkikita kasi kami ni Joey.." Wala nakong nasabi kundi nginitian nalang siya.. I can't be jealous.. Bestfriend niya yun..

"Okay mag iingat ka ha.. Text mo ko if makauwi kana" tsaka ko siya hinalikan sa noo.. Lagi kaming ganyan..binigyan naman niya ako ng matamis na ngiti at isa ring matamis na halik sa pisngi..nagulat ako dun kasi firstime niyang ginawa yun..

"Hoy ngingiti ngiti mo para kang baliw" puna ni Lyn pagdating sa room.. Di ko maiwasang kiligin sa ginawa ni Mimi.. Mas lalo akong naiinlove sa kanya..
"Baliw agad? Di ba pwedeng Kinikilig yung tao?" Sagot ko naman..
"Haha para kang shunga.. Ano ba kasi nangyari sa inyo ni Mimi" si Zy naman..
"Eh shunga na kung shunga.. Haha.. kiniss ako ni Mimi sa pisngi" sabay silang nagtawanan..
"Para yun lang?" Pambabara ni Lyn..
"Wag nga kayo.. Sabagay mga manhid naman kayong dalawa kaya di niyo to mararamdaman.." Natigil ang usapan namin nung dumating na yung math teacher namin..

Pagkatapos ng klase napagdesisyonan naming tatlo na mag mall muna.. Total walang pasok bukas..
"Uyy diba si Joey yun" sambit ni Zy..
"And so?" Sagot ko naman.. Wala naman talaga akong pakialam pagdating sa kanya..
"And so ka jan tingnan mo nga kung sino ang kasama may pahawak hawak pa sa bewang.." Pagtingin ko.. Si Mimi ang kasama niya pero bakit sobrang dikit sila..baka normal lang yun sa kanila...
"I know right.. Nagpaalam si Mimi kanina sakin" pagtataray ko sa kanila..
"Wow ang galing" sinabayan pa nila ng palakpak..haha mga baliw talaga tong kasama ko..

Pero pagtingin ko ulit nakita kong hinalikan niya si Mimi sa lips.. Nanigas ako sa kinatatayuan ko..kahit smack lang yun masakit din yun ah..

"Uy..Claire! Nakita mo yun?" Sabi ni Zy.. Ay hindi hindi.. Kitang kita ko nga..ipamumukha pa..
"Tara na.." Yun nalang ang nasabi ko..

"Oyy ok kalang.." Pagtatanong ni Lyn..
"May ok bang naluluha na.. Utak naman Lyn" sabi naman ni Zy hindi na ako sumagot.. Parang anytime tutulo na ang mga luha ko..
Umalis na kami.. Pero ito naman mga kaibigan ko ay niyakap ako.. Kahit papaano na feel ko naman ang pag comfort nilang dalawa kahit mga baliw to.. Napangiti naman ako sa ginawa nila..

"Bye..claire wag ka magsusuicide ha? Hehe joke lang" peace sign niya..
"Baliw" yun nalang nasabi ko..

Pagdating sa bahay deretso nako sa kwarto.. Ang sakit ng nararamdaman ko.. Yung nagfaflashback yung nakita ko kanina..at doon nang nag unahan ang mga luha ko.. Sakit besh..

Nagvibrate ang Cp ko..may nagtext..

Fr: MimiLoves
Hi Claire..just got home :-)

Parang ang saya naman niya..

To: MimiLoves
Ok..

MimiLoves Calling..

Sasagotin ko ba? O sasagotin ko? Parang tanga lang din ako nu? Sino ba naman ang hindi nagpapaka tanga sa pag-ibig? Sino? Sabihin niyo?

"Hello Claire!" Masigla niyang bati..ang saya naman niya..
"Oh mi" walang gana kong sabi..
"Ayy..ok kalang? Maysakit kaba?" Wala nasasaktan lang..
"Wala..i'm ok.. I'm just tired" palusot kong sabi..
"Ok pahinga kana.. See you tomorrow.." Wala na akong naisagot dahil unti unting na namang tumulo ang luha saking mata.. Ba't ang saya niya.. Di ba siya nakonsensya sa ginawa niya kanina? Kung ayaw niya sa kin di sana di na niya sinabing "court me" diba? Ba't pa papaasahin ang tao kung ayaw naman talaga?

"Hi Claire" bati niya sa'kin..nandito kami sa tambayan nami sa tabi ng dagat..
"Claire" ang boses niyang malumanay plus fresh air.. So perfect..

"Hmmm" yun lang ang sagot ko habang nakatingin sa karagatan..

"May sasabihin sana ako sayo" so eto na ba.. Sasabihin niyang busted nako.. Ok i'm ready!
"Kasi ahm.. Si Joey kasi.. Sabi niya ano.." Utal niyang sabi
"Tell me straight to the point..wag kanang magpaligoy ligoy Mi" mahina kong sabi..
"Liligawan niya raw ako" liligawan pero naghalikan na?
"Ah okay.." Matabang kung sabi.
"Pero don't worry kasi di naman ako pumayag" niloloko niya ba ako..di pumayag pero pumayag magpa halik..
"Talaga?"
"Yes..Claire" sagot niya
"Naman mi.. I saw You yesterday.. Hindi naman ako bulag sa nakita kong paghahalikan ninyo" di ko na napigilan ang sarili ko..
"Claire.."
"Ano to naglolokohan lang tayo?" Tanong ko sa kanya..
"No Claire.." Tumayo ako at akmang aalis na sana pero hinawakan niya ako sa kamay dahilan para maharap ko siya.. At agad niyang nilapat ang mga labi niya sa labi ko..

Her lips pressed mine..i'm overwhelmed.. I can feel butterflies on my stomach now.... Then she stopped..

"Now i can say.. You're the one i love" so sa halik pala binabase yun?
"What do u mean?" Naguguluhan kong tanong..
"Kasi..i let Joey kissed me.. Pero wala akong na feel na spark" paliwanag niya..
"But everytime you kissed me on my forehead.. I can feel butterflies on my stomach..kaya sinubukan kung halikan kita sa lips..at naramdaman ko ang spark" dugtong niya..

"Yun na pala ang basehan ngayon?" Sarkastiko kung sabi..

"Nope..alam mo namang gusto ko si Joey.. Pero nung dumating ka.. Ibang saya ang dulot mo sa buhay ko..naguguluhan ako sa nararamdama ko kaya yun ang ginawa ko and now i'm sure.." Napangiti ako sa sinabi niya..

"Claire.. I love you.. At Oo handa na akong maging Girlfriend mo.."

Niyakap ko siya.."thank you Mi"
Pinahid niya ang luha na tumulo sa king mga mata.. Kung kahapon ay nasasaktan ako ngayon sobrang saya naman ng nadarama ko..

Siguro nga sa bawat sakit na nadarama mo ay may katumbas na saya pagdating ng tamang panahon.. Kung masaktan kaman ngayon malay mo bukas isang araw doble ang saya na babalik sayo..

"I love you Mi" ..

This is our first date..pero sabi niya may pupuntahan daw muna kami kasi may ipapakilala siya..

"Loves.. Wag kang magagalit ha" sAbi niya habang nakaupo kami at hinihintay ang taong ipapakilala niya raw..
"Bakit naman ako magagalit sa loves ko" hinwakan ko siya sa bewang..pinisil ang ilong..

"Ehem" nakita ko si Joey sa harapan namin..
"Ahm Loves.. Si Joey bestfriend ko" naguguluhan ako.. Ba't pa niya ipapakilala eh kilala ko naman..
"Oo alam ko..ex ko nga siya" ngiti kong sabi..
"Gusto ko lang magkaayos kayo.." Pout niya.. Ganda naman ng girlpren ko..
"Claire.." Tiningnan ko si Joey.. Iniabot niya ang kamay niya para makipag shakehands inabot ko din naman yun..
"Ahm Jo.. Sorry sa mga nangyari ah" sincere ako sa sinabi ko..
"Tama lang yun atleast alam ko kung anong pakiramdam na pinaglalaruan" nakonsensya na naman ako..
"But don't worry.. Okay na talaga ako.. Tsaka ingatan mo tong bestfriend ko ha" ngiti niyang sabi.. Buti naman at okay na kami ni Joey..
"Of course" sagot ko..
"Wag mo siyang paglaruan tulad ng ginawa mo sa kin" nakita ko kung gaano kasaya si Mimi sa mga nangyayari at ako din naman.. Hinawakan ko ang kamay niya..
"Baliw.. Di mangyayari yun.. Mahal ko to nu" tumingin ako kay Mimi na nagblush..
"Kita ko nga" sabi naman ni Joey..
"So una nako.. Hehe maghahanap na rin ako ng forever" tawa niya.. Mabait din naman pala si Joey kung kikilalanin mo lang siya..

"Ingat.."
"Bye bess goodluck" sabi naman ni Mimi..

"Thank you Loves" sabi ko sa kanya..ngumiti siya..
"I love you." Bulong ko..
"Dapat lang kasi Mahal din kita" ang sarap pakinggan ng mga sinabi niya..

And now this is the new chapter of our love story.. Alam kong marami pa kaming pagdadaanan.. Pero pagmamahal ko ang gagawa ng paraan para siya ipaglaban..








Author's Note:

Sorry this is just a quick update.. Pasensya na po.. Anyways thank you for reading! Please vote and comment..

Thank you for adding this to your RL really appreciate it.. Tsaka sa silent readers please vote and comment.. May 3.2k reads na po ito at nakakainspire lang po na umabot ng gnyan karami kasi di ko naman ineexpect..thanks again..😊😘

Tsaka please read my other stories and also you can follow me.. If you want lang naman po.. 😂😘
@ronsvelasquez

One shot stories (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon