. . . ⇢ 010 ˎˊ˗

464 27 17
                                    

━━ jasmine's.

"mahirap ba maging fine arts student?"

natawa ako sa tanong ni ate dani saka sumipsip ng apple juice ko. isinabit ko sa aking tainga ang mga buhok kong nagulo saka bumaling kanila rochi na busy din sa pagkain ng lunch nila.

"hindi naman, especially kung ito talaga ang passion mo." sagot ko. "mahilig akong mag-drawing at magpinta kaya ito ang kinuha kong course."

napatango-tango si rochi saka napatingin kay ate dani. "how about you dan? mahirap ba maging engineering student?"

ate dani frowned. "jusko rochi, tinatanong ba pa 'yan? mahirap, sobra. pero para sa kagustuhan ng parents ko, kakayanin ko."

"oo at hindi lang isasagot mo 'te dani. bakit parang gusto mo pang gumawa ng sariling kwento na pang-mmk?" biro ko na ikinahalaklak nilang dalawa.

see? happy pill talaga nila ako. emerghed, ang funny ko talaga.

"pero seryoso, mahirap nga. kasi you know naman na i really hate math di'ba? matalino naman ako pero sa subject na 'yan laging nagkakaproblema." pangs-share ni ate dani tungkol sa relasyon nila ng mortal niyang kaaway.

"oo na, naniniwala na kami. halata naman sa laki ng eyebags mo oh." hindi maiwasan ni rochi ang matawa.

"tourism ka dapat di'ba, 'te dani?" nakanguso siyang tumango. "awit, sige kaya mo 'yan."

"awit din sa'yo. pero pansin ko lang ha, madalas kang online sa twitter. araw-araw ka na may load?" biglang tanong ni ate dani na ikinangisi ko naman.

"let's say that.. may sponsor na 'ko ng load ko?" sa sinabi ko ay bigla akong hinampas ni rochi with matching wide eyes pa.

"gaga!? may sugar daddy ka na!?" bulaslas ni rochi.

i choked and gave her a death glare. "sira! anong sugar daddy ka diyan-"

"jasmine, umayos ka ha. hindi ka namin pinalaki- este hindi ka pinalaki ni tita para pumatol sa.. sa.. sa.. rich old man! jusko ka, sayang ang ganda natin!" si ate dani naman ang bumulaslas.

napairap ako sa pagiging oa nila. "wala akong sugar daddy kaya chill, okay? 'yung load na 'to ay libre sa akin ng friend ko-"

"girl or boy?" putol ni rochi.

"boy?" i answered and i heard them gasps dahilan para muli akong mapairap. "kung ano man 'yan-"

"oh my ghad, jasmine sino 'yan ha! wala kaming kilalang naging boy friend mo maliban kay hee-" kaagad kong tinakpan ang bibig ni ate dani.

"manahimik kayo, pwede?" tumahimik naman sila kaya napahugot ako ng malalim na hininga. "may nagiging boy friend ako, hindi lang siya. hindi ko lang sinabi kasi hindi naman kayo nagtanong."

"meh." rinig kong react ni rochi. "ilang beses kaming nagtanong kung may jowa ka na ba pero sabi mo wala!"

napapikit ako saglit saka nagpakawala ng hininga. "rochi the pochi, sana alam mo 'yung boy friend sa boyfriend 'no? 'no!?"

natigilan naman siya. "ah, okay."

napailing-iling na lang ako. i swear, maaga akong tatanda kapag ganito sila palagi. matatalino naman sila pero may pagkakataon talaga na minsan ang sarap na lang nila itapon sa labas ng bintana.

kinuha ko ang backpack ko saka ang drawing tube ko na naglalaman ng mga sketch ko. inubos ko muna ang apple juice ko saka nagsimulang maglakad paalis doon, iniwan silang dalawa na tinatawag ang pangalan ko.

pero nah, kailangan ko muna mag-chill dahil ang sakit talaga ng ulo ko dahil sa kanila tapos muntik pang banggitin ni ate dani si ano. ugh, that asshole! nanggigigil talaga ako don!

sana lang hindi na magtagpo ang landas naming dalawa.

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon