Soul Meets 2

528 21 0
                                    

Michelle's POV

Pag out ko ay di muna ako umuwi, naghanap muna ako ng pwedeng maibigay sa kanya.

How bout a gold necklace? Hmmm.

Namili ako ng necklace na may dalawang heart na pendant.

--

Sinundo niya ako at pumunta kami sa isang mamahaling resto, yun bang sa harap mo mismo niluluto yung food haha!

"Nakakahiya naman dito Tine" sabi ko.

"Bakit?" Tanong niya..

"Parang di ako fit" sabi ko pa, totoo naman kasi parang nakakahiyang kumain

"Don't mind them Mich, just focus on me" she smiled. Oh gosh ba't ba lagi nakukuha niya ako sa ngiti.

"You look gorgeous Tine, Happy Birthday!" Sabay bigay ng regalo ko sa kanya.

"Thank you Mich" hinawakan niya ang kamay ko.

Binuksan niya ang gift na binigay ko. "Please?" Binigay niya sa akin ang kwentas para isout sa kanya..

"Ba't di ka nagcelebrate with Grace?" Tanong ko pa.
"Nagkita na kami kanina" tumango ako, kaya pala, nauna na pala si Grace.

"Oh okay!" Tsaka nagpatuloy sa pagkain.

"Why'd you ask?" Tanong niya habang kumakain

"Gusto mo siya diba?" Napatawa siya.

"Wala akong sinabi Mich na siya ang gusto ko" napahinto ako sa pagkain.

"Edi sino?" Curious kong tanong

Di siya sumagot sa tanong ko. Natapos kaming kumain ng walang imikan, napaka awkward naman.

After namin sa restaurant ay sa park na kami tumambay, yung malapit sa hospital.

"Bakit dito Tine?"

"Comfortable ako dito atsaka parang gusto ko dito kasi special siya sa'kin, di ko nga alam bakit basta na fefeel ko lang" tumango ako.

"At tungkol naman sa taong gusto ko, just forget her, she's special but someone owns her heart maybe i'll keep it to myself" sabi niya habang nakatingin sa malayo.

Kaya nagkaroon ako ng pagkakataong titigan siya. She's perfect, again naalala ko na naman ang mga oras na magkasama kami dati dito. Di ko akalaing mauulit pa to,

"Why don't you tell her?" Tanong ko pa habang tinititigan siya, bigla siyang napalingon kaya napaiwas agad ako ng tingin

"Natatakot akong masira kung anong meron samin ngayon" ngiti pa niya.

"what if Sabihin mo ang nararamdaman mo sa kanya kahit di man niya tanggapin yung feelings mo for her atleast nag try ka," suggest ko pa.

"Natatakot ako" sagot niya.

"Mas maganda yung walang pinagsisihan dahil hindi lang nasabi ang nararamdaman" love guru ba ako.. haha

"You think  di niya ako iiwasan? Kung ikaw ba ang nasa posisyon niya, iiwasan  mo ba ako?" Tanong niya

Napaisip ako, i am homophobic pero pag naimagine ko ang sinabi niya parang wala naman problema sa'kin.

"Hmmm, hindi?" Hindi ko sure na sagot.

"Di ka sure?" Ngiti pa niya

"Kasi diba alam mo naman paniniwala ko" tumango siya na gets niya naman ang tinutukoy ko.

"I don't mind bout the gender Mich, pag tumibok na ang puso di mo na kasi mapipigilan yan. It's your choice to fight for it or live without fighting it." Sabi niya tumango ako kasi nirerespeto ko ang paniniwala niya.

One shot stories (gxg)Where stories live. Discover now