. . . ⇢ 050 ˎˊ˗

277 18 4
                                    

━━ heeseung's.

"hoy jakey, 'yung plan b!"

"ang ingay."

napatingin ako kay sunghoon nang makita siyang lumabas ng dorm nila ni jay. sinimangutan ko lang siya nang tuluyan siyang makalapit sa akin, napakunot naman ang noo niya.

"anong nangyari?" tanong niya.

"si jake, biglang umatitod. kanina lang sabi niya tutulungan niya 'ko tapos bigla na lang nagbago ang isip niya at nainis. 'yung totoo, sabog ba si jake?" pagr-rant ko kay sunghoon.

napatango-tango naman siya. "siguro mainit ang ulo? nakita kasi namin 'yung babaeng lagi niyang tinitingnan na may kasamang lalaki kanina kaya nagseselos siguro?"

"lagi niyang tinitingnan?" nagtatakang tanong ko kasi wala naman akong napapansing may tinitingnan si jake na babae dahil sa pagkakaalam ko, hindi pa interesado si jake sa ganyang bagay.

knowing jake? napaka attentive non sa pag-aaral kaysa sa akin e. at nakakababa man ng pride pero mas matalino at mature talaga si jake kaysa sa akin pero hanggang doon na lang 'yon, 'wag na natin pag-usapan 'yung iba.

"ginagawa niyong dalawa diyan?"

sabay kaming napalingon ni sunghoon kay jay nang marinig ang boses nito. as usual, mukha na naman siyang angry bird dahil sa magkasalubong niyang kilay na akala mo may malaking galit sa mundo.

"nagtitigan kami, sali ka? pumikit may tae sa pwet." hagikgik ni sunghoon.

napailing-iling na lang ako at naglakad papunta sa sofa. saturday ngayon kaya nakatambay lang kami at pa-chill chill kuno dahil malapit na din ang hell week or let say isang linggong pamatay utak na exams.

pero imbis na mag-review ay inaalala ko pa rin kung paano ko susuyuin si jasmine gayong failed ang unang attempt namin dahil kay sunghoon na mukhang cold pero isip bata naman at sobrang maloko.

siguro gagawin ko na lang 'to ng mag-isa?

napabuntong hininga ako at isa-isang tinapunan ng tingin sina jay at sunghoon, doon ay muling bumalik sa isipan ko ang sinabi ni jake. muli akong nagpakawala ng malalim na hininga at lumabi.

oh well, mukhang gagawin ko nga 'to ng mag-isa.

after all, ako naman ang nanakit at nang-iwan.

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon