. . . ⇢ 124 ˎˊ˗

196 13 1
                                    

━━ jasmine's.

kinakabahan talaga ako.

hindi ako 'yung tipo ng tao na mahilig magdrama at mag-overthink. no, hindi ako emosyonal. hindi ako basta-basta natatablan ng kahit na anong tukso mula sa ibang tao, aasarin ko lang din sila pabalik.

hindi ako sensitive.

pero iba kay heeseung. pakiramdam ko konektado ako sa kanya na tipong sa bawat galaw niya ay naaapektuhan agad ako. pag may napansin akong mali sa kanya o sa amin, nagiging madrama ako at nago-overthink.

ganun na talaga simula bata pa lang kami.

lahat ng tungkol sa kanya, gusto ko alam ko lahat. ayoko ng may iba pang bata na mas nakakakilala sa kanya maliban sa'kin, gusto ko ako lang. gusto ko ako lang ang kasama at nasa tabi niya.

ako lang..

"jasmine."

i felt my heart skip a beat. i froze, ang mga mata namin ay nagtama. right, nandito na siya, nasa harapan ko at may sasabihin siya na ayokong marinig pero curious din ako.

but what if masaktan lang ulit ako?

"about sa—"

"maupo ka muna, kumain muna tayo." nakangiting aniya na ikinatango ko lang.

gaya ng sabi niya, kumain muna kami. tahimik at wala ni-isa sa amin ang sumubok na magsimula ng conversation. pero kahit papano, nabawasan ang kaba sa dibdib ko dahil hindi niya pa naman ngayon sasabihin.

mamaya pa.

but what if tama si ate dani? baka nga may balak si heeseung na iwanan ako ulit?

muling lumaki ang takot sa dibdib ko. habang kumakain ay kung saan-saan lang nakakarating ang utak ko, iniisip ang mga posibleng sabihin niya.

sighs, ano ba kasi ang aaminin niya?

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon