. . . ⇢ 113 ˎˊ˗

176 12 1
                                    

━━ jasmine's.

"ano bang trip non?"

muli akong tumingin sa phone ko, nag-iisip kung dapat ba 'kong lumabas o hindi. hindi ko kasi maintindihan kung anong pinagsasabi niya. akala niya naman art siya na mag-gets ko agad, ampota.

pero sa huli, napagdesisyunan ko ring lumabas na lang. at sa pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, nakita ko si heeseung. nakangiti pa ang kupal, ang lapad-lapad na animo'y nanalo siya sa isang contest.

tinaasan ko lang siya ng kilay. "ano bang-"

bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya na lang ako yakapin. 'yung sinasabi ko kanina ay otomatikong naputol at pakiramdam ko bigla akong naputulan ng dila habang naninigas naman ang buong katawan ko.

"thank you." rinig kong usal niya.

hindi ako nakasagot. heck, ni-hindi nga 'ko makapagsalita. sa mga oras na 'to, katamikan ang nanaig sa amin. rinig na rinig ko ang malalakas na pintig ng aking puso na pinapanalangin kong sana hindi marinig ni heeseung.

mahina akong napasinghap nang humiwalay siya mula sa pagkakayakap sa'kin at saka ako tinitigan ng diretso sa mga mata with matching ngiti pa 'yan at nakakatakot lang kasi naging dahilan 'yon para mas lalong maging wild ang puso ko.

malandi kong puso, kalmahan mo lang hindi ka pokpok.

malinaw sa'kin na hindi na lang stranger o kaibigan ang tingin ko kay heeseung sa bawat araw na nagkakasama kami. alam kong may dumagdag or let say may hindi nawala at 'yon ay ang paghanga ko sa kanya simula noon pa man.

pero alam ko namang crush lang 'yon at hindi na 'yon lalalim pa.

"yiee, kinikilig ka ba?"

"a-ano!?" bulaslas ko nang bigla niya na lang sabihin 'yon. "malamang hindi, gago ka ba?"

tumawa lang siya. "okay, sabi mo e. pero sabi mo rin pinapatawad mo na 'ko, ibig sabihin ba non friends na ulit tayo?"

hindi ako nakasagot agad dahilan para mapanguso siya.

"walang bawian!"

dahil doon, ako naman ang natawa. "oo na, friends na ulit tayo-"

muli niya 'kong niyakap pero saglit lang saka ginulo ang buhok ko na madalas niyang gawin noong mga bata pa kami. nakangiti siya ngayon, mahahalata ang saya sa kanya.

patawarin.

hindi ko alam na ganito pala ang feeling ng magpatawad. nagpapatawad naman ako pero iba 'yung kay heeseung kasi akala ko habang buhay ko na siyang kamumuhian but it turns out na hindi ko pala talaga siya kayang kagalitan.

ni-hindi ko nga siya matiis.

"sure ka ba talaga? baka isang araw awayin mo na naman ako." pagd-drama niya pero sinapak ko lang siya, mahina lang.

"buti nga pinatawad pa kita after mo 'kong i-ghost ng 2 weeks!" angil ko sa kanya.

napansin ko ang pataas-baba ng kilay niya at napangisi pa. "i knew it. nagtatampo ka kasi hindi ako nagparamdam ng 2 weeks!" tumawa pa ang gago.

bubulyawan ko pa sana siya nang bigla niya 'kong akbayan na muli kong ikinatameme. "don't worry, nag-plan kasi ako para mas maging effective ang panunuyo ko sa'yo at para na din mapatawad mo na 'ko pero mukhang hindi na pala 'yon kailangan."

kaagad ko siyang nahampas dahil sa sinabi niya. "anong hindi kailangan? susuyuin mo pa rin ako at 2 weeks dapat dahil utang mo 'yon!"

napatingin siya sa'kin, nandoon na naman ang nakakainis niyang ngisi. "sabihin mo gusto mo lang talaga ako makasama araw-araw- okay, sabi ko nga mananahimik na 'ko."

inambahan ko siya na babatuhin ko siya ng sapatos kaya naman napatigil siya pero tatawa-tawa pa rin ang gago, masyadong happy sa pagpapatawad ko sa kanya.

well, ako rin naman.

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon