. . . ⇢ 107 ˎˊ˗

205 18 0
                                    

━━ heeseung's.

"ano ba-"

nakita kong natigilan siya nang mapansin niya kung nasaan kami ngayon. and i swear, nakita ko kung paano magningning ang mga mata niya habang dahan-dahan niyang inililibot ang tingin sa paligid.

"nasa art gallery tayo.." namamangha niyang usal na ikinangiti ko.

"take her to the art gallery, that will make someone happy who understands the true meaning of art."

mas lalo akong napangiti nang maalala ko ang sinabi ni jake. tama nga siya, magugustuhan ni jasmine sa mga ganitong lugar. after all, she loves art ever since we were kids at hindi 'yon nawala.

pinapanood ko lang si jasmine na isa-isa tinititigan ang bawat arts na naka-display sa bawat wall. and how she looked at them, it was full of admiration and respect.

"what is art for you?"

bigla lang 'yon lumabas sa bibig ko dahilan para mapatingin siya sa'kin. pero agad niya ring ibinalik ang tingin sa isang malaking larawan, nakaukit doon ang isang malaking puno at nasa harapan nito ang isang babae.

"what is art for me? for me it's a poem without words." sagot niya at marahang hinawakan ang likha na nasa harapan niya. "and a work of art which isn't based on feeling isn't art at all."

"paano mo nasabi?" muli kong tanong.

muli siyang humarap sa'kin. "anong masasabi mo sa larawang 'to?" pagtutukoy niya sa larawang may malaking puno at babae.

napatingin ako doon at muling bumaling sa kanya. "maganda siya?"

"tanga." natawa ako sa sinabi niya pero inirapan niya lang ako at muling tiningnan 'yon. "hindi ka kasi nakakaintindi ng totoong meaning ng art kaya 'yan lang ang masasabi mo. pero para sa'kin, nararamdaman kong ang art na ito ay may gustong iparating."

habang nakikinig ako sa paliwanag niya, hindi maalis sa'kin ang ngiti. nakakatuwa lang marinig sa kanya ang mga bagay na 'yan dahil sa bawat words na binabanggit niya, hindi maalis ang ningning sa mga mata niya.

siguro ganun talaga kapag mahal mo.

"sige nga miss artist, gawan mo nga 'ko ng isang artwork at susubukan kong hulaan ang gusto mong iparating." kaagad siyang napatingin sa'kin nang sabihin ko 'yon, nakataas ang kilay.

"mababasa mo kaya?" napangisi pa siya.

"i'll try."

"alright, basta sagot mo lahat ng art materials." sagot niya na ikinatawa ko.

"kahit bilhin ko pa sa'yo buong national bookstore." pagmamayabang ko pero inismidan niya lang ako.

"ulol. nasasabi mo lang naman 'yan dahil dala mo black card ni jay." dahil sa sinabi niya ay hindi ako nakasagot.

well, tama naman siya hehe.

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon