. . . ⇢ 104 ˎˊ˗

192 17 0
                                    

━━ jasmine's.

sabagay, may punto naman siya.

napabuntong hininga na lang ako saka pinatay ang phone ko at inilagay iyon sa aking bulsa. saglit akong napatulala sa mga batang kasalukuyan ngayong naglalaro ng patintero sa harapan ko.

napapikit na lang ako nang maapakan ng isa sa mga bata ang paa ko at pinakalma ang sarili ko. okay lang 'yan jas, tandaan mo bata lang 'yan kaya 'wag mo na patulan.

"ay sorry po!"

pilit akong ngumiti sa bata. nakanguso ito habang nags-sorry dahil sa ginawa niyang pag-apak sa paa ko dala ng paglalaro. "ayos lang."

"ya jamilla dalian mo na nga!"

kunot noo akong napatingin sa isang bata nang batuhin niya ang batang nasa harapan ko ng tsinelas. tumango lang ang batang sa tingin ko ay jamilla ang pangalan.

"s-saglit!"

akmang maglalakad na ito pabalik sa mga kalaro niya pero hinawakan ko siya agad sa kanyang balikat dahilan para mapatigil siya. nagtataka siyang napatingin sa'kin, nakanguso pa rin siya pero halatang maiiyak na siya anytime.

umupo ako sa harapan niya upang magpantay kami at hinarap siya. "inaaway ka ba non?"

"p-po?"

"kung inaaway ka nila, 'wag ka na lang makisali. halata namang ayaw ka nila kalaro." pagsasabi ko ng totoo.

saglit siyang napatitig sa'kin at napakurap-kurap. pansin ko ang unti-unting paghikbi nito. "a-ang bad niyo rin pala..!"

napasinghap ako, hindi makapaniwalang ako pa talaga ang naging masama e nagsasabi lang naman ako ng totoo. wow ha, buti nga tinutulungan ko pa siya diyan matapos ng ginawa niya sa paa ko.

"jamilla?"

literal akong nanigas nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. dahan-dahan akong napalingon sa kinaroroonan non nang biglang tumakbo si jamilla. doon nakita ko siya, pinapatahan ang ngumangawang bata.

"k-kuya kun.."

kun?

muling napakunot ang noo ko dala ng pagtataka. like bakit tinawag ng batang 'to na kun si heeseung? saka bakit pamilyar sa'kin? parang may kakilala din akong kun kaso hindi ko lang maalala.

wait.

napasampal ako sa sarili ko nang maalala ko na. bakit ko nakalimutan agad 'yon e magka-chat lang kami kanina. tumatanda na yata ako, nagiging malabo na memory ko.

"k-kuya.. ang bad niya po."

nabalik ako sa sarili nang makita kong ituro ako ng bata dahilan para mapatingin ako kay heeseung na nakatingin na din pala sa'kin. nanlaki ang mga mata ko at kaagad nag-iwas ng tingin.

bye, aalis na 'ko dito-

"jasmine."

hindi ako lumingon pero napatigil ako. pero hindi talaga ako lilingon, hindi ako lilingon at hinding-hindi ako lilingon. oo, tama, hindi talaga, promise, close my heart, locked, tapon susi-

bahagya akong nagulat nang hilain niya 'ko sa pulsuhan at iharap sa kanya. hindi ko mabasa ang nakikita ko sa mukha niya pero wala akong paki, basta nagpapanik ako at gusto ko na makaalis dito, makalayo mula sa kanya.

"let's talk."

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon